Magang maga ang mga mata ni Sam dahil sa pag iyak, hindi niya tuloy alam paano uuwi. Ayaw niyang mag alala ang ama kaya umalis din siya agad. Ayaw naman niyang mag alala si Danny kung uuwi siya ngayon. Nakaupo lang siya sa isang sementadong upuan sa parke na iyon, may mga luha pa rin na tumulo sa kanyang mga mata, kahit pa pinapakalma na niya ang sarili na huminto upang hindi na lumala.
"Gusto mo nang ice cream" sabi nang isang lalaki sa harap niya
Napaangat ang ulo niya, abala siya noon na ipinupunas sa manggas ng jacket na suot niya ang mga mata niya, kaya hindi niya napansin na may lumapit pala sa kanya.
Nakatitig lang siya dito, hindi niya ito kilala. Hawak nito ang isang cone nang ice cream na tila binili sa naglalako doon.
"Ayaw mo ba?" nakangiti pa nitong sabi ulit
Tinanggap niya iyon dahil na rin sa hiya.
Umupo ang lalaki sa tabi niya, na kumakain din ng ice cream.
"Salamat po sa ice cream"
"Broken hearted ka rin ba?" tanong ng lalaki
"Ha?" lingon niya dito
"Kasi kung Oo, parehas tayo" nanatili ang ngiti nito
"Nag away kasi kami ng kapatid ko"
"Ganun ba" kumagat ito sa ice cream "Sobrang lala ba nang away niyo at naging ganyan kamaga ang mata mo"
"Medyo" kinain niya na rin ang patunaw ng ice cream "Ikaw kanino ka nabroken?"
"Sa kasintahan ko"
"Pero bakit masaya ka pa din"
"Hindi naman sa masaya, mahal na mahal ko siya ngunit alam kong hindi ako ang kailangan niya para sumaya siya"
"May mahal ba siyang iba?"
"Siguro, hindi ko siya kayang pasayahin tulad nang nais niya. Masakit sakin na hindi ko man lang siya napapatawa ng madalas, at hindi ko siya napapatawa nang malakas"
"Pero alam mo, hindi ko masasabing malungkot ka kasi ang aliwalas nang muka mo, parang muka kang masaya"
"Marami ngang nagsasabi niyan, kaya hindi niya rin siguro nakita na nasasaktan na ako sa parati niyang pagiging malungkot. Mahal ko siya pero nais ko siyang sumaya" napatitig ito sa natirang cone na natirang hawak.
"Siya ba ang humiwalay sayo"
"Hindi. Actually ako na ang umalis sa buhay niya"
"Umiyak ba siya?"
"Hindi nga eh, kaya may konting duda ako kung minahal niya ba talaga ako" nakangiti pa ito habang nagkukwento
"Gaano kayo katagal?"
"Siguro mga tatlong taon din kami. Unang kita ko palang sa kanya ay nagkagusto na ako sa kanya, ganun din naman siya sakin kaya naging masaya ang mga unang dalawang taon namin kahit pa nararamdaman ko na parang may dinadamdam siya, hindi ako nagtanong kasi alam kong ayaw niya rin pag usapan"
"Bakit mo siya sinukuan?"
"Mahal ko siya ngunit napapagod na ako, hindi ako ang magpapasaya sa kanya"
"Tinanong mo ba kung ano ang magpapasaya sa kanya?"
"Alam ko, naikwento niya noon, ngunit ayaw na niyang pag usapan pa muli. Ang hiling ko lang na sana maging masaya na siya dahil deserves niya iyon"
"Deserve mo din ang maging masaya, hindi ka naman nagkulang sa kanya"
Ngumiti ito.
"Sam !!!"patakbong palapit ni Danny na halata sa muka ang pag aalala
Napatayo siya nang makita ito.
"Ku_"
Naputol ang sasabihin niya nang mahigpit siyang niyakap nito.
"Kuya" nasabi nalang niya, niyakap niya rin ito nang mahigpit
Kumalas din si Danny. Basa ang mga mata nito
"Bakit ka umiiyak kuya" taka ni Sam
Agad pinunasan ni Danny ang mga mata niya "Ikaw kasi pinag alala mo ako. Sobra akong nag alala nang wala ka doon sa bahay niyo"
"Kuya sorry po nag alala ka pa tuloy sakin"
Napatitig si Danny sa kanya.
"Bakit parang umiyak ka"
"Wala ito" punas pa niya muli sa mga mata niya
"Anong wala. Samantalang magang maga yang mata mo"
Bumaling ang pansin ni Danny sa lalaking nakaupo sa likod nang kapatid.
Ngumiti ito ang lalaki kay Danny.
"Anong ginawa niya sayo?"
"Kuya nagkakamali ka, sinamahan niya ako dito, binilhan niya pa nga ako ng ice cream" taas pa niya sa natitirang cone nalang ng ice cream
Tumayo ang lalaki.
"Nakita ko kasi siyang malungkot kaya kinausap ko siya kanina" sabi ng lalaki
"Salamat sa concern sa kapatid ko" nakangiti pang pasasalamat ni Danny
"Shone nga po pala pangalan ko"
"Ako si Sam. Siya naman si Kuya Danny. Salamat po sa oras"
"Walang anuman, thank you din kasi nakinig ka sa pinagdaraanan ko"
"Salamat po ulit"
"Ah Shone baka gusto mong sumama samin, kakain kami"
"Hindi na, kailangan ko na rin umalis"
"Ganun ba, sa susunod nalang siguro, Salamat muli" Yumakap si Danny sa kay Shone na hindi nito inasahan
Nang makaalis na si Shone. Nawala ang ngiti ni Danny nang bumaling sa kanya.
"May ginawa ba sayo si David?"
Umiling siya "Wala ito, si Papa kasi puro kwento kaya napaiyak ako" natatawa niya pang sabi
"Nagsisinungaling ka na naman sakin"
"Totoo nga"
"Nakasalubong ko ang Papa mo kanina bago ako pumunta sa bahay niyo"
"Nag usap lang kami ni Kuya David"
"Nag usap lang kayo pero maga yang mga mata mo"
"Inalis na niya ako sa buhay niya kuya" kasunod ang luha
"Anong sinabi niya sayo"
"Kasalanan ko kung bakit lumayo ang loob niya sakin. Sana bumalik ako, hindi sana kami hahantong sa ganito"
Hinawakan ni Danny ang mga kamay niya "Wala kang ginawang mali, naiinggit lang siya sayo kasi ikaw ang sinama nang mama mo"
"Kuya, hindi ko alam kung maaayos pa kami"
"Sinabi ko naman sayo na kalimutan mo na siya, masyado siyang makasarili, kung mahal ka niya bilang kapatid, tatanggapin ka niya kahit ano pang nangyari"
"Sorry kuya kasi sinama pa kita dito" napayuko nalang siya habang umaagos ang luha niya
Hinaltak ni Danny ang batok niya palapit sa balikat nito at mahigpit na niyakap.
"Nandito lang ako para sayo lagi, hindi kita iiwan"
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...