Chapter Nine

1.6K 71 16
                                    

Kiare Cyler's

Pagdating namin sa mansyon ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para maligo at magbihis ng pantulog. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko sila sa living room ng mansyon na nag babangayan.

"Tangina ka Pula porket sinampal ka ni Harm naging ganyan kana." Naiiratang sabi ni Khaios na tinawanan lang nung tatlo.

"Anong meron?" Tanong ko kaya napalingon sila sa'kin.

"Cy, pinagkakaisahan nila ako pinagsamantalahan ni Ried ang puri ko my goodnesses hindi na ako berjen!" Nanlulumong sabi ni Khaios.

"Nakakadiri naman Rei shutaka kahit ikaw nalang ang natitirang tao sa mundo hindi kita papatulan tanga ka." Sabi ni Ried kay Khaios tsaka ito sinapok.

"Itigil niyo na yan matulog na kayo, Ried sa kwarto ka matutulog bilisan mo." Walang emosyong sabi ko kaya nanlaki naman ang mata ni Ried.

"Bata pa ako Kish wag mo akong pagsamantalahan marami pa akong pangarap sa buhay at isa na don ang pakasalan si Harmony kaya parang awa mo na hindi na ako magiging tarantado." Mukhang tangang sabi nito na tinawanan lang nung kambal at ni Arc.

"Tangina ka, baka ikaw pa manamantala gago kung ayaw mo edi sa lounge chair ka matulog gago." Naiinis na sabi ko at tinalikuran sila.

"Kish, hintayin mo ako ito naman ang serious masyado nag jojoke lang e." Sabi nito at parang tangang yumakap sa braso ko.

"Sa sofa ka matutulog." Sabi ko at humiga na sa kama.

"Tabi tayo!"

"Ayoko, tangina mo manigas ka." Iritadong sabi ko habang naka pikit ang mata at hindi na siya ulit pinansin.

Ramdam ko naman ang pag alog ng kama kaya alam kong tumabi sa'kin ang gago pero hinayaan ko nalang at tuluyan nang nakatulog.

Kinabukasan ay bumaba agad ako pakatapos kong mag ayos para sa 2nd at last day ng foundation day. Naabutan ko sila sa kusina na kumakain mga patay gutom talaga amp.

"Ried, coffee." Sabi ko at tinanguan naman ako nito tsaka tumayo para ipagtimpla ako ng kape.

"Anong plano mamaya, Cy?" Tanong ni Khaion.

"May family dinner daw mamaya sa bahay nina grandma at grandpa." Sabi ni Khaios kaya napalingon ako rito.

"Pupunta lahat pati pamilya ni Ophelia at Sebastian?" Tanong ko na tinanguan lang nilang dalawa.

Hindi na nila pinansin ang paraan ng pagtawag ko sa magulang ko kuno dahil sanay na sila sa'kin.

"Arc, cookies." Nagpapaawang sabi ko.

"Ano ba naman yan Cy inaagaw mo fiancee ko gago." Sabi ni Khaion pero tiningnan lang siya ni Arc ng masama kaya nginisihan ko ito.

"Mas mahal kasi ako ni Arc kesa sayo kasi ako maganda tapos ikaw pangit tanga." Pang-aasar ko sakanya kaya mas lalo itong sumimangot.

"Pangit ng ugali nito kaya ka hindi pinili e." Nakangusong sabi nito at nakita ko naman kung pano siya sikuhin ni Arc sa tagiliran nung nakita nito ang reaksyon ko.

"Khaios, cookies." Tiningnan lang ako nito tsaka tumango at tumayo para tawagan ang sekretarya niya.

"Cy, galit kaba?" Nag-aalangang tanong ni Khaios.

"No, just eat." I said coldly that made him flinch.

Patuloy lang silang kumakain nang biglang dumating si Ried dala ang kape ko at umupo ito sa katabi kong upuan.

"Grabeng kape yan Pula siguro sa kabilang subdivision mo kinuha yang mainit na tubig no?" Tanong ko na ikinatawa nilang tatlo.

"May tumawag lang."

DROWNED Where stories live. Discover now