Kiare Cyler's
Mabilis na lumipas ang araw at lunes nanaman ngayon kaya may pasok na kami. Nandito kami ngayon sa kubo na pag-aari naming twilight at nag aasaran.
"Kiare, anong oras next class mo? 8:35 na." Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Athiane. Tangina lunes na lunes lutang ampota.
"Ha? 8:30 ang pasok namin ni Khaion." Lutang na sabi ko kaya taranta akong napatayo kaya natigil sila sa pag-aasaran.
"Oh? Bakit?" Tanong ni Khaion.
"Putangina ka late na tayo tarantando." Malutong na mura ko kaya tarantang napatayo rin ito kaya mabilis na hinila ko siya papunta sa klase namin kay Prof. Russo.
Halos takbuhin namin ang daan papunta sa klase ni Prof. Russo dahil tangina mahigit sampong minuto na kaming late.
"Khaion, kumatok kana." Utos ko kaya nanlalaki ang matang lumingon ito sa'kin at umiling.
"Kakatok ka o kakaltukan kita?" Walang emosyong tanong ko kahit na tawang tawa na ako kasi para na siyang matatae.
"Ito na nga." Kumatok ito ng tatlong beses at agad namang bumukas ang pinto.
"Mister and Miss Guillermo, you're 15 minutes late." Malamig na sabi nito kaya napayuko so Rai.
"I'm sorry ma'am, I have to run some errands about my upcoming construction of my clothing line." Palusot ko na tinanguan naman nito at sinenyasan ako na maupo na sa upuan ko.
Lihim akong napatawa dahil sa mukha ni Khaion pagtingin ko sakanya nung naka-upo na ako. Good luck nalang.
"How about you, Mr. Guillermo?" Tanong nito kay Khaion.
Nakita ko ang lihim ang patagong pag ngisi nito kaya nagtaka ako.
"May hininging pabor po kasi sa'kin si Ms. Fuego kaya nalate ako." Sagot nito.
Tangina ginamit pa si Anari porket alam niyang mag something ang dalawa.
"Is that so? Take your seat." Umupo agad ito sa katabi ko at tiningnan ako ng masama.
"What?" Pabulong na tanong ko.
"Tangina mo, parang di pinsan ampota iniwan ako." Reklamo nito.
"Lagot ka kamo kay Anari." Nakangising sabi ko rito.
May sinabi pa ito ngunit hindi ko na siya pinagtuonan ng pansin dahil nagsimula na ang magturo si Prof. Russo.
"Cy, bar tayo mamayang gabi." Bulong ni Khaion sa'kin sa kalagitnaan ng lecture.
"Sure, anong oras ba alis natin?" Tanong ko.
"Yes! Sa wakas akala ko pipilitin kapa namin e." Biglang sigaw nito kaya umasta akong nagsusulat.
"Mr. Guillermo, get out!" Galit na sigaw ni Ms. Russo kaya tatawa tawa akong nag iwas ng tingin nung mabilis na naglakad palabas si Khaion.
Bobo ampota HAHAHAHA.
Mabilis na natapos ang lecture ni kaya nag ayos na ako ng gamit at naglakad palabas. Didiretso na sana ako papunta cafeteria nang bigla5nag vibrate cellphone ko.
Twilight Lutang Band
laineried: yo mga guys, saan tayo ngayong lunch break?
ralluegoarc: Khaion and I ordered foods na, nandito kami sa kubo.
reikhaios: nice one, balita ko pinalabas ka raw pareng khaion?
YOU ARE READING
DROWNED
Romance(COMPLETED/UNEDITED) Twilight Girls Series 1 Kiare Cyler Estrella-Guillermo Athiane Sirene Ysguerra-Pereña "If leaving me is the only way for you to heal, then go. Just make sure that you'll find your way back to me, love." - K. C. E. G. ________...