ARAW ng sabado, nagpaalam si Sam na pupunta sa dorm upang kunin na ang mga gamit niya doon, nais man siyang samahan ni David ay tumutol siya, balak niya rin kasing daanan si Danny pagkatapos. Tatlong araw na rin siyang hindi nakakapasok dahil na rin wala siyang uniform, ayaw na kasi ipagamit ng ama niya ang suot niya noong dinala siya sa ospital. Hindi naman siya makapunta sa dorm dahil nais nang ama na magpahinga muna siya at ito na ang bahala sa teacher para ipaliwanag kung bakit siya absent.
Nasa kanya pa ang susi ng dorm na ibabalik na niya kay Shone mamaya, di niya maitatangging kinakabahan siya sa pagpunta doon. Paano kung naroon si Kyle paano niya ito babatiin, kahit sa ilang araw pa lang ay masasabi niyang tanggap na niya ang dulo nila, di lang siguro mawawala ang pagkailang kasi naging higit sa pagiging makaibigan ang samahan nila.
Ayaw niya rin makita si John doon, hinihiling niya na sana wala ito ngayon doon. Di niya maintindihan pero nahihiya siyang humingi ng tawad dito baka kasi pagtaasan lang siya nito ng boses. At hindi niya rin kayang magpaalam dito.Walang sumalubong sa kanya nang makapasok siya sa dorm, walang tao sa sala. Naging daan niya iyon upang sariwain ang mga alaala niya sa dining table nila, kungsaan sabay sabay sila noon kumakain. Napangiti siya sa masayang karanasan niya sa bahay na ito. Dumiretso na siya sa silid, humugot muna siya ng malalim na hininga bago pinihit ang doorknob.
Kung paano niya iniwan ang silid ganun niya ito nadatnan, walang kalat, walang mga nakakalat na damit. Wala si John doon na lubos niyang ipinagpapasalamat. Ibinaba niya ang paperbag na dala niya sa kama sa pwesto ni John, na pinaglalagyan ng malaking bag na paglalagyan niya ng gamit kungsakaling hindi magkasya sa bag na pinaglagyan niya noon.Lumapit na siya sa kabinet niya upang ilabas ang mga damit, ilipag niya ang mga damit sa kama. Nang masigurado na niyang wala nang laman at maayos niya muling isinara ito. Napako ang tingin siya sa pwesto kung saan sila nagkiss ni John. Umiling siya upang mawala sa isip niya iyon, sunod na napatingin siya sa kabinet nito.
Wala naman siguro kung silipin niya ang laman niyon. Dahan dahan niyang binuksan ang kabinet. Maayos na mga nakahanger ang mga polo at jacket nito, hinaplos niya ang mga damit nito hanggang sa madako ang paningin sa nakadikit na picture sa pintuan ng kabinet. Larawan ni John kasama ang isang lalaki at babae na marahil mga magulang nito. Sa tantiya niya tila walong taon pa lang noon si John sa larawan, napakaganda ng ngiti nito na hindi niya pa nakikita.
Isasara na sana muli ito ngunit napansin niya ang nakahanger sa dulo, ang PE uniform na suot niya na ipinahiram nito sa kanya. Kinuha niya ang nakahanger na tshirt. Hindi pa ito nalabhan dahil naalala na natalsikan ng putik sa bandang likuran ito noong naglalakad sila ni John pauwi noon. Pero bakit kailangan pa nitong ikeep iyon. May nakasabit na maliit na pouch sa hanger ng Tshirt. Mali ang ginagawa niya ngunit di siya matatahimik kung di niya sisilipin iyon.Binuksan niya iyon, nakita ang nakaplastic na 500 pesos na may maliit na papel na kasama, binuklat niya ito.
‘Pambili ko daw ng donut, di niya alam di donut ang kailangan ko kundi siya’
So totoo ang sinasabi ni Kyle na gusto siya nito, agad niyang ibinalik lahat iyon nang marinig niya ang pagtunog ng bell sa main door, ibig sabihin may pumasok. Kakasara niya lang ng kabinet ni John ng bumukas ang pintuan ng silid.
Nanlaki ang mga mata niya habang ang mga kamay ay naroon pa rin hawakan ng kabinet. Si John. Alam niyang nagulat din ito na makita siya doon.
Pareho silang nakatitig sa isa’t isa, walang kurap. Namiss niyang matitigan ang muka nito ngunit pinutol ni John ang titigan nila, isinara nito ang pinto.
Bumitiw na si Sam sa kabinet at tumigin nalang dito, pagkasara ni John ng pinto naglakad ito palapit sa kinatatayuan niya. Huminto sa harap niya.
Bumilis ang tibok ng puso ni Sam lalo na nang mapansin niyang nakatingin si John sa labi niya, humakbang pa ito ng isa.
“Nakaharang ka” matapang na sabi nito, nawala sa mga mata nito ang kasabikan na makita siya na nakita niya kanina, napalitan iyon ng galit na tingin.
“Sorry” lumayo siya sa kabinet nito
Dumiretso siya sa kama kungsaan naroon na ang lahat ng damit niya, umupo sa kama at isinuksok sa bag ang damit habang busy ang mata niya na nakatanaw sa nakatalikod na si John na naghahanap ng isusuot. Balak niya sana noong una tupiin ang damit para magkasya nalang sa iisang bag pero nang dumating si John ay nawala na iyon sa isip niya. Kailangan na niyang makaalis, ngayong alam na niyang gusto siya nito dapat na siyang umalis. Gulong gulo ang isip niya kung ano ang dapat maging reaksyon sa nararamdaman nito.Isinara na nito ang kabinet, agad siyang nagfocus sa pagiimpake. Umupo ito sa kama katabi niya. Hindi niya ito nilingon pero nakikita niya ito sa gilid ng kanyang mga mata ang ginagawa nito, naghubad ito ng tshirt at ipinalit ang kinuhang damit. Pinaglalaruan ba siya nito bakit nito ginagawa iyon, may nais ba itong ipahiwatig.
Naglaro ito ng games habang katabi siya, hindi siya nagpahalatang apektado siya sa ginagawa nito.
“John_” balak sana niyang humingi ng tawad sa mga nasabi niya
“Stop talking” mabilis na sabi nito na abala sa paglalaro sa cellphone
Binitiwan ni Sam ang bag at humarap sa katabi “I’m sorry sa mga nasabi ko” sabi niya
Parang walang epekto dito ang mga sinasabi niya, naglalaro lang ito.
“John” tawag niyaHuminto ito sa paglalaro, binigyan siya nito ng malamig na tingin “Di mo ba narinig ang sinabi ko sabi ko wag kang magsalita” iritang sabi nito
Napakunot siya ng noo sa tono nito
“Ayoko nang makausap ka pa kahit kailan, kapag lumabas ka sa pintuan na iyan” turo pa nito sa pinto “Lumabas ka na rin sa buhay ko”
Parang sinaksak si Sam sa dibdib sa sinabi nito “Naiintindihan kong galit ka kasi nasaktan kita kaso_”“Hindi mo ako naiintindihan” bulyaw nito
Napatitig lang si Sam sa magkasalubong na kilay na si John
“Ayoko nang makita ka pa, hindi ko deserve ang lahat ng pinararamdam mo sakin”
Hindi napigil ni Sam ang luha niya tumulo ito habang kaharap si John
“Nasasaktan na ako nag sobra” diin nito
“I’m sorry”
“Galit na galit ako sayo, hindi mapapagaling nang sorry mo ang ginulo mong buhay ko”
“Kung iyan ang gusto mo. Aalis na ako sa buhay mo”
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...