Athiane Sirene's
Ilang araw na ang lumipas simula nung nag-usap kaming dalawa ni Kiare sa music room at ilang araw na rin kaming ilag sa isa't isa. Mamayang gabi na rin ang dating ni Lex kaya kailangang matapos na agad tong preparation para bukas.
"Double time guys bukas na ang foundation day kailangan maayos natin to ngayong araw mismo dahil darating ang stockholders ng school na to at ang may-ari." Sabi ko sakanila na tinanguan lang nila.
Napatingin ako kay Kiare na seryosong seryoso sa ginagawa niya. She's fixing the decorations kanina pa kaya nag desisyon akong lapitan siya.
"Kiare, do you need help?" Tanong ko.
"No, I'm fine. You can help the other members." Sagot nito na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Okay, btw can we change the song? yung sa duet natin gusto ko sanang palitan ng 8 letters." Nag-aalangang sabi ko.
"Sure."
Naputol lang ang pag-uusap namin nang biglang tumunog ang bell ibig sabihin ay lunch break na kaya sabay-sabay kaming student councils at ang kambal na naglalakad papunta sa cafeteria. Bago pa man kami makapasok ay may biglang lumapit kay Kiare na lalaki at may dala itong chocolate at bulaklak.
"Get out of my way." Kiare said coldly.
"I just want to give you these chocolates and flowers." Kinakabahang sabi nung lalaki.
Maybe he likes Kiare? Why do I feel irritated?
Lumayo kami nang bahagya at biglang nag bulungan ang kambal.
"Pustahan tayo Khaios sasabihan niyan ng "I like you" si Cyler tulad nung mga lalaki sa Italy." Natatawang sabi ni Khaion.
"Sige ba, pustahan ang magpapakilala muna yan tapos sasabihin niyan 'Hi Cyler, I really like you and I want to court you.' pero ipapahiya yan ni Cy." Nakangising sabi naman ni Khaios.
Lumapit kami ng konti para marinig ang usapan nilang dalawa at nakikita kong mukhang iritado na si Kiare.
"I'm Darius, good afternoon."
"And I'm not interested." Humagalpak kami ng tawa dahil sa sagot ni Kiare.
"I just want to say hi and confess to you, I like you." Dagdag pa nung Darius.
"Well, I don't so get the f*ck out of my way." Walang emosyong sabi ni Kiare at nilagpasan ito at dumiretso na sa loob ng cafeteria kaya sinundan na namin ito.
"Khaios, panalo ako walang court court don ikaw magbabayad ng lunch nating lahat ngayong araw." Nakangising sabi ni Khaion habang naghihintay na kami ng inorder namin kanina.
"Guys, may tanong ako sainyo kasi last week ghinost ko kafling ko ito na anong magandang reply sa 'palit tayo ng account'?" Tanong ni Khaios.
"You deserve someone better." Humagalpak kami ng tawa dahil sa sagot ni Kyshin.
"Tanga mali ganito dapat, hindi naman kailangan yan ang mahalaga wala tayong tinatapakang tao." Sabi naman ni Crest kaya mas lalong lumakas tawanan namin.
"Weak niyo naman ako kasi kapag gumaganyan automatic you can't reply to this conversation agad." Sabi naman ni Kiare na mas lalong nagpaingay sa buong cafeteria.
"Ganon pala yon ang nireply ko kasi sige palitan nalang kita." Nanlulumo pa kunyareng sabi ni Khaios kaya halos mahulog na kami sa upuan kakatawa.
YOU ARE READING
DROWNED
Romance(COMPLETED/UNEDITED) Twilight Girls Series 1 Kiare Cyler Estrella-Guillermo Athiane Sirene Ysguerra-Pereña "If leaving me is the only way for you to heal, then go. Just make sure that you'll find your way back to me, love." - K. C. E. G. ________...