PART 2

111 5 0
                                    

Sa malawak at malaking lungsod na iyon ay tila nangangapa si Sam, sumakay siya ng taxi para doon na siya ibaba sa mismong tahanan ng ama. Umaasa langs siya sa text at tawag nito na naging gabay niya. Napako ang paningin niya sa mga nadadaraan nang sinasakyan, malayong malayo sa probinsiyang pinanggalingan niya. Ni halos bilang niya lang ang mga punong nakita niya kumpara sa mayroon sa kanila.

Siyam na taong gulang siya noon nang umalis siya sa lugar na ito, kaya naging bago muli sa kanyang mga mata ang mga nakikita. Ni hindi na siya nakaalis noon sa probinsiya mula noon dahil na rin sa takot nang ina na hindi na siya ibalik ng ama sa tuwing nais nitong makita siya. Pitong taon na rin ang nakararaan nang huli silang magkitang magkapatid, kaya magkahalong kaba at saya na sa wakas magkikita muli sila. Tanging larawan lang nito ang laging nakikita niya noon, ngayon personal na.

Hindi pa rin nagbago ang bahay nila. Duplex at kulay brown pa rin ang gate nila gaya noon. Hindi na siya nag aksaya ng panahon agad niyang pinindot ang doorbell, hanggang leeg niya ang gate nila kaya makikita niya agad ang lalabas sa kanilang bahay.

Bumukas ang pintuan na nagpabilis ng tibok ng puso niya, nang akala niya ay si David na, ngunit ama niya ang bumungad.

Malaking ngiti nito ang sumalubong sa kanya at agad siyang niyakap ng mahigpit nang makapasok siya sa gate.

"Salamat naman at nandito ka na"

Haplos pa ni Sam ang likod ng ama habang nakayakap siya dito "Salamat po at pumayag kayong pumunta ako dito"

Kumalas ito sa yakapan nila "Bakit naman hindi. Anak kita at alam mong matagal ko nang nais na bumalik ka sa akin"

Napangiti siya sa pagpaparamdam ng ama ng pagmamahal para sa kanya.

"Tamang tama ang dating mo nagluto ako nang paborito mong inihaw na baboy, tara na sa loob" hila nito sa braso niya


Iniwan niya lang ang dalang bag sa sala at agad silang dumeretso sa dining room, kung saan nakahain ang halos limang putaheng ulam at isang basket na apple at may mga nakaslice din na apple. Hindi pa din nagbabago ang ayos ng bahay nila, ang sofa nila sa pagkakatanda niya ay iyon pa din at ang mahaba nilang lamesa na kasya ang walong tao ay iyon pa din, ngunit sa katahimikan at walang buhay na bahay siya nanibago.

Pinag urong siya nang upuan ng ama.

"Anong gusto mong kainin?"

Umupo si Sam sa upuan na inurong ng ama para sa kanya "Napakarami po ata niyan"

"Baka kasi hindi mo na natitikman lahat nang yan, tanda mo pa bang yan ang mga lagi mong inirerequest mo sa akin. Kung pumayag ka lang sanang bumalik dito noong umalis ang ina mo. Hindi ka sana nagtitiis makisama sa ibang tao"

"Hindi na po ibang tao si Kuya Danny, inalagaan niya ho ako gaya nang pag aalaga niyo sakin"

"Walang alam sa pag aalaga ang isang batang katulad niya, kami ang pamilya mo Sam. Si David ang tanging kapatid mo. Bago ka magmahal ng iba, unahin mo ang pamilya mo"

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng ama kaya nawala ang matamis na ngiti niya kanina.

"Sam magsimula tayong muli, buuin natin muli ang pamilya natin kahit tayong tatlo lang"

Nakatingin lang siya sa mga mata nang ama na walang ibang reaksyon sa sinabi nito.

