Abala si Justin sa pagpapractice para sa audition niya bukas sa Rap department, nakaupo siya sa upuan kaharap ang computer kungsaan doon nakaflash ang lyrics ng kinakanta niya, samantalang nakahiga sa kama si Sam na abala sa pakikipagtext sa kuya Danny niya.
"Sigurado ka na dyan?" tanong ni Sam
Lumingon si Justin sa kaibigan "Oo naman, nakakahingal nga lang, pero maganda naman hindi ba"
"Ang galing mo nga" nakangiting sabi ni Sam "Hindi ko inasahan na magaling ka talaga dyan"
"Idol ko kasi yung rapper na si Haruto kaya nasanay na ako sa rap. Sana makapasa ko" pinagdikit pa ang dalawang kamay na tila nagdarasal "Balita ko kasama si Travis sa panel"
"Sa galing mong iyan tiyak pasado ka na"
"Ikaw ba, tutuloy ka sa vocal club?"
"Hindi ko sigurado"
"Maganda naman boses mo, kaya sumali ka na"
"Sige titignan ko"
<120403>
Ito ang unang araw ng mga audition sa mga club ng TREASURE HIGH SCHOOL, sa sobrang kaba ni Justin ay hindi siya nakagawa ng joke na ikinadismaya ni Travis. Si Sam naman puno ng pagdadalawang isip ang naiisip niya, hindi siya confidence sa singing talent niya, at nahihya siyang iparinig iyon kay Kyle. Sa ganda ng boses nito hindi niya tiyak kung papasa ba siya sa standard nito maging kay David. Nabanggit ni Danny na sa Rap club din ito sasali kaya nais niyang manood sa audition bilang pagsuporta sa kaibigan at kapatid.
Mabuti nalang at maaga siyang pumunta sa audition venue kaya nakakuha siya ng magandang upuan. Punong puno ang basketball gym, hindi dahil para makita ang mga nagaaudition kundi para masilayan lang si Travis.
Nagsimula na ang audition kahit wala pa si Travis, naroon din si Jaden bilang panelist. Kumpara noong nakaraang taon ay tila mas marami ngayon ang nag aaudition kaya tiyak na magtatagal ito.
Magkasunuran sa pila sina Justin at Danny. Napansin ni Danny ang pagpapawis ni Justin na halatang kinakabahan.
"Huwag kang masyadong kabahan, kaya mo yan" tapik pa ni Danny sa balikat nito
"First time ko po kasi na sasali sa rap club"
"Ako rin naman kasi sa probinsiya wala namang ganyan"
"Pero tiyak papasa kayo kasi muka kayong propesyonal"
"Ha? Paano mo nasabi hindi naman ako nag rap sa harap mo" natatawang sabi ni Danny
"Wala naramdaman ko lang. Bago ka lang ba dito bakit parang ngayon lang kita nakita dito"
"Transferee ako kasama ng kapatid ko"
"Hindi naman siguro si Sam ang kapatid mo?"
"Kapatid ko siya"
"Wow ang galing nameet ko na yung kuyang dahilan ng paglalayas niya" tawa pa ni Justin ngunit itinikom niya ang bibig ng mawala ang ngiti sa muka ni Danny
"May sinasabi ba siya sayo tungkol sakin"
"Mayroon pero lahat iyon puro positive at kung may negative man promise di ko sasabihin sayo" biro pa nito
Ngumiti si Danny "Salamat sa pag aalaga sa kanya"
"Wala ho iyon, siya ang backup ko kaya gagawin ko ang lahat para lagi siyang maging masaya"
"Back up?"
"Ah wala ho nagbibiro lang ako"
"Ikaw talaga. Basta galingan mo ngayon para pareho tayong matanggap"
"Magaling ho ako kinakabahan lang" napahalakhak si Justin "Biro lang"
Natawa si Danny sa hirit niya.
<120403>
Napabilib ang lahat sa galing ni Danny na lalong ikinakaba ni Justin na susunod sa kanya, masayang ngiti at palakpak ang ipinakita ni Sam sa kapatid ng matapos itong magperform. Si Justin na ang sasalang ngunit wala pa rin si Travis sa kanyang upuan na ikinadidismaya niya. Si Travis ang dahilan kung bakit siya naroon ngunit wala naman ito para panoorin siya.
