PART 24

69 6 5
                                    

Puno ng galit si Sam, dire-diretso lang siya sa paglalakad, hindi siya humihingi ng pasensya sa mga estudyanteng nakakabangga niya sa hallway.

Dumeretso siya sa silid aralan nila, agad hinanap ng mga mata niya ang kaibigang si Justin na abala sa pakikipagbiruan sa iba nilang kaklase.

“Sam my friend saan ka ba gali_” nakangiting sabi ni Justin

“Nasaan ang kuya Jun mo?”

Nagtaka si Justin sa matapang na muka ng kaibigan. “Hey may problema ka ba?”

Sa takot ng kaklaseng kausap ni Justin ay umalis ito at hinayaan na silang dalawa.

“Kailangan ko siyang makausap”

“Okay. Pero_”

“Alam mo ba o hindi!” bulyaw ni Sam

Napatingin ang mga kaklase nila sa kanila

“Sa labas nalang tayo mag usap” tumayo si Justin at naglakad palabas, sumunod si Sam sa kanya.

Nang nasa labas na sila.

“May ginawa ba sayo si Kuya?”

“Sakin wala pero sa Kuya ko mayroon”

“Anong ginawa niya?”

“Sinaksak niya si Kuya Danny, nasa ospital si Kuya ng dahil sa kanya” gigil na sabi ni Sam

“No way” iling pa ni Justin  “Bully siya pero hindi niya magagawa iyan”

Kumunot ang noo ni Sam sa tila pagkampi ni Justin sa kapatid nito

“Kinakampihan mo ba siya?”

“No! pero kilala ko ang kapatid ko at sigurado akong hindi niya magagawa iyon”

“Kinakampihan mo nga siya”

“May ebidensiya ka ba na magagawa niya iyon?”

“Ayoko nang makipag usap sayo dahil alam kong kakampihan mo siya kahit mali siya. Magsama kayo”

Nairita si Justin sa sinabi ng kaibigan kaya itinulak niya ito, napaupo si Sam sa lakas ng tulak na iyon “Anong gusto mo mag away rin tayo” malakas na sabi ni Justin

Nagsilabasan ang mga estudyante at pinanood sila. Maging si Travis ay nakita ni Justin na nakatingin sa kanya, agad siyang umiwas ng tingin dito.

Dumating si Kevin, nilapitan niya si Sam at tinulungan itong makatayo.

“Hey anong problema niyong dalawa?”

Nang makatayo na si Sam agad niyang tinanggal ang kamay ni Kevin sa braso niya.

“Bakit hindi mo itanong sa kuya niyo” maangas na sagot ni Sam kay Kevin

“Si Kuya Jun? anong ginawa niya?”

“Sam stop it!” sigaw ni Justin

“Ayaw mong marinig ng mga kapwa estudyante natin ang ginawa niya”

“Justin ano ba ang ibig niyang sabihin” taka ni Kevin

“Kapatid ko siya at gaya mo poprotektahan ko siya” sagot ni Justin

Sa inis ni Sam ay umalis na siya.

Lumapit si Kevin sa kapatid.

“Ipaliwanag mo nga iyon Justin”

Nagpasukan na ang mga estudyante sa mga silid at silang dalawa nalang ang natira.

“Sinaksak daw ni Kuya Jun si Kuya Danny”

“Ano?”

“Kailangan nating umuwi dahil tiyak pupunta si Sam sa bahay”

“Pero may klase pa”

“Bahala ka kung gusto mong maiwan dito”


“O sige na tayo na” sabi ni Kevin


<120403>

Gulong gulo si Jun kung ano ba ang dapat niyang isiksik sa bag niya, di niya alam kung saan siya pupunta, natatakot siya na mahuli ng pulis. Napaiyak siya ng makita ang litrato ng mga kapatid niya nakasabit sa wall ng silid niya. Natatakot siyang kamuhian siya ng mga ito dahil sa nagawa niya, ano nalang sasabihin ng mga magulang niya sa ginawa niya.

