PART 16

89 4 0
                                    

Pasipol sipol pa si Justin habang sinasalansan ng maayos ang mga nasulatan niyang mga maliit na card, na inilalagay niya sa loob ng drawer na nakakabit sa ilalim ng desk niya, samantalang si Sam kanina pang nakahiga sa kama at nakatingin lang sa kisame. Nang maisara na ni Justin ang drawer ay nilingon na niya ang nanahimik na kaibigan. Napakunot siya ng noo ng mapansing tila may iniisip ito. Tumayo siya at umupo siya sa kama. Bumangon si Sam at sumandal sa ulunan ng kama.

“Tapos na” sabi ni Sam ngunit halata sa muka na hindi ito interesado

Tumango si Justin “Sino iniisip mo? Ang kuya Danny mo?”

Ngumiti si Sam upang hindi na mag alala ang kaibigan “Wala naman akong iniisip”

Sumandal din si Justin sa ulunan ng kama “Bakit ka tulala?”

“Nagpapaantok lang. Nasaan na ang card na ihuhulog ko bukas?” pag iiba ni Sam ng usapan

“Nasa bag mo na upang hindi mo makalimutan” nakangiti pa nitong sabi

“May itatanong pala ako sayo”

Lumingon si Justin sa katabi “Mukang seryoso yan ah”

“Paano mo nasabing mahal mo si Travis, kung hindi naman kayo close at hindi niya man lang alam ang pangalan mo”

Napahawak si Justin sa dibdib niya “Love at first sight iyon. Kahit wala siyang gawin o sabihin o hindi man niya ako kilala mahal ko pa rin siya. Masaya akong nakikita siya. Sapat na sakin kahit tignan niya lang ako”

Napayuko si Sam at napatingin sa kamay niya, naalala niya ang mainit na palad ni Kyle.
“Sino ba yan ha?” usisa ni Justin

Napatunghay si Sam at nilingon ang kaibigan “Wala. Para lang aware ko”

“Sus. Alam kong mayroon pero hindi kita pipiliting mag open sakin. Baka pagselosan ko lang yan” biro nito

Ngiti lang ang isinagot ni Sam at muling ibinalik ang tingin sa palad niya

“Malalaman ko rin kung sino yan Sam” may pang asar na ngiting ipinakita si Justin

“Hay wala nga” depensa niya

“Bas_” naputol ang sasabihin ni Justin nang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa desk niya

Nagkatinginan sila ni Sam

“Tingin mo siya na iyon” kabadong tanong ni Justin

Nanlalaki ang mga mata ni Sam sa kaba “Baka?”

Mabilis na tumayo si Justin at binuksan ang mensahe sa cellphone

Nausisa si Sam nang mapako ang mga mata ng kaibigan sa cellphone at tila nanigas sa kinatatayuan nito. Tumayo si Sam at lumapit dito. Binasa niya ang mensahe.

Nagkatinginan sila na parehong gulat na gulat

“Sasamahan ako ni Travis bukas”

“Sa wakas hindi mo na kailangan magtago sa card”

Napahawak si Justin sa balikat ng kaibigan na tila nahimasmasan na mula sa pagkabigla.
“Tuloy pa rin iyon”

“Ha?”

“Wala pa rin akong lakas ng loob na aminin sa kanya iyon. Gusto kong mahalin niya ako dahil nagustuhan niya ako, di dahil sa alam niyang gusto ko siya”

“Okay”

“Basta kailangan kong maitago ang kilig ko bukas kapag nag usap na kami”

“Susuportahan kita bukas sa audition mo” masayang sabi pa ni Sam

“Hindi na kailangan. Matatanggap naman ako, narinig mo na akong kumanta hindi ba”
natatawang sabi pa ni Justin “Pero seryoso, hindi na kailangan kasi para maisip niyang mag-isa lang ako at kailangan ko ang support niya. Mauna ka nang pumunta sa Theater tapos susunod na lang kami”

“Ah okay”

Niyakap ni Justin si Sam “Intindihan lang tayo dito, bawal magtampo” kumalas na siya sa pagkakayakap. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Sam “Ipagdasal mo ako bukas na hindi ako humarot masyado”

Tumango lang si Sam. Humalik si Justin sa noo niya “Ikaw ang lucky charm ko” sobrang sayang sabi nito.

<120403>

Iniwan niya si Justin sa canteen dahil doon daw ito sisiputin ni Travis, kaya nauna na siyang pumunta sa Theater, hindi niya maitatangging excited siya na makita muli si Kyle sa kabila ng sinabi nito. Baka nga pag ibig na ito kaya ayaw niyang sayangin ang pagkakataon nais niyang ipaalam iyon kay Kyle.

Sa kabilang hagdan siya pinadaan ng mga nakita niyang lalaki sa hagdan may aayusin daw doon. Sinunod niya ang mga ito, hindi pa siya nakakadaan doon dahil mas malapit sa building nila ang hagdan na isinara ngayon. Sa Fourth floor naroon ang Theater, ngunit nasa third floor palang siya ay napahinto na siya nang may lalaki siyang nakitang nakaupo sa dulo ng hagdan sa itaas.

Nagtama ang kanilang mga mata bago pa siya humakbang paakyat papunta sa kinaroroonan nito.

Nakalobo ang bibig nito, kungsaan nakalabas pa ang kalahati ng donut sa bibig nito. Napatingin siya sa isang box sa tabi nito. Binigyan siya nito ng masamang tingin kaya iniwasan niya ang mata nito at itinuon nalang ang tingin sa hagdan at umakyat. Hindi niya muli ito binigyan ng tingin nang nakaapak na siya sa huling baitang kungsaan ito nakaupo. Nilagpasan niya ito.

“San..li” hindi malinaw ang salita nito dahil sa dami ng nakalagay sa bibig nito
Humarap si Sam dito. Nakaupo pa din ito na nakatalikod sa kanya, maya maya pa ay tumayo ito at humarap sa kanya. Hindi ito nagsalita bagkus iniabot ang isang chocolate donut.

Wala man lang tissue na nakabalot sa donut, marahil mahigpit din ang pagkakahawak nito kaya may lumabas nang chocolate cream sa donut na nakadikit na sa kamay nito.

“Oh” sabi nito na hindi kayang magsalita dahil sa laki ng pagkain sa bibig nito

Kinuha niya ang inabot nito “Salamat” maikling niyang sabi

Pagkatapos ay umirap ito sa kanya at tumalikod na. Tumalikod na rin siya. Hindi pa man siya nakakahakbang ay napalingon siya muli sa lalaki dahil sa paulit ulit nitong pag ubo.

Nakahawak ito sa leeg at panay ang ubo. Maluha luha ang mga mata nito. Ang lobong mga pisngi nito kanina ay umimpis na, ipinagtaka niya iyon posible bang pinilit lunukin nito ang pagkain. Paulit ulit hinahampas ng lalaki ang tiyan niya. Tumingin ito sa kanya. Itinuro nito ang leeg, kasunod itinuro ang box ng donut at muling itinuro ang leeg.

Nanlalaki na ang mata nito bago niya pa naisip kung ano ang dapat gawin, mabilis siyang lumapit dito, pinatalikod niya ito, inilagay niya ang mga kamay niya sa tiyan nito at idiniin ito sa tiyan upang mailabas ang nasa bibig.

Sa paulit ulit na tulak ni Sam sa kamay niya sa tiyan nito ay natanggal ang nakabara sa bibig nito.

“Sam” tawag ni Justin

Sabay sila ng lalaking mapatingin sa ibaba, naroon sina Travis at Justin. Nanlalaki ang mga mata ng mga ito sa nasaksihan. Napatingin si Sam sa pwesto niya, nakadikit ang pwetan ng lalaki sa baywang niya na dahilan upang mamula ang kanyang mga pisngi. Bago pa man siya bumitiw sa pagkakayapos sa lalaki ay ito na ang nagtanggal ng kamay niya at itinulak siya palayo.

“Mali ata kami ng dinaanan” nasabi ni Justin “Travis sa kabila na lang tayo dumaan” hila pa ni Justin sa kamay ni Travis pababa

“Bakit ba” taka ni Travis “ Baka malaglag ako” protesta nito

“Sasaluhin naman kita” sabi pa ni Justin

<120403>

Nang mawala na sina Justin.

“Ayos ka na ba?” tanong niya sa lalaki

Masama ang tingin nito ng lumingon sa kanya

“May nagawa ba akong mali?” taka niya

“Iwan mo ako” matapang na sabi nito

“Walang thank you?”

“What? Binigyan na kita ng donut hindi ba”

Nakita ni Sam na nasa lapag na ang ibinigay nitong donut “Okay nevermind. Basta okay ka na. Okay na din ako. Sa susunod dahan dahan sa pagkain” ngumiti siya. Dinampot niya ang donut at kinagat ito “Thank you dito” tumalikod na siya at umakyat sa sumunod na hagdanan.

Ngumiti si John sa kawirdohan ni Sam.

<120403>

Panay ang tingin ni Justin sa relo niya. Nasa tabi niya si Travis na nagtataka kung bakit sila nag aantay sa first floor. Pinipigil ni Justin ang ngiti niya upang hindi mahalata ng lalaki ang paghanga niya.

“Sino ba ang inaantay natin dito?”

“Di ko kasi sigurado kung tapos na sina Sam sa itaas”

“Ano bang ginagawa nila?”

“Yung ginagawa ng mga couple” namula ang pisngi niya sa maselang topic na iyon tapos nakatingin pa si Travis sa kanya

“Iligtas ang isa’t isa sa kamatayan?”

Napangibit si Justin “Pogi ka pero bungol ka” mahina niyang sabi

“Ano iyon?”

“Wala! Basta mahal nila ang isa’t isa”

“May relasyon sila?”

“Ay marites din siya”

“Hindi ba pwedeng pumunta na tayo roon, number 12 ka remember”

“Okay. Tama ka, baka tapos na rin sila”

Umakyat na sila sa hagdan, nauuna si Travis

“Use your brain, choco. Hindi nila ginagawa ang tingin mong ginagawa nila”

“Choco?” napangiti si Justin tila ba nais ni Travis na maging unique ang pagtawag sa kanya

“Are you offended?” lingon ni Travis sa nasa likod na si Justin

“No.”

“Good” muling tumalikod ng tingin kay Justin

“Kahit Mahal pa itawag mo sakin. No Problem” mahinang sabi ni Justin

“May ibinubulong ka” hindi ito lumingon sa nasa likod

Wala na si John at ang box ng donut ng makarating sila third floor.

“Wala” mabilis na sagot ni Justin “Bakit mo pa ba ko kailangan samahan, pwede naman akong mag audition mag isa”

“Gusto kitang marinig kumanta” huminto si Travis sa paghakbang at lumingon kay Justin.
Huminto din si Justin “Wala namang masama hindi ba” seryosong tanong nito

Napatitig si Justin sa malaki pero singit na mga mata ng minamahal, napakagwapo talaga nito.

“Kahit anong oras pwede naman kitang kantahan”

“Sa vocal club kita gustong mapanood. Gusto ko tuwing may praktis kayo naroon ako”
Ngumiti siya. Kakaibang kilig ang dumaloy sa buo niyang katawan. Gusto niyang yakapin ito at sabihing mahal na mahal niya ito. Dahil sa mga salita nito, tila ba may gusto rin ito sa kanya.

“Kakanta ako ng maganda araw araw para sayo”

Ngumiti si Travis “Good”

Tila ba pakiramdam niya tumigil ang oras niya, walang kahit sino man siyang naalalang nginitian nito. Posible kayang mahal din siya nito?

<120403>

Umupo si Sam sa unahan at inireserve niya ang katabi niyang upuan para kay Travis. Agad hinanap ng kanyang mga mata si Kyle. Nakaupo ito sa panel sa unahan, nakatalikod man ito sa kanya ay masaya pa rin siya.  Napatingin naman siya sa stage, kungsaan naroon si David na may kausap na isang miyembro ng club. Nalungkot siya habang pinagmamasdan ito. Sobrang miss na niya ang kuya, pero wala siyang magawa kundi tignan lang ito mula sa malayo. Napakaswerte ni Kyle na nakakasama nito at nakakausap ang kapatid. Sana talaga maging tulay nila si Kyle upang magkalapit sila muli.


I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon