Chapter Thirteen

1.5K 54 6
                                    


Kiare Cyler's

Literal na natulala ako pagkatapos niyang sabihin yon bago siya dali-daling lumabas ng kotse kung hindi niya pa kinatok ang bintana sa side ko ay hindi pa ako matatauhan.

Grabe naman gumanti to sa pang-aasar ko kanina tangina pati langgam lalanggamin.

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa loob ng amusement park dahil lutang na lutang ako punyeta.

"Saan mo unang gustong sumakay?" Pambabasag nito sa katahimikan.

"Sa'yo." Lutang na sagot ko at nanlaki naman ang mata niya habang namumulang umiwas ng tingin.

Anyare don? Sumagot lang naman ako kung ano ang gusto kong sakyan diba? Sagot ko nga sa'y---

PUTANGINA??????

"Stupid." Naiinis na sabi nito at nauna nang maglakad kaya agad ko itong hinabol.

Ramdam ko ang tingin ng mga taong nadadaanan namin pero hindi ko na ito pinansin habang halos samaan naman ng katabi ko ang mga taong nakatingin saamin.

"Athiane, why are you glaring?" Tanong ko sakanya kaya napalingon ito sa'kin at halos malunok ko pati lalamunan ko nung sinamaan ako nito ng tingin.

"Woah, calm down I'm just asking." Nakangusong sabi ko habang naka taas ang dalawang kamay na parang sumusuko dahilan para irapan niya ako.

Nag patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang stall na may nakasulat sa karatula na "Street foods Area" kaya nagtatakang nilingon ko siya.

"Kakain ba tayo niyan?" Tipid na tango lang ang isinagot niya sa tanong ko.

Sobrang daming tao na naka-upo sa mga table sa tapat ng stall na mukhang kumakain ng pagkain galing dito kaya ako na ang humila sakanya papunta sa tapat ng stall.

"Good evening, ma'am." Nakangiting bati samin ng tindera na mukhang mas matanda lang samin ng isa o dalawang taon.

"Good evening." Bati ko pabalik tsaka siya nginitian ng tipid.

Nakita kong bahagya itong namula kaya nagtaka ako at halos mapasigaw ako dahil sa madiing kurot sa tagiliran ko kaya inis na tiningnan ko ang katabi ko na masamang nakatingin sa'kin.

Wtf is her problem?

Hindi ko nalang ito pinansin at binalik ang tingin sa tindera na mukhang natulala pa.

"Hey miss, how much is this thing?" Tanong ko sakanya habang nakaturo sa hindi ko maintindihan kung ano to.

It's like a freaking worm! Naka tusok siya sa stick pa zigzag ang style kaya halos malukot ang mukha ko.

"10 pesos po each." Sagot nito kaya tumango lang ako bago tumingin ulit sa ibang paninda niya.

"How about this one?" Tanong ko habang nakaturo naman sa kulay brown or is it black?

"10 pesos each din po." Sagot ulit nito.

Nilingon ko naman ang katabi ko na nakatingin lang sa'kin kaya binalik ko agad ang tingin sa mga pagkain na nasa harap namin hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang bilog na kulay puti.

"Oh, Athiane look at this it looks like a freaking ping pong ball!" Namamanghang sabi ko.

"Kiare, it's called squid balls for goodness sake." Stressed na sabi nito.

Tangina may street foods din naman sa ibang bansa pero hindi ganito ang itsura punyeta nagmumukha akong tanga rito rold.

I looked around until a round orange food caught my attention and it's bigger than the squid balls.

DROWNED Where stories live. Discover now