Nakangiti si Travis habang sinasalansan sa isang box ang mga greetings cards na walang kahit anong disenyo, plain white lang ito. Humugot siya ng isang card at binasa niya ang nakasulat sa loob. Napahagalpak siya ng tawa sa joke na nakasulat doon. Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Arthur na hindi na kumatok bagkus binuksan nalang ang pinto, balak lang sanang tawagin ni Arthur ang kapatid dahil sa pagtatagal nito sa silid, mahuhuli sila sa school kung hindi ito agad lalabas. Tinawag niya ito ngunit hindi siya nito narinig dahil sa pagtawa nito.
Lumapit si Arthur sa kapatid na nakaupo sa upuan nito, hindi pa rin siya namalayan ni Travis na busy sa kakatawa sa mga nababasa sa hawak nitong card. Sinilip niya ang nakasulat sa hawak nito, binasa niya ito.
“ANONG MAIS ANG NAKAKAUSAP MO” basa pa ni Arthur, napalingon si Travis sa kanya at agad ibinalik ang card sa box at tinakpan ito.
“Kuya bakit hindi ka na naman kumakatok” irita niya pang sabi.
“Anong kasunod ng joke na iyon” malumanay na tanong nito
Nagtaka si Travis sa naging reaksyon ni Arthur
“Gusto mong malaman ang buong nakasulat?”
Tumango si Arthur “Gusto ko din tumawa katulad mo”
“Sige para parehas tayong masaya” masayang sabi pa ni Travis “Anong mais ang nakakausap mo” natatawa pa siya habang sinasabi iyon
“Ano” walang ganang tanong ni Arthur
“Edi ngipin mo” kasunod ang hagalpak na tawa
Nakatingin lang si Arthur sa kanya na walang kahit anong reaksyon. Huminto siya sa pagtawa ng hindi ito tumawa.
“Ang daya mo hindi ka naman tumawa kahit sobrang nakakatawa ang joke”
“Ikaw ba ang gumawa ng mga iyan?”
“Hindi. May nagbigay sakin”
“Espesyal ba siya at iniipon mo?”
Napatingin si Travis sa bukas na box “Ewan ko. Maganda kasi ang mga joke niya kaya di ko maitapon”
“Kaya pala lagi kang masaya kasi may nagpapasaya na sayo”
“Hindi ko siya kilala, nakikita ko lang ang mga yan kapag binubuksan ko ang locker ko”
“Hindi mo siya kilala pero tinatago mo mga bigay niya, mahal mo na siya ano”
“Kuya naman huwag kang ganyan”
“Napakacorny ng joke niya pansin mo ba. Hindi na ako magtataka sa tuwing nagmamadali kang pumasok. Nais mong malaman kung sino siya hindi ba”
Sumeryoso ang muka ni Travis “Gusto ko lang makonfirm kung siya ang nasa isip ko”
“Sino ang pinaghihinalaan mo?”
“Grade 12”
“Grade 12? Bakit grade 12? Hindi ba dapat grade 10”
“Napakaaga niya lagi ihulog ang card kaya baka hindi siya grade 10 na katulad ko”
Ngumisi si Arthur
“Bakit ka tumawa kuya”
“Mahal mo nga siya. Di na kita pipilitin kung ayaw mong sabihin. Basta bilisan mo na kung gusto mo siyang maabutan”
“Okay lalabas na ako” matamlay niyang sagot kay Arthur
<120403>
Hindi mawala sa isip ni Travis ang sinabi ng kapatid, posible bang may gusto siya sa taong nagpapadala sa kanya ng card. Hindi niya maitatangging ang mga joke nito ang nagpapasaya sa araw niya.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BRO
RomanceCOMPLETED Lumuwas mula sa probinsya si Sam upang magkasama muli sila ng nawalay na kapatid na si David, ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila. galit ito sa kanya dahil mas pinili ni Sam noon na makasama ang step brother na si Danny, nag en...