PART 63

45 4 0
                                    


Tulog pa si Sam ng pumasok si David sa silid nito. Balot na balot pa ito ng kumot at di nagising kahit ibinagsak na ni David ang pintuan. Nakatayo si David sa dulo ng kama at nakapamewang na nadismaya sa kapatid, nasanay kasi itong si Sam na alas sais ang gising para pumasok sa school pero dahil ngayon ang kanilang Camp, ang usapan nila ni Sam kagabi, na kailangan alas singko ay gising na ito.

Hinila ni David ang kumot hanggang sa matagal ito sa katawan ng kapatid. Tama siya ng desisyon dahil umingit na ang kapatid ngunit nanatiling nakapikit ito.

“Kuya naman ano ba iyan” reklamo nito na nagkakamot ng ulo. Dumapa si Sam na balak pang ituloy ang tulog

“Bangon na dyan 6:30 ang alis ng bus niyo hindi ba”

Hindi sumagot si Sam, nakasubsob ito sa unan. Hinampas ni David ang puwetan ng kapatid

“Aray naman” daing ni Sam na nakahawak sa puwetan. Bumangon na ito, ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata

“Hindi ka ba excited na makasama si Travis”

“Hindi”

“Bababa na ako, aantayin kita doon dapat nakaligo ka na”

Nanatiling nakapikit si Sam

“Bunso!” sigaw ni David

Nagmulat ang mga mata ni Sam “Eto na po”

Naglakad na papunta sa direksyon ng pinto si David at lumabas.

Ang kanilang ama naman ay maaga din gumising para ipagluto ng baon si Sam. Ang advise kasi ng guro nila, magdala ng baong pagkain para sa tanghalian. At ang para sa dinner ay ang school na ang bahala.

Nawala ang ngiti ni David na bunga ng pagkatuwa sa kapatid nang makita si Danny na nakaupo sa dinning room.

“Anong ginagawa mo dito?”

Tumayo si Danny “May dala ako para kay Sam para sa baon niya” masayang bida pa ni Danny

Tinapunan ni David nang tingin ang isang plastic na puno ng snacks at tatlong transparent na baunan na may iba ibang klase ng ulam.

“Tingin mo ba hindi namin kayang baunan si Sam ng ganyan”

Tumikom ang bibig ni Danny “Hindi iyon ang ibig kong ipahiwatig dyan. Sanay na akong pinaghahanda siya sa tuwing may field trip siya” paliwanag nito

“Hindi na siya sayo nakatira. Wag ka nang gumawa ng eksena para bumalik siya sayo”

Nagsalubong ang kilay ni Danny “Bakit ba ganyan ang turing mo sakin, wala lang ba sayo na pinatawad kita sa kabila ng ginawa niyo ni Jun sakin”

“Wala akong pakialam kung pinatawad mo ako o hindi. Ayokong nandito ka sa bahay namin. Ayokong umaaligid ka sa kapatid ko”

“Kapatid ko rin siya” diin ni Danny “Kaya di ako mapanatag na nandito siya kasi ayoko siyang mahawa sa masama mong ugali”

Napahigpit ng kamao si David na lalong sumama ang tingin sa kaharap.

“David!” tawag ng kanyang ama na galing sa kusina, may bitbit itong tupperware. Inilapag nito iyon sa lamesa “Nag aaway na naman ba kayo. Naririnig ko kayo sa kusina”

“Tito pasensiya na po” nakatungong paumanhin ni Danny

“Ang dami mong dala Danny, di ko alam kung mauubos ni Sam iyan” sabi ni Jinu

Bumaling ng tingin ang ama kay David “Ayusin mo iyang muka mo” saway nito sa anak na nanatiling nakatingin kay Danny

“Bakit niyo ba siya pinapapasok dito” sigaw ni David

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon