The Meeting
Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone kaya pikit mata ko itong sinagot.
"Kung sino ka man putangina mo ang aga-aga pa natutulog pa yung tao bigla kang tatawag I'll freaking kill the hell out of you!" Inis kong sabi pakasagot ko pa lang sa tawag.
"Chill lang tayo Cy, si Khaion to ang pinakagwapo mong pinsan." Sa pagkakasabi palang nito alam kong nakangisi na ang bwiset na 'to.
"Kung katangahan lang yang sasabihin mo wag mo na ituloy kung ayaw mong mag valentine's day sa ospital." Gigil kong sabi.
"Para ka namang others gusto ko lang sabihin sayo na seven-thirty na at fifteen minutes nalang magsisimula na ang klase, Ciao!" Kinakabahang saad nito sabay baba ng tawag.
"Shit! Late na ako."
Dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo para mag ayos. Dumiretso agad ako sa parking lot ng mansion at pinaharurot ito papunta sa university na pinapasukan ko.
Pagdating ko sa school ay pinagtitinginan na naman ako hindi ko nalang pinansin dahil sanay na ako sa atensyon at mga matang nakatingin sa 'kin palagi.
"Good morning, Cy!" Sabay na bati ng kambal na tinanguan ko lang.
"Khaion, pakatapos ng klase diretso ka sa bahay." walang emosyon kong sabi habang nakatingin lang sa white board.
"Ano nanaman ang ginawa mong kalokohan, Khaion?" Nakangising tanong ni Khaios na halatang natutuwa sa kinahinatnan ng kambal niya.
"Ginising ko lang naman siya kasi sabi ko late na siya tapos minura ako at ngayon papupuntahin pa ako ng detention?" Nanlulumong saad nito na tinawanan lang ng kakambal niya.
"Manahimik kayong dalawa pero kung ayaw niyo okay lang naman sa hideout lang naman bagsak niyo hindi naman masyadong mahirap ipapagawa ko sainyo e." I said coldly that made them gulp.
"Sabi ko nga tatahimik na ito kasing si Khaios ang ingay mukhang tanga." Paninisi nito sa kakambal niya kaya binatukan siya nito.
Nasa kalagitnaan kami ng klase ng biglang sumulpot ang secretary ng student council.
"Excuse me, Ms. Guillermo tawag ka sa student council's office." Halatang kinakabahan ito habang nakatingin sa sahig.
Diretso akong naglakad palabas ng pinto at nasa likod ko naman ang secretary na sumundo sakin.
"What's your name?" Walang emosyong tanong ko rito.
"Anari Fuego po." Kinakabahang usal nito na tinanguan ko nalang.
I bet she's not really scared of me. What a great actress. I have a hunch that she's more nervous by the fact the I know who she really is.
Pagdating namin sa office ay nakaupo na ang sinasabi nilang presidente dahil na rin sa kulay pulang badge nito kaya mahahalata mo agad samantalang itong nasa likod ko naman ay may kulay berde na badge.
"This is your badge please don't forget to put it in your collar." Sabi nito habang nakatutok sa computer at nakaturo ang isang kamay sa kulay asul na badge.
"Thanks." Maikling sabi ko na ikinatingala niya.
Halatang nagulat ito at tiningnan ako simula ulo hanggang paa at natulala.
The moment our eyes met I was stunned after so many years I can still feel the familiar effects she has on me, like my heart wants to get out of my body and it feels like her eyes is sucking my senses in it. She's still drop dead gorgeous, Her dark brown eye color really suits her it's one of her assets. Makinis ang mukha nito halatang ingat na ingat mahihiya nalang ang lamok na dumapo rito.
YOU ARE READING
DROWNED
Romance(COMPLETED/UNEDITED) Twilight Girls Series 1 Kiare Cyler Estrella-Guillermo Athiane Sirene Ysguerra-Pereña "If leaving me is the only way for you to heal, then go. Just make sure that you'll find your way back to me, love." - K. C. E. G. ________...