HINDI umuwi si Sam alinman sa dalawang bahay, nag text lang siya sa mga ito na huwag siyang alalahanin, alam niyang imposible na hindi mag alala ang mga ito, ngunit sinabi niyang nais niya muna ng space. Wala naman siyang kakilala na pwedeng puntahan na maaari niyang tulugan ngayong gabi.
Nakaschool uniform pa siya na natatakpan ng itim na jacket, hindi na siya nakapagpalit sa sama ng loob kanina. Dinukot niya ang cellphone sa pants niya at nakita niya na 11pm na pala, ngunit naroon pa siya sa plaza. May mga tao pa rin naman doon kaya hindi siya mag isa pero nais na niyang magpahinga. Tanging si Justin lang ang kaibigan niya sa Treasure high pero nakakahiya naman kung aabalahin niya ito, napabuntong hininga siya, napaisip siya kung mali ba itong ginagawa niya, maaari naman siyang umuwi ngunit pinili niya ang sitwasyon niya ngayon. Wala siyang nakahandang plano nang umalis siya sa bahay ng ama kanina, ang nais niya lang noon ay ang makalayo muna sa mga ito, dahil alam niyang nasasaktan na niya ang mga ito.
Binuksan niya ang cellphone niya at sinuri ang contacts niya kung sino ang maaari niyang tawagan, alam niyang walang ibang laman iyon kundi number nila Danny, ng kanyang ama at ni Justin. Napahinto ang pagscroll niya sa numero ni Justin. Gabi na kaya maaaring tulog na ito ngunit gusto niyang magbaka sakali. Ito nalang ang natitira niyang pag asa. Nahihiya man siya ay sinubukan niyang tawagan ito. Malakas ang tibok ng puso niya, natatakot siyang hindi ito sumagot o kung sumagot man ay natatakot siyang tanggihan nito.
Ring…Ring….Ring
Mabait si Justin ngunit hindi niya tiyak kung may space pa ang bahay nito para sa kanya, lumalalim na ang gabi na ikinakabahala niya, hindi siya sanay sa buhay siyudad kaya hindi niya tiyak kung anong panganib ang naghihintay sa kanya kapag natulog siya sa plaza na iyon.
Tatlong minuto na ang lumilipas ngunit wala paring sagot siyang natatanggap. Napalunok na lang siya na paano kung hindi nito sagutin anong mangyayari sa kanya ngayong gabi.
Ngunit mukang mali na idamay niya ang bagong kaibigan sa Family problem niya kaya naisip niyang putulin na ang tawag ngunit nang pipindutin na niya ang red phone button ay may nagsalita.
“Hello?” sagot ni Justin
Muli niyang ibinalik sa tapat nang tainga niya ang cellphone ngunit walang salitang lumabas sa bibig niya.
“Hello?” ulit nito
“Hello” maikli niyang sagot
“Sam? Sam may problema ba? Bakit ganyan ang boses mo tila nanginginig”
“Ah, ano kasi nasa labas ako ng bahay namin, kaya ano”
“Ano? Alam kong may sasabihin ka sakin, ano ba iyon?”
“May ginagawa ka ba? Nakakaabala ba ako sayo?”
“Sus hindi ano. Basta ikaw, lagi akong may oras sayo, wag mong kalimutan na ikaw ang back up ko” natatawa pa ang boses nito
“Back up?”
“Back up. Kapag hindi kami nagwork ni Travis edi tayo nalang”
“Ha!”
“Ano ba iyang sasabihin mo?”
“Ano kasi lumayas ako sa amin tapos ngayon hindi ko alam saan ako pupunta”
“Ah ganun ba sige itetext ko sayo ang address ko”
“Seryoso?”taka niya dahil sa mabilis na pagdedesisyon ng kaibigan
“Back up kita remember. Ibaba ko na ito”
“Si..ge. Salamat!”
Hindi nagtagal ang pag iintay niya ay nareceive na siya ang text nito na naglalaman ng address nito. Hindi ito kalayuan sa kinaroroonan niya, nakasaad din sa text kung anong sasakyan niyang tricycle, at kung anong kulay ng gate ng bahay.
Bumaba siya sa tapat ng isang kulay itim na gate, mababa lang ang gate kaya tanaw na niya ang bahay. Hindi ito kalakihan, bungaloo lang ito na ikinabahala niya, paano kung makakasikip lang siya sa pamilya ng kaibigan. Nagtaka lang siya dahil patay ang ilaw ng labas ng maluwang na harapan ng bahay, maging tila ang sala ay patay din ang ilaw dahil walang liwanag siyang natanaw sa bintana.
Dapat ba siyang magdoorbell o tawagan nalang niya si Justin. Luminga linga siya sa loob ng gate ngunit wala talagang sign na may tao pang gising. Bakit ba kasi walang aso ang mga ito para sana tinatahulan na siya ngayon at magising ang mga nasa loob. Paano kung niloloko lang pala siya ni Justin, naihampas niya ang palad sa noo niya, ang tanga niya.
“Sino ka?” anang ng lalaki sa likod niya
Mabilis siyang napaharap sa gulat niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa takot. Hindi si Justin ito dahil na rin kitang kita niya ang muka nito na nailawan ng ilaw sa poste.
