"When will you leave her?" My bastard father asked.
We're talking through call right now. He threatened me that he'll kill my mom in an instant if I don't answer his calls.
"Why are you doing this?" I ask instead of answering him.
"I want that Guillermo to suffer." Sa paraan ng pagkakasabi nito alam kong nakangisi ito.
He's really insane.
"Hindi kaba marunong mag hintay?" May bahid ng inis na sabi ko.
"Watch your mouth, kid. Don't forget that your mother will be dead in just a snap of my finger."
"She's avoiding me for fuck's sake." Sagot ko sakanya.
"That's not my problem anymore." Sabi nito bago pinatay ang tawag.
Mag iisang linggo na ata akong iniiwasan ni Kiare pagdating namin galing sa resort. Halos hindi na kami nag-uusap ng personal dahil sa tuwing dadating ako ng maaga ay wala pa siya kapag naman medyo late na ako dumadating ay tulog na tulog na siya, hindi ko naman magawang gisingin para lang kausapin dahil maliban sa pagod siya ay alam kong masasaktan ko siya ng sobra.
Sasaktan ko nanaman siya.
Kapag naabutan ko siya sa umaga ay palagi siyang may palusot, kesyo may ooperahan at kailangan niya na pumunta at bumisita sa iba niya pang negosyo.
Pababa na ako sa hagdan dahil kakatapos ko lang mag ayos para pumasok. Naabutan ko siyang tulala habang umiinom ng kape at kumakain ng cheesecake.
"Kiare," I called her.
She slowly lifted her eyes before smiling softly at me that made my heart clench in pain.
"Good morning, love." Her voice sounds soft and soothing.
"Good morning." Bati ko pabalik.
"Let's eat breakfast together." Nakangiting sabi nito bago ako pinaghila ng upuan.
"Kiare, can we–" Naputol ang sasabihin ko nang biglang may tumawag sakanya.
"Excuse me." Sabi niya bago naglakad palayo.
Unti-unti akong napayuko dahil sobrang hirap sa parte ko. Lumipas ulit ang isang linggo na hindi kami nagkakausap nang maayos. Puro sa text at tawag lang kami nag-uusap at sandali lang 'yon dahil kapag nagtatanong ako kung pwede kaming mag-usap ay palagi siyang nagpapalusot.
"I'm sorry, I can't."
"I have to go, there's an emergency."
"I have to operate someone, maybe next time."
Halos paulit-ulit lang ang rason niya kaya wala akong nagagawa kung hindi ang bumuntong hininga at mapasapo sa noo ko dahil sa sobrang stress. Gabi-gabi ata akong umiiyak dahil sobrang hirap, naiipit ako, idagdag mo pa na halos araw-araw rin kung tumawag ang bisugo kong tatay at araw-araw rin ang pangungilit ng letseng Melville na 'yon.
Hindi ko naman magawang itakas o kahit bisitahin man lang ang nanay ko dahil bantay sarado ni Pereña ang bawat galaw ko. Mabuti nalang at hindi niya dinadamay si Luan dahil paniguradong makikisali si Ried kapag nagkataon.
Isang gabi ay pagod akong umuwi, nag text sa'kin si Kiare na hindi siya makakauwi dahil sa dami ng pasyente. Bagsak ang balikat na naglalakad ako sa pasilyo ng mansyon pakatapos kumain kasama si nanay Nancy nang biglang nakasalubong ko si Luan.
"Ate, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.
Pagod ko siyang nginitian bago unti-unting nangilid ang luha ko kaya dali-daling lumapit ito sa'kin at niyakap ako.
YOU ARE READING
DROWNED
Romance(COMPLETED/UNEDITED) Twilight Girls Series 1 Kiare Cyler Estrella-Guillermo Athiane Sirene Ysguerra-Pereña "If leaving me is the only way for you to heal, then go. Just make sure that you'll find your way back to me, love." - K. C. E. G. ________...