"Ano bang drama yan" sabi nang papalapit na si David

Agad niyang tinapunan ito ng tingin, sinundan niya ito hanggang makaupo ito sa tapat niya. Habang ang ama ay nasa centro ng lamesa. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya sa kasabikan. Di siya makapaniwala na nakikita niya na ngayon sa kanyang harapan ang nawalay na kapatid. Totoo nga ang sinasabi ng ama sa tuwing pumapasyal ito sa probinsya, na kamukang kamuka niya ang kapatid. Tila ba nanalamin siya, sa kulay ng buhok, sa kulay ng balat, bilugang muka at magagandang mga mata. Ngunit sa katawan ay mas higit na mas malapad ang balikat nito kumpara sa kanya.

Hindi siya binigyan ng kahit isang sulyap ni David, nagsandok lang ito nang kanin at naglagay ng ulam sa plato at kumain.

"David ano ka ba naman, hindi mo man lang babatiin ang kapatid mo" saway nang ama

"Edi hello" saglit na sumulyap at sabay subo nang kutsara na may kanin at ulam

Nawala ang ngiti ni Sam sa inasal ng kapatid. Inasahan na niyang magiging malamig ito sa kanya, ngunit hindi niya akalaing sobrang sakit pala niyon.

"David!" sigaw nang ama

Napahinto ito sa pagkain.

"Anong problema mo! Matagal kayong hindi nagkita ng nakababatang kapatid mo, tapos ganyan kalamig ang pagsalubong mo sa kanya"

Hinawakan ni Sam ang kamay ng ama "Pa, okay lang po"

Binitawan ni David ang hawak na kutsara "Ano ba ang gusto niyong gawin ko. Hinarap ko naman siya gaya nang nais niyo kahit ayoko"

"Ayaw mo akong makita?" malumanay niyang sabi nang mabigla siya sa sinabi nito

Bumaling ng tingin si David sa kanya "Matagal na akong walang kapatid" diretsong sabi nito

"David ano bang problema mo" ang ama nila

"Kuya, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"

"Kung titira ka dito, siguraduhin mong huwag mo akong guguluhin para pakisamahan kita. Sanay na akong mag isa, sanay na akong kami lang dalawa dito. Uuwi ka nalang nais mo pang mag adjust at mag explain ako sayo"

"David kapatid mo siya, huwag kang magsalita nang ganyan"

"Okay mali na ako" tumayo na ito at walang sabi sabing umalis

"David!" habol na tawag pa nang ama

"Hayaan po muna natin siya. Kakausapin ko nalang po siya mamaya" pisil pa ni Sam sa kamay ng ama

"Pagpasensiya mo na siya, nagtatampo lang iyon kasi matagal kayong hindi nagkita. Kain ka na muna"

"Opo" sumandok na siya nang pagkain

"Mahal na mahal ka ng kapatid mo, nakita ko kung paano siya nalungkot noong nagkahiwalay kayo. Kung hindi ko lang kayo mahal, matagal ko na sanang kinasuhan ang nanay niyo dahil sa panloloko niya"

"Salamat po kasi hindi niyo ako sinukuan"

"Oo naman anak kita eh! Sana lang hindi mo ako pinagpalit sa step dad mo"

"Mabait po siya sa akin ngunit wala na pong iba akong ama kundi kayo lang"

"Mabuti naman kung ganun kasi sasama ang loob ko kapag mas mahal mo siya sa akin" nakangiti nitong sabi

Ngiti lang din ang itinugon niya sa biro nito

"Hindi ka ba natutuwa sa mga apple na binili ko para sayo"

"Sobrang dami naman po niyan kaso_"

"Si David nagsabing paborito mo daw yan kaya sabi niya ganyan kadami bilhin ko. Tikman mo matamis yan"

"Mamaya na lang po siguro"

"Ubusin mo lahat nang binalatan ko"

"Ang dami niyo pong binalatan mauubos ko po ba yan"

"Ay oo naman, magtatampo si David kapag hindi mo kinain lahat nang apple na yan"

Napatitig siya sa mga apple, Nabawasan ang tampo niya sa kapatid nang malamang nag effort din ito para sa pag uwi niya. Kahit pa hindi na siya kumakain nang apple ay inubos niya ang isang platong inihanda sa kanya ng ama.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon