DALAWANG buwan na pala ang lumipas mula nang maibigay niya ang maling sulat kay Sam, naalala niya lang bigla nang makita ang date ng sulat na galing sana kay Travis. Nakalukot ito na nakuha niya sa ilalim ng desk niya kasama ang ilang alikabok at kalat na nawalis niya.
Ganoong katagal na din silang nag iwasan ni Sam, hindi siya nito tinatapunan ng tingin sa tuwing nagkakasalaubong sila, ganun din naman ang ginagawa niya. Hindi na na siya naging interesado sa buhay nito. Mas nakafocus kasi siya ngayon na maipasa lahat ng subject niya upang kapag nagtransfer na siya ng school ay hindi iyon maging problema.
Naayos na lahat ng mga magulang ni Jaden ang requirements niya ng ganun kabilis, nameet na rin niya ito. Masaya siya na gusto siya ng mga ito at excited na excited daw ang mga ito na makasama siya. Hindi na siya magtataka kung bakit ganun kabait si Jaden.
Wala na rin siyang alam sa estado ng relasyon nila Travis at Sam ang tanging alam niya lang parating magkasama ang dalawa pati si Justin kasama ng mga ito.
Wala na kasing hinihinging tulong si Travis sa kanya kaya wala rin talaga siyang pagkakataon para magkaharap muli sila ni Sam. Hindi na rin kasi niya nilalapitan si Travis kaya wala rin pagkakataon itong magkwento.
Nakatulong sa kanya iyon upang gumaling ang puso niya, naiinis pa din siya kapag nakikita niya ang dalawa na magkasama ngunit madali nalang sa kanya ngayong ipaalala sa sarili na masaya na si Sam at di na siya kailangan nito.
Tatlong buwan nalang ang aantayin niya at matatapos na ang school year na ito, makakalipat na siya ng school na mas makatutulong sa kanya upang lubos na makalimutan si Sam.
PARA kay Justin ay kinausap muli ni Sam si Travis, sinabihan niya ito na huwag na muling ulitin ang ginawa nito. At maaari lang silang magkikiss kapag sinabi niya, ayaw pa nito noong una ngunit sa huli pumayag din ito.
Nabibilib siya sa ginagawa nito para sa kanya, araw araw may dala itong pagkain para sa kanila ni Justin, araw araw hinahatid siya nito, sakay sila ng sundo nitong sasakyan sa bahay nila Justin. Hindi iya pumapayag na magpahatid sa bahay nila upang hindi magduda ang kapatid na si David.
Inaalagaan siya nito, sinanay rin siya nito na parati silang magkahawak ng kamay. Napapansin niya minsan na nakakalimot siya na kasama pala nila si Justin, nakikita nalang niya itong tumatahimik kapag magkasama silang tatlo.
Naging close na rin si Travis kay Justin, naging malaya na si Justin na kausapin ito at kwentuhan ng kung ano ano na madalas na dahilan kung bakit maluha luha parati si Travis kakatawa. Dapat siyang maging masaya dahil sa wakas nagkakalapit na ang dalawa pero hindi iyon ang minsan nararamdaman niya, hindi niya kayang patawanin si Travis ng ganun kahit anong biro ang sabihin niya.
NAGYAYA si Travis na pumunta sa amusement park, di pa daw kasi ito nakapunta doon simula pagkabata. Pumayag si Sam pero kailangan kasama si Justin, kahit alam niyang nais nitong silang dalawa lang ay sumang ayon ito.
Isang oras pa bago ang usapan nila ni Travis ay naroon na sila sa amusement park ni Justin.
“Ang aga aga natin” reklamo niya
Nakaupo siya sa isang bakal na upuan doon habang si Justin panay ang tanaw sa mga rides na nais nitong sakyan mamaya.
“Justin umupo ka nga muna” tawag niya dito
Sumunod ito sa sinabi niya umupo ito sa tabi niya “Ano na naman ba iyang inaarte mo. Akala ko ba gusto mo ding magrides”
“Ang aga mo kasi akong ginising kanina”
Alas diyes palang ng umaga noon pero dagsa na ang tao.
“Ganito ang usapan, aayaw ka sa gustong sakyan ni Travis para ako ang makakasama niya” hawak pa ni Justin sa balikat niya
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...