Tumingin siya sa mga manonod ngunit walang Travis siyang nakita na ikinalungkot niya, ngunit pinawi iyon ng makita niya si Sam na nakaupo sa unahan, nakangiti ito na kumakaway sa kanya, nginitian niya rin ito, nakapagbigay ng lakas ng loob sa kanya ang suporta ni Sam sa kanya.
Napahanga niya ang lahat ng panelist at nagpalakpakan ang mga tao, kaparehas ng respond na natanggap ni Danny, ngumiti siya sa magandang reaksyon ng lahat. Tila ba tiyak na niyang pasok na siya sa club kahit pa ang resulta ay malalaman niya sa email ng mga ito.
Nagbow na siya upang bumaba sa stage, ngunit bago pa siya makaalis sa kinatatayuan niya at narinig niyang nagsigawan ang mga manonood, tinignan niya kungsaan nakatingin ang mga manonood at nakita niya si Travis na naglalakad papunta sa kinaroroonan ng mga panelist.
Naupo ito sa bakanteng upuan katabi ni Jaden. Sinisigawan na si Justin ng kasunod niya na nasa gilid ng stage, upang umalis na siya sa stage, ngunit napako ang tingin niya sa minamahal na si Travis na busy na kausap si Jaden. Nanginginig ang kanyang kamay na may hawak na microphone.
Maya maya pa tumingin ito sa kanya.
"Ano pang hinihintay mo mag Rap ka na" maangas na tanong ni Travis
"Tapos na siya" mahinang sabi ng isa niyang katabi "Thank you Justin. Next" sigaw nito
"Wait, hindi ko pa siya narinig" pigil na sabi ni Travis
"Okay" pagsang ayon ng katabi ni Travis "Justin nais ni Travis na marinig muli ang ginawa mo kanina"
Napanganga si Justin sa narinig, totoo bang nais marinig ni Travis muli siya. Halo halo na ang nararamdaman niya, kilig, kaba, natatae, nauuhaw, nagugutom, nababaliw at sobrang saya. Tila binura ng nakakalito niyang nararamdaman ang lyrics na kinabisado niya.
Napakagwapo ni Travis kahit uniforme lang ito na katulad lang din ng suot niya.
"Mag Rap ka na" sigaw ni Travis
Humigpit ang hawak niya microphone. Nakatitig siya kay Travis, nais niyang sulitin ang pagkakataong ito, na sa kanya lang nakatingin ang minamahal.
Kusang lumabas sa bibig niya ang mga letra na hindi niya binanggit kanina. Kumanta siya sa halip na mag rap na nakapagpakunot ng mga noo ng lahat, lalo na ng mga panelist na nakarinig kanina sa kanya. Ngunit si Travis ay nakafocus sa kanya na walang balak pahintuin ang pagkanta niya. Na dahilan kaya lalo niyang ginalingan.
Kinanta niya ang "IKAW LANG ni NOBITA", panay ang bulungan ng mga panelist, samantalang si Travis ay tahimik lang nakatitig sa kumakantang si Justin, wala mang tugtog na sumasabay sa magandang boses nito ay maganda parin itong pakinggan. Hindi maexplain ni Travis ang nararamdaman. Para siyang naging addictive sa boses nito. At ngayon niya lang naramdaman ang pag ingay nang kanyang puso, tumitibok ito sa unang pagkakataon.
Nang matapos kumanta si Justin, nagpalakpakan ang mga tao maliban kay Travis.
"Magaling ka ngunit di ka pasado dito sa club" matapang na sabi ni Travis
"Magaling siya" sabi ni Jaden kay Travis
"Magaling nga siya ngunit rapper ang hinahanap namin"
"Magaling siyang mag rap" dugtong pa ni Jaden
"Doon lang ako magbabase sa narinig ko. Bagsak siya para sakin" tinitigan niya si Justin
"Ngunit napakaganda nang boses niya, mas deserve siya ng vocal club"
Napangiti si Justin sa magandang sinabi nito.
"Napabilib mo ako, kaya ako mismo ang tutulong sayo na makapag audition ka sa Vocal club"
Nagbulungan ang mga tao, nanibago ang lahat sa magandang pakikitungo ni Travis kay Justin. Kilala nila itong laging mataas ang boses at hindi nagbibigay ng magandang salita kanino man.
"Sasamahan kita doon" mahinahong sabi ni Travis
Napangiti nalang si Justin at nasabi sa sarili "FINALLY"
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...