Narinig niyang bumukas ang pintuan, agad niyang dinampot ang bag niya at lumabas ng silid. Si Sam ang nakita niya, napahinto siya paglalakad, wala siyang ideya kung bakit ganun nalang ang sama ng tingin nito sa kanya. Pinilit niyang baguhin ang facial expression niya upang hindi ito magtaka sa pagiging balisa niya.

“Ba..bakit nandito ka, wala ka bang klase”

“Aalis ka?”

“No! ano kasi.. bakit ka ba nagtatanong wala kang pakialam sa buhay ko” matapang na sabi pa ni Jun

Hinablot ni Sam ang bag at inihagis sa lamesa

“Hey anong problema mo ha” sinugod ni Jun ito hinablot niya ang polo nito

Walang takot ang mga mata ni Sam na ipinagtaka niya

“Sasaksakin mo din ako gaya ng ginawa mo sa kuya ko”

Nanlaki ang mga mata ni Jun sa sinabi nito “Kuya?”

Pinaghiwalay sila nina Justin at Kevin.

“Oo kapatid ko si Danny, my step brother” sagot ni Sam

“Kuya ano na naman ba ito” tanong ni Kevin na nakatayo sa tabi niya

Napasuklay si Jun sa buhok niya, paano niya ba ipapaliwanag sa mga kapatid niya ang maling ginawa niya.

“Kuya totoo ba ang sinabi niyang sinaksak mo si Kuya Danny?” malumanay na tanong ni Justin

“Ano kasi… kasi…” pinipigil ni Jun ang pag iyak niya

“Sumagot ka pwede ha” pasigaw na sabi ni Kevin, ikinagulat ni Justin at Jun iyon dahil na rin bihira itong magtaas ng boses

“Yes. Ginawa ko iyon kasi… hindi niyo maiintindihan kung bakit ko nagawa iyon”

“Totoo bang inutos sayo ni Kuya David na gawin iyan”

“Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Kung gusto mo akong ipakulong gawin mo!”

“David is my biological brother kaya gusto kong malaman. Magkano binayad niya sayo para sundin mo siya”

Ikinagulat ng tatlo nang malaman na kapatid niya si David.

“I’m sorry. Gusto ko lang siyang mapasaya” maluha luhang sabi ni Jun

“Napakasama mo” pasigaw na sabi ni Sam , humakbang siya upang lumapit kay Jun ngunit tumayo sa harap niya ang lumuluhang si Justin

“Umalis ka na” sabi ni Justin

“Bakit mo siya kinakampihan?”

“Sira na ang buhay ng kuya ko, handa siyang managot sa ginawa niya, kaya please tama”

“Hindi mo ako naiintindihan Justin. Akala ko magkaibigan tayo”

“May magbabago ba kung sasaktan mo siya! Kung hindi kayo okay ng mga kapatid mo pwes hindi kami katulad niyo. Poprotektahan namin siya. Hindi naman namin siya itatago”

“Justin stop it” saway ni Kevin

“Kapatid pa rin namin siya Sam” kasunod ang pagtulo ng luha

Tumalikod nalang si Sam at umalis sa bahay.

“Kevin, Justin I’m sorry” nakaluhod na sabi ni Jun

“I lost my bestfriend because of you” masama ang tingin ni Justin sa kapatid na si Jun.

“Pagbayaran mo ang ginawa mo. I don’t want to talk to you anymore” dumeretso si Justin sa silid niya.

Lalong lumakas ang hagulgol ni Jun.

Umalis ng bahay si Kevin, hindi niya binigyan ng tingin si Jun.

<120403>

Nakaupo lang sa labas ng silid ni Danny sa ospital si Sam, wala siyang lakas ng loob na makita ang kapatid sa ganung sitwasyon.

“Coffee?”

Napatingala siya, nakita si Shone, may hawak itong dalawang paper cup, kinuha niya ang iniabot nito. Umupo ito sa tabi niya.

Nakatitig lang si Sam sa kapeng hawak niya

“Nakita mo na ba siya?”

“Hindi ko kaya”

“Mas mabuti pa siguro, umuwi ka muna”

“Wala na akong uuwian”

“Sa bahay ng kuya mo?”

Umiling si Sam “Malulungkot lang ako kung pupunta ako doon, mag aantay nalang ako dito baka bukas kaya ko na siyang makita”

“Pagod na pagod ka na, you need to rest”

Lumingon si Sam kay Shone “Bakit ang bait mo kay Kuya?”

Umiwas ng tingin si Shone at hinigop ang kape.

“Thank you kasi inaalagaan mo siya”

“He is special to me” nanatiling iwas ang tingin sa katabi

“Thank you so much”

“Pupunta si Jaden dito gusto niya akong samahan na magbantay kasi wala namang pasok bukas, kung gusto mo isasama kita sa dorm namin”

“Nakakahiya na sa inyo ni Kuya Jaden, ako ang magbabantay sa kanya ngayong gabi”

“Please! Pagod lang ang nararamdaman namin, eh ikaw emotionally tired. May isa kaming bakante sa dorm kung gusto mo doon ka na tumira”

Tumango si Sam

“But nakalimutan ko, si John ay doon din pala nakatira”

“Ah”

“Ngayong gabi doon ka na matulog tapos bukas ng umaga sasamahan kita maghanap ng bagong tirahan”

“Okay. Salamat”

<120403>

Isinama siya ni Shone sa dorm, hindi niya inasahan na makikita niya roon si Kyle, maging si Kyle ay gulat na gulat na makita siya doon.

Ipinaghanda siya ni Shone ng pagkain, sabay sabay silang kumain tatlo, si Jaden ay nauna nang pumunta sa ospital.

Hindi maalis ni Sam ang tingin sa kaharap niyang si Kyle na halatang iwas ang tingin sa kanya na seryoso lang sa pagkain.

“Kyle_” tawag ni Shone

“Kung tungkol kay David iyang sasabihin mo, wag mo nang ituloy. Mali man ang ginawa niya kaibigan ko pa rin siya” tumayo na ito at pumasok sa kwarto

“Ang sensitive niya ipapaabot ko lang naman ng kanin” sabi ni Shone

Napangiti si Sam, ngumiti din si Shone

“I miss your smile. Wag ka nang mag isip ng kahit ano, gusto ko matulog ka ng mahimbing. Awkward kung matutulog ka sa kama ko kasi iisang silid lang naman kami ni Kyle, kaya doon ka matutulog” nguso ni Shone sa isang pinto

“Sino kasama ko dyan?”

“Kumpara sa silid namin mas maliit yan, may sarili akong kama tapos, sa double deck sina Jaden at Kyle. In short iisang kama lang dyan pero pangdalawahan naman”

“Dyan ba natutulog si John?”

Tumango  ito “Pero mukang di naman siya uuwi kasi tiyak iniisip niyang nagreklamo tayo sa pulis”

“Tingin ko gusto kong tumira dito”

“What?”

“Sabi mo may bakanteng isa. Gusto kong lumipat dito”

“Magshashare kayo ng bed ni John”

“Kung bumalik siya. I doubt na may muka pa siyang maihaharap”

“Hindi mo siya kilala. Matagal ko na siyang kilala pero hanggang ngayon di ko parin nahuhulaan ano iniisip niya. Hindi siya nagkukwento ng kahit ano. Kaya kapag nalaman niyang hindi natin siya nireklamo alam kong titira pa rin siya dito”

“Gusto ko siyang makilala”

“Sam, bawal gumanti. Mabait ka at mas maayos ang buhay mo kumpara sa kanya. Huwag kang makipag usap sa kanya kahit pa magkasama kayo sa kwarto”

“Wala rin akong balak kausapin siya. Galit ako sa kanya pero hindi ako gaganti”

“Good” ngumiti si Shone

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon