PART 15

63 3 0
                                    

Lalong ginanahan si Justin na gumawa ng mga joke para kay Travis, hindi man niya nakikita ang reaksyon nito, masaya na siyang hindi siya nakakakita sa basurahan ng mga card na pinapadala niya. Wala siyang ideya kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Travis, na sasamahan siya sa vocal club ang importante lang sa kanya ay ang mapansin nito. Sa tagal na nilang magkakilala never siya nitong kinausap.


Nang uwian hindi sumabay si Sam kay Justin na umuwi, sinabi niyang may dadaanan muna siya. Kabado man siya ay pumunta pa rin siya sa vocal club, hindi para makita si David ngunit para makita si Kyle. Sinigurado niya munang nakalabas na ng club si David bago siya pumunta doon. Nagtago siya sa katapat na room ng club upang hindi siya makita. Hindi naman sa ayaw niyang makita ito ngunit tiyak niyang hindi ito matutuwa kapag nagkita sila doon. Hindi niya maikakailang may tampo siya kay David, irerespeto nalang niya ang nais nito upang di na nila pa masaktan ang isa’t isa. Alam niyang darating din ang araw na mayayakap niya muli ito at ituturing siya muling kapatid.

Nang makalabas na ang lahat ng miyembro ng club ay lumabas na siya sa silid na pinagtataguan niya, pasalamat siya at walang tao roon kaya nakapasok siya doon ng walang nagrereklamo.

Sumilip siya sa nakabukas na pintuan ng club, napangiti siya nang makita si Kyle na nag iisa sa loob, na abala sa pag aayos ng ilang papel sa lamesa doon na malapit sa piano.

Isinara niya ang pintuan na naging dahilan upang mapalingon ito. Kita sa muka nito ang pagtataka, napatingin ito sa pintuang sinara niya. Napatingin din siya sa pintuan at nagtaka din siya bakit niya ba naisara ang pintuan.

Balak niya sanang ipaliwanag ang nagawa niya ngunit nagbuhol buhol ang dila niya at walang lumabas na salita.

Ngumiti si Kyle.

“Gusto mo bang magmerienda?” palusot niya

Tumango ito kasunod ang tanong “Libre mo?”

“O sige. Ano bang gusto mo?”

“Kape?” maikling sabi nito

“Ah o sige bibili ako” mabilis niyang sabi

“Actually may kape naman kami dyan, kung gusto mong ipagtitimpla nalang kita”

“Ganun ba. Ako nalang ang magtitimpla” presinta niya

“Maupo ka na lang, bisita ka kaya ako nang bahala” nakangiti nitong sabi

Ngumiti si Sam.

Umupo sila sa sofa na nakaharap sa mini stage, kungsaan nasa gilid ang piano. Wala silang imik, salitan lang sila ng higop ng kape. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng sofa.

“Sayang hindi mo naabutan si David”

Lumingon si Sam kay David na nakalingon din sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata.
“Ikaw talaga ang ipinunta ko dito” seryoso niyang sabi

Nawala ang ngiti ni Kyle, pinutol nito ang tinginan nila at humigop ang kape na nakalagay sa paper cup. Hindi inalis ni Sam ang tingin niya kay Kyle, naging awkward iyon para kay Kyle dahil hindi niya malaman bakit ganun siya tignan ni Sam.

“Tinakot ba kita”

Dahan dahang lumingon si Kyle kay Sam, tinitigan niya ang bilugang mga mata nito “Masaya ako kasi bumalik ka” sabi ni Kyle

Napahigpit ng hawak si Sam sa paper cup na hawak niya. Hindi niya maintindihan, ayaw niyang putulin ang tingin nito sa kanya, ilang araw ding di niya ito nakita kaya nasabik siya sa di niya malamang dahilan.

Pinutol ni Kyle ang tinginan na iyon, ibinaling niya ang tingin sa piano “Marunong ka bang magplay ng piano” pag iiba nito ng usapan “Gusto mo bang turuan kita” tumayo ito palapit sa piano.

“Mahirap akong turuan” sabi ni Sam

Lumingon si Kyle sa kanya “Akong bahala sayo”

Inilapag niya ang kape sa maliit na lamesang nasa tabi ng sofa at lumapit kay Kyle.

Umupo siya sa tabi nito, alam nilang parehong di tamang desisyon iyon dahil may ilangang namagitan sa kanila dahil sa kakaibang nararamdaman.

“Magpaplay muna ako tapos saka ko ituturo sayo” sa piano lang siya nakatingin, di niya pa rin kayang tignan si Sam

Parang may kuryenteng dumaloy sa mga katawan nila nang magdikit ang mga hita nila, makipot ang upuan kaya hindi nila maiiwasan ang magkadikit.

Tinugtog ni Kyle ang Darari.

Sinusundan ng mga mata ni Sam ang mga kamay ni Kyle samantalang nakapatong lang sa mga hita niya ang kanyang mga kamay. Hindi nagtagal ay dahan dahang naglapit ang mga binti nila at napalingon sa isa’t isa.

Naguguluhan sila pareho sa nangyayari, walang sapat na dahilan si Sam kung bakit siya pumunta roon, basta ang nasa utak niya lang ay ang makita ito muli. Huminto ang mga kamay ni Kyle sa pagpaplay, napako ang kanyang mga mata sa katabi.

Ibinaling ni Sam ang kanyang tingin sa kamay ni Kyle na nakapatong sa keyboard, ipinatong niya ang kamay niya rito, at maya maya pa ay inangat niya ang kamay nito at inilagay niya ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri nito. Pareho silang nakatingin sa magkahawak nilang kamay.

“Pwede bang tulungan mo akong ipaliwanag bakit masaya ako habang hawak kita” sa kamay parin nila si Sam na nakatingin “Am I weird?” seryoso niyang tanong

Hinigpitan ni Kyle ang pagkakahawak. Napalingon si Sam sa kanya, ngunit nanatili ang tingin ni Kyle sa kamay nila “It’s weird pero masaya ako” lumingon na siya kay Sam, ang masayang tingin nito kanina ay lumungkot, lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ni Sam “Kung ano man ang sagot dito ayoko nang malaman” marahang inalis ni Kyle ang kanyang kamay “David is my bestfriend, and he is your brother” seryoso nitong sabi

Lumungkot ang mga mata ni Sam, alam na niya kung anong ibig sabihin nito.

“Sam_”

“Babalik ako dito bukas para makita ka. Hangga’t di ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Babalik ako, araw araw” namuo ang mga luha ni Sam sa kanyang magkabilang mata. Hinaplos niya ang kanang pisngi nito. Napapikit si Kyle.

Hinalikan ni Sam ang noo ni Kyle.

Pagkatapos ng halik na iyon ay tumayo na si Sam at lumabas ng silid. Dumilat si Kyle ng makalabas na ito.

I LOVE YOU BRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon