PART 69

53 4 10
                                    

Pagkatapos ng agahan, tulong tulong ang lahat na linisin at ilagay sa tamang lagayan ang mga balat ng prutas. Itinuro din ng mga guro kung paano magiging pataba ang mga iyon sa mga halaman. Wala mang interesado sa mga iyon ay masaya pa ring ibinahagi ng mga guro ang mga pwedeng gawin pa sa mga balat na iyon.

Pagkatapos ng maikling lesson na iyon ay sinabihan ng mga guro na kumuha na ng damit ang mga bata sa pagligo at magtipon tipon muli sa gitna.

Nakaligo na ang mga guro ng humarap ang mga ito sa mga batang may hawak hawak na mga boyscott uniform.

“Saan ho kami maliligo?”

“Doon pa rin naman sa banyo” turo ni Mr. Jovanni sa isang maliit na banyo, kasama na doon ang bowl. Iisa lang iyon sa dami nila kaya kanya kanyang bulungan ang mga bata kung paano sila matatapos ng maaga.

“Dahil madami kayo tanging sampung minuto lang ang ibibigay naming oras para makaligo kayo lahat” paliwanag ni Mr. Hugo

“Sir bakit wala bang budget ang school bakit kailangan naming magtiis sa iisang banyo” reklamo ng kulot at maitim na si Harvey, nasa unahan ito ng pila

“Kasama kasi iyan sa jungle experience niyo”

“Pero wala naman po kami sa jungle” hirit ng pinakamaliit na si Jorge

“Puro nalang kayo reklamo. Hindi namin kayo pinahihirapan, binibigyan lang namin kayo ng experience na madadala niyo sa pagtanda niyo. Hindi ang experience na nakita ko kagabi” tumaas ang kilay ni Mr. Jovanni

Sinundan ng lahat ang mata ng guro, nakita nila ang payat na si Marco

“Bakit niyo tinitignan” panic ni Marco

“Mga bata tigilan niyo na siya. Makinig kayo Camp buddy niyo ang kasabay niyong maligo”

Sabay na sabay na napasigaw ang mga estudyante sa gulat. Nanlaki ang mga mata nina Sam at Justin. Nagkalingunan sila.

Tumingin si Sam sa katabi niyang si John, abot tainga ang ngiti nito

“Sam Sam di ko yata kaya” bulong ni Justin

“Chance mo na iyan”

“Anong chance ka dyan. Awkward kami ni Travis ngayon kaya wrong timing ito”

“Ano ba kasing ginawa niyo kagabi”

Nanlaki ang mata ni Justin “Paano mo nalaman?”

“So may nangyari nga” excited na sabi ni Sam

“Nagkiss kami” kilig na bulong ni Justin sa kaibigan

Tuwang tuwa si Sam sa sinabi nito sa wakas malapit na silang matapos ni Travis.

Bawat pasok ng mga estudyante sa loob ay inoorasan ng guro, kapag hindi pa lumalabas ang mga ito ay kinakatok nito ng malakas ang kahoy na pintuan na iyon.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Sam ng malapit na sila. Nasa likod niya lang si John, mabuti nalang at wala itong ibinulong sa kanyang mga kalaswaan.

“Sam pasok na” utos ng guro nang makalabas na ang sinundan nila

Hindi siya gumalaw nakatingin lang siya sa bukas na pinto ng banyo, kitang kita mula sa kinatatayuan niya ang kabuuan nito. May malaking plangganang nakasahod sa gripo nito at dalawang tabo. Nasa sulok naman ang bowl. Hindi rin tiles ang sahig nito ngunit malinis ito na hindi mo pandidirihang gamitin, sadyang kinakabahan lang si Sam na sabay silang maligo ng nobyo. Paano kung di mapigil ni John ang sarili niya, nakagat niya ang labi niya, gusto niyang umatras.

Sanay na silang makita ang mga katawan ngunit nakashort naman sila noon sa dorm kapag lumalabas galing CR.

Hindi na natapos ang iniisip niya ng hilahin na ni John ang braso niya, dahil na rin sa mga nasa likod nilang kanya kanyang sigaw. Sumunod lang siya dito habang yakap yakap ang damit niya.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon