AKALA niya noon, ang naranasan niya kay David na, ang pinakamasakit para sa kanya, di niya akalaing iba pala ang sakit kapag pag ibig na ang usapan. Hindi niya makontrol ang sarili niya, parati nalang nakaabang ang mga luha niya, may sakit sa puso ba siya, bakit sobrang sakit ng kanyang dibdib,. Punong puno ng alaala ni Kyle ang utak niya na nagpapalala ng sakit ng puso niya.
Hindi niya kayang humarap kay Justin o kay Danny sa ganung kalagayan, inilihis niya ang kanyang direksyon palayo sa eskwelahan, hinayaan niyang dalhin siya ng kanyang mga paa kungsaan. Mulat ang kanyang mga mata ngunit wala siyang nakikita, ilang tao na ang nakabangga niya na hindi nakapagpagising sa ulirat niya.
Ang basang pisngi niya ang dahilan kaya hindi siya pinapatulan ng mga nakakabangga niya, napapailing nalang ang mga ito sa inis.
Ayaw niyang makita si Kyle pero alam niya sa sariling hindi siya galit dito. Tama naman ito, wala naman talaga silang relasyon, siya lang naman talaga ang todo pilit, sinabi na nito noon na hindi siya nito kayang piliin, na sana ipinagtapat nalang ni Kyle na nobyo niya si Jaden upang di na siya umasa.
Mahigpit na hawak sa braso niya ang tila nakakuha ng atensyon niya, hinila siya ng lalaki hanggang sa masubsob siya sa dibdib nito, kasunod noon narinig niya ang malakas na busina ng sasakyan at mura ng driver nito.
Maya maya binitiwan ng lalaki ang braso niya, hinawakan ng magkabilang kamay nito ang magkabilang balikat niya at inilayo sa dibdib nito.
Napatitig siya nag aalalang muka nito.
“Okay ka lang” puno ng pag aalala ang boses nito, ang singkit nitong mga mata at namilog. “Anong nangyari?” dugtong pa nito nang mapansin ang madungis niyang muka dahil sa mga luha
Hindi siya sumagot hanggang sa mapapikit nalang siya sa biglang pagkahilong naramdaman niya. Mabilis nitong niyakap siya kaya sa dibdib siya nito bumagsak.
“Sam!” tawag ni Travis, mahigpit niyang yakap yakap ang walang malay na si Sam.
Muntik nang masagasaan si Sam ng paparating na sasakyan nang biglang tumawid ito kahit naka Go, mabuti nalang at bumaba siya kanina nang sasakyan nila ng makita niya itong naglalakad, hindi naman niya akalaing ganito ang mangyayari.
Iniuwi ni Travis si Sam, maingat niya itong inihiga sa kama niya. Nag alala na baka may malalang kondisyon ito dahil tila ang tagal na nitong walang malay, ayaw naman niyang dalhin ito sa ospital kasi wala siyang kasamang adult.
Kumuha siya ng isang basong tubig na may kutsara, pinainom niya ng tubig ito gamit ang kutsara dahil baka nadehydrate lang ito.
Hindi siya napagod hanggang sa mangalahati iyon at umubo na si Sam.
“Sa wakas” nakangiting sabi ni Travis
Bumangon si Sam na umuubo pa rin dahil sa tubig na kumilti sa lalamunan niya, napaatras siya ng makita si Travis na nakaupo sa kama kaharap niya. Nalaglag siya sa kama, ininda niya ang pananakit ng braso na tumukod ng bumagsak siya, mabilis na bumaba ng kama si Travis at nilapitan siya.
“Anong masakit sayo?”
“Anong ginagawa ko dito?” lingon niya pa sa paligid
Umupo sa sahig din si Travis kaharap siya. “Okay na ba ang pakiramdam mo”Umiwas siya ng tingin sa mapang akit na mga mata nito at di binigyan ng pansin ang malalim nitong boses, hindi siya sumagot tumungo lang siya.
Hinawakan ni Travis ang baba niya at iniangat ito ng dahan dahan upang magkaharap sila. Hindi siya tumutol, hinayaan niyang magtitigan sila ni Travis ng ganung katagal, ang kamay nito sa baba niya ay pumunta sa pisngi niya. Hinaplos nito iyon.
“Umiyak ka hangga’t gusto mo, dito lang ako sa tabi mo” nakangiting sabi nito
Gusto niyang kurutin ang sarili, panaginip lang ba na kinakausap siya ng pinakasikat sa school nila nang ganung kalambing. Napakagwapo nito lalo dahil sa atensyong ibinibigay nito sa kanya.
Napayuko siya, muli siyang napaiyak, nakaramdam siya ng comfort sa salita nito. Lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya, hinayaan siya nitong umiyak sa damit nito. Hinahagod pa nito ang likod niya.
Mas gumaan ang pakiramdam niya dahil sa malayang pag iyak na iyon at pinakalma siya ng mainit na katawan nito.
Pareho silang nakasalampak parin sa sahig, pareho silang nakasandal sa kama, nang maubos na ang kanyang luha at mag iwan ng namamagang mga mata.
Tulala lang siyang nakasubsob sa mga tuhod niya.
“Ako ba ang dahilan ng pag iyak mo?”
“Hindi”
“Tiwala akong hindi lalaki iyan” nakangiting sabi pa nito
“Broken hearted ako” sabi ni Sam
Napakunot ng noo si Travis “Imposible. Ako ang gusto mo hindi ba”
Napalingon siya dito at napaangat mula sa pagkakahiga sa tuhod niya “Ano?”
“Ikaw si Joker. At gusto mo ako kaya mo ako sinusulatan”
Naalala ni Sam bigla ang usapan nila ni Justin “Ganun ba”
“Ganyan lang reaksyon mo. Kaharap mo na ang dreamboy mo” biro ba ni Travis
Napangiti si Sam, ngumiti din si Travis “Yan, mas cute ka kapag nakangiti ka”
Totoo yatang napakahina niya kasi kinilig siya kahit broken hearted pa siya. Matagal silang nagkatitigan, hanggng si Travis unti unting lumalapit, nakatitig lang siya sa labi nito na palapit sa kanya, wala siyang balak tumutol, hanggang sa pumasok sa isip niya si John.
Naiharang niya ang kamay niya sa bibig nito.
“Eh ano kung gusto kita. Bakit kailangan mo akong abusuhin” irita niyang sabi
Itinulak niya palayo si Travis at tumayo na. tumayo din ito.
Tinungo niya ang pintuan upang lumabas na ngunit hinawakan ni Travis ang braso niya.
“Kailangan ko nang umuwi” piglas niya
“Gusto kitang makasama” malambing na sabi nito
Hindi niya alam ano isasagot niya kasi alam niyang di naman para sa kanya ang mga salitang iyon.
“Kasalanan mo kung bakit ako naging masaya araw araw. Kung aalis ka ngayon malulungkot ako” dahan dahang bumitiw si Travis sa pagkakawak sa braso niya “Gusto kong pasayahin ka Sam, gusto kong ibalik sayo ang mga ginawa mo para sakin”
“Ako ang broken ngayon dito bakit ikaw na ngayon ang malungkot” sabi ni Sam sa isip niya
Huminga ng malalim si Sam bago nagsalita “Anong gusto mong gawin ko”
“Let's sleep together”
Napanganga si Sam. Gulat na gulat siya dahil sa sinabi nito. So literal na pasasayahin pisikalan pala ang gusto ng dreamboy ng bestfriend niya. Ano gagawin niya? Napayuko siya at napatingin sa maselang parte niya. “Ito na ba iyong time mo para lumabas”
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...