“Sagot” hawak pa nito sa kamao, nakakunot ang noo nito na handang handang manakit kung sakaling magkamali ng sagot si Sam
“Ah… ah.. ako..” nauutal na sagot ni Sam
“Magnanakaw ka ano”
Umiling siya “Hindi ho”
“Eh anong ginagawa mo sa labas ng bahay namin” maangas na sabi nito
“Dyowa po ako ni Justin” walang ano anong sabi niya, kahit siya hindi niya alam ano lumabas sa bibig niya dahil tila hindi nagustuhan iyon ng kaharap
“Dyowa?” pagtataas ng boses nito
Sa takot niya, humarap siya sa gate at kinalampag ito “Justin nandito na ako!!!” sigaw niya pa
Binatukan si Sam ng lalaki
“Ang ingay mo gago”
Huminto siya at muling humarap dito, magsasalita sana siya ngunit inunahan siya nito.
“Sumunod ka sakin” maangas pa din ang tono nito ngunit hindi na kasing lakas ng kanina.
Sumunod siya dito hanggang makapasok sila ng bahay, mahigpit na yakap ang isinalubong ni Justin sa kanya ng makita siya nito sa sala na tila kakalabas lang sa CR dahil na rin sa basang buhok nito. Na dahilan din kaya hindi siya napagbuksan kaagad.
“Sam ang galing mo nakarating ka” Masayang bati ni Justin
Nakaupo ang lalaking nakita niya sa gate kanina sa sofa na nakatingin sa kanila.
“Dyowa mo daw siya Justin” malumanay na sabi ng lalaki
Nanlaki ang mga mata ni Justin sa narinig “Ha? Dyowa?”
“Ah ano kasi di ko sigurado kung ano ang mga nasabi ko, natakot kasi ako sa kanya” paliwanag pa niya ngunit hindi niya binigyan ng tingin ang lalaki
“Kuya tinakot mo kasi ang kaibigan ko”
“Tinanong ko lang siya” paliwanag pa nito
“Kuya siya nga pala si Sam kaibigan ko” pakilala pa ni Justin kay Jun “Sam, siya ang kuya Jun ko”
Humarap si Sam dito “Pasensiya na po sa abala kuya Jun”
“Ano bang ginagawa mo dito samin, gabi na para abalahin pa ang kapatid ko”
“Kuya naman, huwag kang ganyan. Lumayas siya sa kanila, kailangan niya ng matutulugan ngayong gabi”
Ngumisi si Jun “Hindi ampunan ang bahay natin ng mga naglalayas” tumayo ito“Magpapahinga na ako” nilagpasan lang nito si Sam
Napansin ni Justin ang pagkalungkot niya kaya pinisil nito ang pisngi niya. “Wag mo siyang pansinin, may regla lang iyon” biro pa ni Justin
“Nakakahiya sa inyo”
“Ako dapat mahiya sayo kasi hindi ko alam na may gusto ka pala sakin tapos napakamanhid ko” hawak pa nito sa balikat ni Sam
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
Bigla itong tumawa ng malakas “Binibiro lang kita, dyowa kasi sinabi mo kay Kuya eh”
“Bigla na lang lumabas sa bibig ko iyon” nakangiti niyang paliwanag kay Justin
“Tara na nga” akbay pa ni Justin sa kanya
Dinala siya nito sa kwarto nito, hindi niya maikakailang ikinagulat niya ang makalat na silid nito. Maliit lang ang silid nito ngunit ang daming nagkalat na mga damit na unti unting tinatanggal nito at pinagsama sama sa isang sulok, may study table ito ngunit hindi niya sigurado kung nagagamit iyon dahil sa patong patong na hindi maayos na salansan ng mga libro.
“Hindi ako nakapaglinis bigla bigla ka kasing naglalayas” sabi nito habang inaayos ang kama
“Pasensiya kana kailangan mo pa tuloy maglinis dahil sakin”
“Okay lang iyon. Magpahinga ka na”
Naupo si Sam sa kama habang abala si Justin sa pagsasara ng mga nakabukas na drawer at kabinet.
“Bukas na bukas din aalis din ako”
“Huwag mo nang isipin si Kuya, hindi ka nakakasikip sa bahay namin, atsaka ako naman ang katabi mo hindi siya. Mongoloid lang talaga iyon. Hindi mo pa ba siya nakikita sa school”
“Estudyante din siya sa Treasure high?”
Umupo si Justin sa tabi niya “Oo naman, at sikat siya sa school. Pero maganda din na hindi mo siya nakilala sa school kasi hindi ka rin matutuwa”
“Bakit?”
“Basta. Malalaman mo din pero kahit ganyan siya mahal na mahal niya kaming mga kapatid niya.”
“Mga kapatid?” taka niya
“Tatlo kasi kaming magkakapatid, si Kuya Jun, Kuya Kevin at ako. Ang mga magulang namin ay nasa probinsiya kaya si Kuya Jun ang tumatayong magulang samin. Ikaw bakit ka lumayas?”
“Nag away lang kami ng mga kuya ko”
“Madami ka rin kapatid?”
Tumango lang siya
“Pwedeng pwede ka dito Sam huwag mong isiping pabigat ka. Kailangan din kita para may kausap ako tungkol kay Travis”
Magkatabi silang natulog ni Justin na hindi naman niya ikinailang dahil na rin nasanay siya kay Danny.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...