DUMAAN muna sa grocery si David kasama si Jun upang bumili ng pasalubong para kay Sam. Ayaw man niyang isama sa bahay si Jun pero mapilit ito nais daw nitong bumawi kay Sam dahil sa nagawa nito dati. Walang ideya si David ano ba ang dapat niyang bilhin na snacks, di niya alam kung mahilig ba sa matamis o maalat ang kapatid. Nagpresinta si Jun na ipagluto ito ng chicken curry, na gustong gusto ni Sam na kainin noong nakatira pa ito sa bahay nila.
Naabutan nila si Sam sa sala na tahimik lang nakaupo, ni hindi narinig ni Sam ang ingay nila na pumasok, kasi sa lalim ng iniisip nito. Nakatitig lang si David sa kapatid, posible kayang si Danny ang iniisip ito, gusto na kaya nitong umuwi. Napansin ni Jun ang malungkot na muka ng nobyo habang nakatingin sa kapatid nito, kanina lang excited na excited itong umuwi.
“Sam!” tawag ni Jun, na nakapagpalingon dito
Tumayo si Sam at lumapit sa kanila.
“Kanina pa po ba kayo dyan”
Seryoso pa rin ang muka ni David.
“Hindi naman” sagot ni Jun “Kumusta ka na”
Napanganga si Sam dahil alam nito ang nangyari.
“Gusto mo na bang umuwi” sabi ni David, napalingon ang dalawa sa kanya
“Ipagluluto ko_” siniko si Jun ni David
“Ihahatid ka na namin” mahinahong sabi ni David
Nakatitig lang si Sam at walang sagot
“Baka kasi nag aalala na si Danny sayo”
“Nag usap na kami kanina” sumulyap siya kay Jun, medyo naiilang siya na naroon ito
Naramdaman iyon ni Jun kaya nagpaalam itong dadalhin sa kusina ang mga pinamili.
“Siya ba ang susundo sayo dito?”
Umiling si Sam
“Ano?” sabi muli ni David na naeexcite sa susunod niyang sasabihin
“Sinabi ko sa kanya na dito na muna ako titira” seryoso parin ang muka ni David “Pero depende kung okay sayo”
Prinoproseso pa ng utak ni David ang sinabi nito, wala siyang maisip na maaaring response dito. Dapat niya bang ipakitang sobrang saya niya.
“Pwede na ba kitang makasama ulit Kuya”
Ngumiti si David, gumigilid ang luha nito “Welcome home” nanginginig pa ang boses nito
Ngumiti si Sam at agad na niyakap ang nakakatandang kapatid. Lumakas pa lalo ang iyak ni David na nasabik sa kapatid “I love you bro” nasabi nito na nakapagpasaya lalo kay Sam. Finally nagbunga na ang pagluwas niya mula probinsiya papuntang Manila.
Sabay sabay silang kumain tatlo, nahihiya pa rin si David na kausapin siya kaya tahimik lang silang kumain.
“Siya nga pala Sam sorry kasi hindi ako naging mabuti sayo noon” basag ni Jun sa katahimikan
“Okay lang po, naiintindihan ko kayo”
“Sorry kasi nag away pa kayo ni Justin dahil sakin”
“Nakaraan na ho iyon. Ngayon ko lang napansin na close kayo” tukoy ni Sam sa dalawa
Nagkatinginan ang magkatabing sina Jun at David.
“Boyfriend ko siya” mabilis na sagot ni David
Nanlaki ang mga mata nang dalawa.
“Bakit? Ayokong maglihim sayo. Sorry kasi nasaktan ko si Danny noon”
“Kalimutan na po natin iyon” nais niya sanang sabihin na sana humingi ng tawad ang dalawa sa kapatid na si Danny ngunit tiyak niyang makakasira iyon sa mood nila.
“Boto ka ba sakin?” sabi ni Jun “Nagpapabait na ako”
Ngumiti si Sam “Basta wag niyo lang saktan si kuya”
“Naku baka iyan pa ang manakit sakin” biro pa ni Jun
Ngiti lang ang isinago ni Sam
Hindi nagtagal si Jun sa bahay, may pasok pa daw kasi bukas kaya kailangan na nitong umuwi. Pumasok na si Sam para matulog, wala pa ang kanilang ama na baka mamayang hatinggabi pa daw dahil maaaring kasama pa nito ang nobya. Hindi niya alam na may nobya pala ito, pasalamat din siya kasi alam naman niyang wala nang pag asa ang mga magulang na magkabalikan pa.
Napabangon siya ng bumukas ang silid, sumilip ang ulo ni David.
“Nagulat ba kita” nahihiya pa nitong sabi na nakasuot na nang pajama
“Hindi po” sagot niya “May problema ba?”
Pumasok ito sa kwarto at muling isinara ang pinto “Wala naman ano lang kasi”
Nag aabang si Sam sa sasabihin nito
“Narinig ko kasi noon na tabi daw kayo ni Danny matulog noon, pwede ko bang maranasan din iyon” nakayuko ito habang sinasabi iyon
Napangiti si Sam “Kagaya noong mga bata pa tayo”
Napaangat ng ulo si David, hindi niya akalaing naalala pa rin nito iyon “Tama, noong tayo palang dalawa”
Nawala ang ngiti ni Sam dahil sa negatibong komento nito.
Lumapit si David, umupo siya sa kama.
“Nasa kanya ka na nang ilang taon pwede bang ako na ulit habang nandito ka sa bahay”
Tumango si Sam
“Paano ako tutulog wala ang unan ko” utos ni Sam, napakunot ng noo si David di niya nagets ang sinasabi nito dahil dalawang unan naman ang nakikita niya sa kama.
“Ah sorry” bawi ni Sam
Nanlaki ang mata ni David nang maalala na niya, parati ganun ang sinasabi ni Sam kapag gusto na nitong matulog sila, at ang unan na sinasabi niya ay ang braso ni David. Humiga si David, inilahad niya ang braso niya.
“Higa na para mabalot na kita ng mga kamay ko” sagot ni David na parati niya noong sagot
Sabay silang nagtawanan na mapagtantong para na silang tanga.
Isinubsob ni Sam ang muka sa dibdib nito habang nakayapos sa kuya ang kanang kamay sa baywang nito. Dalawang braso siyang yakap yakap ni David.
Magkaibang magkaiba ang pakiramdam kapag nasa bisig ka na ng unang taong naunang protektor mo. Si David ang naging guide niya noon sa lahat ng bagay, sa tuwing nag aaway ang kanilang mga magulang tinatakpan nito ang mga tainga niya. Hindi niya napigilan ang sarili habang nakayakap dito at napaiyak siya.
“Sorry kuya sa lahat” sabi niya
“Wag ka nang magsorry, wag mo lang ako iwan, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka”
Isang magandang tanawin para sa kanilang ama ang nakikita ngayon, tulog na ang mga ito nang dumating siya. Pumasok siya sa silid ni Sam upang sanay silipin ito hindi niya inasahan na makikitang magkayakap na natutulog ang mga ito, hindi na siya nagtagal sa loob dahil sa mga luhang tumulo na habang pinagmamasdan ang dalawa niyang anak na finally magkasama na.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...