PART 38

53 5 3
                                    

Bitbit na ni John ang paper bag na pinuno ng chocolate, na may katamtamang laki. Iba’t ibang brand, sizes ang nakalagay na chocolate, binayaran siya ni Travis para ibigay iyon sa roommate niya. Gustong gusto niyang itapon ang bitbit at magsinungaling nalang kay Travis na may humablot ng paper bag kaya di niya naibigay pero tiyak niyang hindi naman maniniwala ito sa dahilan niya.

Napakalaking insulto nito para sa kanya, bakit niya bibigyan ng chocolate ang mahal niya na galing sa ibang lalaki. Lalo lang kumukulo ang dugo niya kapag naiisip si Sam, paano niya makukuha ito kung maraming umaaligid na matalino at mayaman na malayong malayo sa kungsino siya.

Nang nakaramdam siya ng gutom habang nagbabyahe ay kumain siya ng chocolate at pinili niya ang pinakamahal at malaki.

Naabutan niyang kumakain ng hapunan sina Shone, Sam at Danny. Nagtatawanan ang mga ito noong una ngunit huminto sila nang pumasok siya.

Tumahimik ang tatlo at nagtinginan lang. Naalala niyang hindi pa pala siya nakikipag usap kay Danny pagkatapos ng nangyari.

Naglakad siya palapit sa lamesa, inilapag niya ang paper bag sa lamesa sa harap ni Danny. Napatingin ang tatlo sa ginawa niya, pero kay Danny lang siya nakatingin.

“Peace offering” sabi niya

Sumulyap muna si Danny sa katabing si Sam at kaharap na si Shone bago muling tumingin kay John. Nginitian niya si John, iniabot niya ang kanyang kamay.

Nagkamayan sila.

“Sorry sa nagawa ko”

Hindi makapaniwala ang lahat sa ginawa ni John lalong lalo na si Shone kasi alam niyang matigas ang puso nito.

“Okay lang iyon, basta magpakabait ka na” sabay ngiti kay John

Ngumiti si John “Magpapalit na ako” sumulyap siya kay Sam na binigyan siya ng thumbs up.

Sana maging close na sila ni Sam pagkatapos niyon. Sorry nalang para kay Travis kasi may ibang taong nakatanggap nang chocolate niya.


Hanggang ngayon pa rin daw ay wala pa ring ginagawang move sina Jun at David kay Danny, hindi  naman dapat sila umasa. Hindi na talaga kilala ni Sam ang kapatid na si David.
Malungkot mang isipin iyon pero maaaring sadyang ganun na talaga ang tadhana nila.


Hindi daw uuwi si Kyle ngayon dahil daw umuwi muna ito sa bahay ng mga magulang nito. Hindi mawala sa isip ni Sam na tila may problema ito, nalulungkot siya na hindi man lang ito nagkukwento sa kanya. Wala man silang relasyon sana lang wala itong nililihim sa kanya.


Inako na ni Shone ang paghahatid kay Danny sa sakayan kahit pa mapilit pa noong una si Sam na sumama ay hindi ito nanalo sa kakulitan ni Shone. Naupo sila sa waiting shed habang wala pang jeep.

“May itatanong pala ako sayo” sabi ni Danny

“Ano iyon” nakangiti pang sagot ni Shone

“Gusto ko lang malaman kung ano ang mga bagay na ginawa na ninyo ni David?”

Nawala ang ngiti sa labi ni Shone sa tanong ng katabi.

“Wala akong ibang ibig sabihin nacurious lang ako. Bago lang ako sa ganitong relasyon kumpara sayo na may nauna nang karelasyon”


Hindi naman seryoso ang muka ni Danny kaya tingin ni Shone pwede naman niyang sagutin iyon.

“Sigurado ka gusto mong ikwento ko sayo”

“If gusto mo lang naman” nakangiti pa si Danny

“Sige sabi mo eh. Saan ba ako magsisimula”

“So marami na?”

“Matagal din kami kaya marami kaming inexplore na mga bagay”

“Gaya nang?”

“Sex”

Nanlaki ang mga mata ni Danny, pilit niyang tinatago ang pagiging hindi niya komportable sa sinabi nito, pinilit niyang ngumiti na kunwari excited siyang marinig ang mga sasabihin pa nito.

“Paano niyo ginawa? Saan?”

“Saan ba ang una” napatingin pa si Shone sa itaas na pilit may inaalala

“Ilang beses niyo ba ginawa?” malalim na ang boses ni Danny

“Hindi ko alam kasi parang ginagawa namin siya three to four times a week”

“Wow sex addict”

Natawa si Shone “Grabe ka sa addict”

“Hindi ko maimagine si David”

“Naku nakakatuwa siya magaling siya, kaya nakakailang round din kami. Tapos ginagawa namin iyon sa bahay nila kasi parati namang wala ang tatay niya. Kaya malaya akong sumigaw doon” nakangiti pang sabi ni Shone

Nakakunot na ang noo ni Danny

“Galit ka ba?”

“Hindi” mabilis na sagot ni Danny ngunit sa kalsada ang tingin niya “Bakit naman ako magagalit ako naman ang pumilit sayo”

“Akala ko galit ka. At saka ang laki talaga nang ano niya_”

“Tama na tama na, masyado nang malawak iyang sinasabi mo, nakalimutan mong boyfriend mo ang kinukwentuhan mo” seryosong sabi ni Danny na nakatingin na kay Shone

“Sorry kasi ikaw”


“Pati size talaga, kulang nalang pati posisyon niyo sabihin mo” iritang sabi pa nito

“Ah oo nga pala ang favorite naming posit_”

Tumayo na si Danny sa kinauupuan ngunit hinila ni Shone ang braso niya kaya napaupo siya ulit “Ayoko nang marinig”

“Kahit ano naman size mo mahal pa rin kita”

Tinignan niya ng masama si Shone “Sinabi ko bang maliit ito ha! Masyado mataas tingin mo sa David na iyan baka kapag nakita mo ito sumuko ka”

Napahalakhak si Shone

“Sige tumawa ka. Pwede mo naman balikan iyang ex mo kung gusto mo siya ang umano sayo”

Lalong lumakas ang tawa ni Shone

“Naiinis na ako dito pero ikaw puro siya naiimagine mo”

“Natatawa ako sayo”

“Sige na ituloy mo na ang kwento mo para matuwa ka pa”

“Ganito kasi iyan”

“Ikaw ba nagyayaya”

“Oo” mabilis na sagot ni Shone

“Hay naku” napapailing si Danny “Bakit ba ako nakipagrelasyon sa makating katulad mo. Inuunahan na kita Virgin pa ako, kaya di ko kaya iyang four times a week niyo” naiinis na sabi pa muli ni Danny

Lalong lumakas ang tawa ni Shone

“Uuwi na ako. Dapat pala kay Sam nalang ako nagpahatid”

Muling hinila ni Shone ang braso niya kaya muli siyang napaupo

“Ayoko nang makinig sayo, kung sayo nakakatuwa sakin hindi. Ang sakit kayang maimagine iyan” pagtataas pa ng boses ni Danny

Mabuti nalang at tanging sila lang ang  tao roon kaya walang nakakarinig sa kanila.
“It’s a prank” tawa pa ni Shone

Magkasalubong pa rin ang mga kilay ni Danny

“Joke lang iyon. Hindi naman kami ganun kawild. Virgin pa kami pareho”

“Sus. Sinabi mo na tapos babawiin mo”

“Ang totoo lang doon ay ako ang nagyayaya pero siya ayaw niya talaga”

“Sorry ka ayoko din. Makikipagbreak na ba?”

“Ang sungit naman nito. Nakipagbreak ako dahil kay Sam hindi dahil doon. Hindi naman importante iyon diba. Basta mahal mo ako, mahal kita araw araw magiging mainit ang mga katawan natin” seryosong sabi ni Shone

Unti unting umunat ang noo ni Danny

“Hindi mo pa nakita ang alaga niya?”

Umiling si Shone “Hindi pa talaga, nahawakan lang”

“Nahawakan?”

“Kapag nagkikiss kami malikot ang kamay ko, pero hindi ko naman pinapasok sa pants niya”

“Bwisit ka talaga kailangan sabihin mo pa talaga iyan sakin”

“Para alam mong wala akong tinatago sayo. Pero hindi niya pa ako hinawakan, takot talaga siya eh”

“Takot din ako iiwan mo na ba ako?”

“Hay naku Danny ang kulit mo”

“Bakit di mo ako hinahawakan kapag nakikiss tayo. Ngayon alam ko na mas mahal mo siya”

Nakurot ni Shone ang tagiliran ng nobyo “Ang dami mong alam”

“Ang sakit kaya” inda ni Danny “Bakit nga?”

“Kasi baka maturn off ka sakin”

“Tama din. Konserbatib ako kaya papayag lang ako kapag kinasal na tayo”

“Konserbatib muka mo”

“Di mo ba napapansin, tignan mo si Sam”

“Ikaw naman kasi nag open ng usapan na iyan tapos ikaw ang gigil na gigil”

“Tinanong kita, di ko sinabing gumawa ka nang kwento”

“Magbreak na kayo” sabi ng lalaking nakatayo sa harap nila

Sabay sila napatingin sa lalaki

“Kapag lagi kayong nag aaway maghiwalay na kayo para di lang ako ang malungkot” walang kaemosyon emosyong sabi nito

“Arthur” taka ni Shone “Anong ginagawa mo dito?”

“Bibili ako ng ice cream”

Tumayo ang dalawa at lumapit dito

“Ha? Ice cream? Di ba malayo ang bahay niyo dito, paanong dito ka nakarating” taka ni Danny

“Doon namin binili ang ice cream na parati naming kinakain” turo pa ni Arthur sa 7 eleven

Nagkatinginan sina Shone at Danny, naisip nilang hindi lang iyon ang branch ng 7 eleven.

“Gusto ko siyang maalala, weird ba iyon”

“Ah hindi” sagot ni Shone “Kilala ba namin siya?”

“Ewan ko” matipid na sagot nito

“Gusto mo bang samahan ka namin” presinta ni Danny

“Wala naman kayo sa alaala namin, baka makasira pa kayo”

“Sige ingat nalang” nasabi nalang ni Shone

Umalis na si Arthur

Nagkatinginan sila Danny at Shone

“Wag tayong maghiwalay ayokong maging katulad niya” sabi pa ni Danny

Yumakap si Shone sa nobyo “Sorry dahil ginalit kita”

Hinalikan ni Danny ang noo nito “Mahal na mahal kita, maliit man ito o malaki wag mo akong iwan” biro pa ni Danny

Sabay silang tumawa

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon