PART 49

49 5 6
                                    

GINULAT si  Jaden nang kalat sa silid ni John noong pumasok siya, ipinagpalit nito ang pwesto ng kama sa pwesto ng mga table, pati ang mga kabinet ay nilipat nito sa pwesto ng kama. Mas lumiit ang silid dahil sa ginawa nito.

“Anong ginagawa mo”

“Naglilinis” maikling sagot ni John na patuloy sa pag aayos

Pumasok si Jaden sa loob, muli niyang isinara ang pintuan, inilapag niya sa table ang isang bucket nang manok na dala niya.

“May dala ako para sayo”

“Iwan mo lang diyan” hindi tinignan ni John kung ano iyon, abala siya sa pagtutulak sa kama padikit sa pader.

Napapailing si Jaden sa ginagawa nito, hinila niya ang dalawang silya na nakasuksok sa mga lamesa nito, umupo siya sa isa.

“Tigilan mo muna iyan kumain muna tayo”

“Sandali na lang ito”

“John!” tawag niya habang tinatanggal ang buhol ng plastic

“O sige na ito”

Naghugas muna ng kamay si John bago umupo sa upuan ni Sam.

“Bakit kailangan dito tayo kumain, pwede naman sa labas” tanong ni John habang nakatingin kay Jaden na abala sa binubuksan nitong gravy

“Gusto ko kasing magkwentuhan tayo”

Kumuha na si John ng isang hita ng manok, isinasaw niya ito sa gravy at kinain. Hindi siya sinabayan ni Jaden, nakasandal lang ito sa upuan at pinagmamasdan siya.

Napahinto siya sa pagkain “Ako lang ang kakain?”

“Binili ko iyan para sayo”

Ngumiti si John, muli siyang bumalik sa pagkain

“Ibalik mo na lahat ng gamit sa dating pwesto”

“Di mo ba nakikitang naayos ko na”

Tumingin si Jaden sa mga gamit na nakalagay na sa bagong lagayan “Mas sumikip ang silid mo”

“Okay lang ako ang naman mag isa dito”

“Gusto mo lang kalimutan si Sam kaya mo ginagawa iyan”

Ikinabigla ni John na naisip ng kaibigan iyon, ngunit hindi niya ipinahalata iyon, nagpatuloy lang siya sa pagkain.

“Alam kong gusto mo siya” natatawang sabi ni Jaden

“Mali ka”

“Tama ako” natatawang sabi pa nito “Bakit ba ganyan ka. Bakit hindi mo nalang aminin na gusto mo siya. Natatakot ka bang gusto niya pa si Kyle”

Inilapag ni John ang kinakaing manok sa lamesa, ikinuskos niya sa short niya ang may mantika niyang mga daliri. Bumaling siya ng tingin kay Jaden. Matapang ang kanyang mga mata, na naging dahilan kung bakit nawala ang ngiti ni Jaden.

“John alam ko natatakot ka na tanggihan ka niya pero mas masakit kapag tinago mo ang nararamdaman mo sa kanya. Wala namang masama kung susubukan mo”

Napaisip si John, may point din ito kaso di niya alam ano ang gagawin niyA kung sabihin nitong di siya nito gusto.

“Alam ko kung bakit ka ganyan. Natatakot kang muling maiwan hindi ba”

Napakunot ang noo ni John sa tila may lamang salita nito

“Alam ko na ang lahat ng tungkol sayo”

“Ano?”

“Kinulit ko si Teacher Manuel para sabihin niya sakin”

Napayuko si John. “Kaya naaawa ka sakin, kaya mo ako binibilhan ng pagkain”

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon