PART 34

51 4 2
                                    

Hindi inasahan ni Sam ang makikita niya sa locker, pagkabukas na pagkabukas niya ay tumambad sa kanya ang maraming maliliit na papel na tila inilusot sa locker niya, puro mura o masasamang salita ang nakasulat dito. Tumingin siya sa paligid niya, nagtatawanang mga estudyante ang nakita niya, na tila proud pa ang mga ito na sila ng naghulog ng mga kalat na iyon. Hindi siya nagsalita, pinagsama sama niya ang mga iyon sa plastic at itinapon sa basura.


Wala siyang kaide-ideya kung bakit pinararanas sa kanya iyon.  Wala siyang salitang binibitawan sa mga nambubully sa kanya, marahil alam niyang hindi naman makikinig ang mga ito sa kanya.

Sinumbong na niya ito sa isa nilang guro ngunit walang aksyon itong ginawa, karamihan din kasi ng CCTV ng school ay hindi nagwowork kaya wala rin siyang proof.

Nagpapasalamat pa din siya na hindi nakakarating iyon sa kapatid niyang si Danny upang hindi na ito masangkot sa isa a namang gulo, si David naman ay walang ginawa nang isang beses nakita nito na sinisira ng mga bully ang mga notebook niya. Tumingin lang ito at nilagpasan sila. Nainis siya sa kapatid dahil sa ginawa nito, sadya atang matigas ang puso nito.

Naiisip nalang niyang baka si Jun ang may pakana ng lahat ng ito dahil sa pagkakaalam niya hindi pa rin ito humihingi ng tawad sa kuya Danny niya.

Ininda niya ang mga ginagawa ng mga ito, pasalamat din siya dahil walang pisikal na pananakit ang mga ito sa kanya, kaya hindi siya nakapagbibigay ng alalahanin sa mga nagmamahal sa kanya. Ngunit pumapasa ang mga nangyayari sa puso niya na nakapagpapalungkot sa kanya.

Pagkatapos ng klase ay dumaan siya sa Vocal group room upang makakuha ng lakas galing Kyle, alam niyang wala nang tao roon maliban dito, walang praktis ang grupo dahil  na rin sa palapit na exams.

Naabutan niya si Kyle na busy sa cellphone na nakaupo sa sofa, tumingin ito sa kanya nang binuksan niya ang pintuan. Nginitian niya ito ngunit si Kyle tila nagulat sa pagdating niya. Umupo siya sa tabi nito, wala pa ring imik si Kyle.

“Nagulat ba kita” nasabi niya

“Hindi ko inasahang pupunta ka”

“Dati naman pumupunta ako dito hindi ba”

“Kasi di pa tayo magkasama sa dorm noon”

Hinawakan niya ang kamay ni Kyle upang maibsan ang pagtataka niya sa pananahimik nito. Hindi naman ito humiwalay sa kamay niya nanakapagbigay panatag sa kanya.

“May problema pa” tanong ni Kyle

“Ako ata dapat magtanong niya” sabi niya habang nakatitig dito

Nakatitig sila sa isa’t isa.

“Pagod lang ako” nakangiti si Kyle nang sinabi iyon

Isinandal ni Sam ang kanyang ulo sa balikat nito “Pwedeng ganito nalang tayo parati” sabi ni Sam

Idinikit ni Kyle ang ulo niya sa nakasandal na ulo ni Sam sa balikat niya.

Tahimik lang silang nakaupo habang magkahawak kamay at nakasandal ang ulo ni Sam sa balikat ni Kyle.

Mabilis na bumitiw si Kyle sa kanyang kamay nang pumasok si Jaden.

Walang pagkagulat na reaksyong ang muka ni Jaden na kabaligtaran sa muka ni Kyle, tumayo ito.

“Dinadamayan ko lang siya” paliwanag pa ni Kyle

Ngumiti si Jaden “Nakaabala ata ako, pasensiya na hindi ako kumatok”

“Hindi yan totoo” mabilis na sagot ni Kyle

“Pumunta lang naman ako dito upang sana ay itanong kung sasabay ka sa akin umuwi”

“Baka maya maya ho kami umuwi” sagot ni Sam

Napalingon si Kyle sa sagot niya na tila ba tutol sa sinabi niya.

“Hindi. Pauwi na din kami. Sabay sabay na tayo” sabi muli ni Kyle

Napakunot ng noo si Sam, nais niya pang sulutin ang araw kasama ito kaya gusto pa sanang magstay sila.

“Di bale na, dadaan din naman ako kay Danny mamaya. Sabay nalang kayo ni Sam. Sige mauuna na ako”

“Ingat po” sabi ni Sam

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

HINDI napigil ni Jaden ang kanyang luha na nagsilabasan habang pababa siya ng hagdan, hinayaan niya iyon, wala na namang mga estudyanteng makakakita sa kanya. Akala niya kaya na niyang ipaubaya si Kyle sa iba pero mali siya. Mahal na mahal niya ito at ayaw niya itong mawala sa kanya.

Hindi nagpakita si John nang makita niya si Jaden, tiyak niyang magsisinungaling lang ito sa kanya kapag nakita niyang ganun ang itsura nito. Pagkatapos makababa ni Jaden ay umakyat siya papunta sa vocal group room, naabutan niya sina Kyle at Sam doon na tahimik lang  na nakaupo na hindi magkalapit sa isa’t isa.

Hinablot niya ang polo ni Kyle hanggang makatayo ito sa kinauupuan.

“Naiirita na talaga ako” sigaw ni John sa muka ni Kyle

Lumapit si Sam “John ano naman ba ito”

“Tumahimik ka” baling ni John nang sigaw kay Sam “Di mo maiintindihan” pagkatapos sabihin iyon ay muling humarap kay Kyle. Sinuntok niya ito.

Itinulak ni Sam palayo si John kay Kyle.

Tumulo ang dugo sa pumutok na labi ni Kyle.

“Anong nagawa niya sayo, bakit kailangan mo siyang paiyakin ng ganun” duro pa ni John

Hindi umimik si Kyle

“Ano bang pinagtatalunan niyo?” sabi ni Sam

“Bakit hindi mo itanong dyan sa kalandian mo”

Lumingon si Sam sa katabi “Kyle”

“Ikaw ang may kasalanan nito Sam, nang dahil sayo maraming nasasaktan” pagtataas ng boses muli ni John

“Tumahimik ka na” sigaw ni Kyle “Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Kung ano man ang gawin ko wala ka nang kinalaman doon. Umalis ka na!”

Galit na umalis si John at iwan silang dalawa.

“May dapat ka bang sabihin sakin?”

Umiling si Kyle “Gumagawa lang siya nang paraan para makuha ka niya sakin”

Napakunot ang noo ni Sam “Anong ibig mong sabihin?”

“May gusto sayo si John. Hindi mo ba napapansin”
Nakagat ni Sam ang ibabang labi niya nang bumalik sa isip niya ang halik nila ni John. Kaya siguro hindi lang basta accident kiss iyon, ipinaramdam nito na espesyal siya.

“May ginawa ba siya sayo?” tanong ni Kyle nang mapansing malalim ang iniisip nito.

Umiling si Sam “Mabuti pa umuwi na tayo, gusto ko nang magpahinga”

Niyakap ni Kyle si Sam nang mapansin ang paglungkot ng muka nito. “Huwag mo na lang siya pansinin” bulong pa ni Kyle


+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

TAHIMIK lang si Jaden sa inuman nila ni Danny sa apartment nito, kahit pa sobrang dami na nang naikwento nito.

“Jaden ikaw naman magsalita pagod na ako eh” nakangiting sabi ni Danny

Alam ni Danny na may dinadamdam ang kaibigan, kaya rin siya nagyaya ng inuman. Imposible mang magkwento sa kanya ito, ay maparamdam man lang niya na may kaibigan itong makikinig sa kanya.

“Si Sam. Bakit mahal na mahal mo siya?”

Ngumiti si Danny nang pumasok sa isip niya ang kapatid.

“Siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Importante si Shone sakin pero mas matimbang lang talaga ang pagmamahal ko sa kanya”

“Napakaswerte niya sayo”

“Swerte din naman ako sa kanya. Napakabait niya, napakamapagmahal. Di ko ata kayang mawala siya sakin”

Hindi umimik si Jaden.

“Bakit mo pala naitanong?”

“Hindi niya deserves ang masaktan” sabi ni Jaden habang iniisip niyang tama sigurong siya na lang ang lumayo kay Kyle at hayaan na ang mga ito

“Oo naman, ako ang makakaharap ng mananakit sa kanya. Mahalaga si David sa kanya kaya di na ako nagsampa ng kaso sa kabila ng nagawa niya sakin”

“Tingin mo ba posible ring magkagusto si Sam sa kapwa lalaki”

Napanganga si Danny sa tanong na iyon. Napaisip siya kung posible nga ba

“Hindi ko sigurado. Kaso never ko naman siyang nakitang nagkainteres sa opposite sex niya”

“Hindi ba siya nagkukuwento tungkol sa lovelife niya”

Umiling si Danny “Hindi eh. Ngayon ko lang napansin na hindi pala namin napag uusapan iyan, kaya nga medyo nahiya akong sabihin sa kanya ang tungkol samin ni Shone. Di ko alam kung alam niyang dating nobyo ni David si Shone”

“Dating nobyo ni David si Shone?”

“Past na naman iyon pero ang awkward lang kasi na kaming mga kuya niya pareho ng minahal”

Ngumiti si Jaden  “Pareho kayo ng taste ni David”

“Teka, mukang may laman iyang tanong mo. May gusto ka ba sa kapatid ko”

“Nagkakamali ka, nausisa lang ako sa buhay na mayroon siya”

“Tanggap naman kita kung gusto mo siya”

Ngiti lang ang isinagot ni Jaden

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon