Chapter Three

2.4K 87 4
                                    


Thick and Thin


"What are you waiting for? Don't you want to go home? You're wasting my time for goodness sake."


Mabilis pa sa alas kwatro naman itong sumakay at nag seatbelt kaya pinaandar ko na ito, nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan. Napansin ko naman na mukhang hindi ito mapakali kaya binuksan ko ang stereo para magpatugtog.


Sakto namang tugtog ni LANY na Thick and Thin ang tugtog at mukhang chorus na kaya saglit akong napapikit nang mariin.


Tanginang pagkakataon naman 'to.


"I can see my whole life with you, baby
Now you got me thinking that I'm crazy
Cause you're out the door
Just one mistake
You say you're not in love no more"


Sinabayan niya ang kanta na kinagulat ko dahil tinatamaan ako ng lintik na lyrics ng kanta. Aba gago ata 'to, bakit parang sinasabi niya mismo sa 'kin ang mga linyang 'yon gayong siya naman ang nagbigay sa 'kin ng dahilan dati para umalis?


"But was it really love
If you can leave me for
Something so innocent
Is this the end?
Thought you'd be there
through thick and thin"


Pakatapos ng kanta niyang tagos hanggang buto ko ang sakit ng lyrics ay binalot na ulit kami ng nakakabinging katahimikan. Pakiramdam ko ay bumigat ang atmosphere sa loob ng sasakyan ko dahil sa lintik na kantang 'yon.


"Sa Solitaire's Condominium nalang ako, Kia."


Sabi nito na tinanguan ko lang at nagpatuloy sa pagmamaneho. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng building kaya tinanggal na nito ang seatbelt niya at binuksan ang pinto ng passenger seat at nilingon ako bago lumabas.


"Thank you." Nakangiting sabi nito na tinanguan ko nalang.


Paglabas niya pipihitin ko na sana ang sasakyan ko paalis nang bigla siyang kumatok sa bintana na pinagtaka ko kaya binuksan ko nalang ito at walang emosyon siyang tiningnan.


"What?"


"Have a good night, Kiare. Thank you for taking me home."


Pagkatapos niyang sabihin yon ay dali-dali itong pumihit papasok sa building at naiwan naman akong tulala. Nang matauhan ay nag maneho na ako papunta sa dati naming mansyon kung saan ako madalas matulog dahil hindi ko ito magawang iwan dahil sa ala-ala namin ng kakambal kong si Ryler.


Pakatapos kong ipark ang sasakyan ko ay dumiretso ako sa loob at sumalubong sakin ang nakangiting mukha ng mayordoma ng mansyon.

"Magandang gabi, 'nak."

"Good evening, Nay Nancy."

Dumiretso agad ako sa loob ng aking kwarto at nag ayos para bumaba na. Ngunit nagulat nalang ako dahil pagbaba ko ay may dalawang taong dumating.

"What the hell are you doing here?" Walang emosyong tanong ko na ikinagulat nila.

"'Nak, halika na at kumain dumating ang Mom at Dad mo para bisitahin ka raw." Nakangiting sabi ni nanay pero hindi ko ito pinansin kaya dumiretso ito sa dining area at naiwan kaming tatlo.

I stared at them coldly and said, "Get out." na mas lalong ikinagulat nila.

"Cy, this is our house too." my dearest mother said that made me drop my jaw.

Saan siya kumukuha ng apog? Ang kapal naman ng mukha niyang sabihing bahay niya rin 'to matapos niya kami talikuran nang gabing 'yon.

"Huh? Your house? Are you kidding me?" Hindi makapaniwalang usal ko kaya parang napapahiya itong nag-iwas ng tingin.

DROWNED Where stories live. Discover now