Kiare Cyler's
"I'm glad that you're finally letting people in again just like when we were kids." Nakangiting sabi ni Khaion habang naglalakad kami papunta sa first subject namin.
"I'm not letting people in because I don't want to be friends with them, but they're the only exception." Paliwanag ko na tinanguan lang niya.
"So, you and Athiane is in good terms now huh?" Nakangising sabi niya kaya tinapakan ko sapatos niya.
"Shut the f*ck up!"
Pagdating sa room ay agad siyang tumahimik nang makita ako pero hindi ko ito pinansin at dumiretso lang ng lakad papunta sa upuan ko sa likod sa tapat ng glass window. Kaming dalawa lang at ibang kaklase pa namin ang nandito kasi wala pa ang prof namin sa subject na to at may klase rin si Khaios.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad kami ni Khaion sa cafeteria kasi nag chat si Khaios na nandon na raw sila kanina pa kaya nagmamadali naman kaming naglakad papunta sa cafeteria. Habang naglalakad kami ni Khaion ay ramdam ko ang paningin ng mga taong nakakasalubong at nasa tabi ng hallway samin pero hindi na namin ito pinansin at dumiretso lang ng lakad hanggang sa makarating kami sa table namin.
"Nag order na ba kayo?" Tanong ni Khaion pagdating namin.
"Tapos na kanina pa ambagal niyo e." Sagot ni Khaios kaya tiningnan ko siya ng masama na ikinatahimik niya.
Maya-maya lang ay dumating na nga ang inorder nila na sa sobrang dami aakalain mong tatlong pamilya ang kakain.
"Bibitayin ba tayo pakatapos nito?" Tanong ko na ikinatawa nila.
"Tanong mo kay Athiane siya nag order niyan e." Sagot naman ni Crest habang tumatawa.
"Hindi pa bayad yan oy." Sabi ni Anari.
"Gago sino magbabayad niyan?"
"Spin the bottle tayo kung kanino nakatutok yung bibig ng bote pag hinto siya ang magbabayad at may kasama pang dare yon." Nakangising sabi ko bigla namang namutla ang kambal at laglag naman ang panga nung apat.
Kinuha ko na ang bote at sinimulang paikutin to at nung tumigil bigla itong tumapat sa gitna ng kambal kaya tuwang-tuwa sila habang nakangisi naman akong tumingin sakanila na mukhang kinakabahan na.
"Half half kayo ng bayad at may dare rin kayong dalawa sasabihin ko sainyo pakatapos nating kumain." Sabi ko tinanguan lang nila.
Tawang-tawa kami kasi mukha silang nalugi sa negosyo na halos hindi na maipinta ang mukha nilang dalawa habang kumakain. Pagkatapos kumain ay tumingin ako sakanilang dalawa na mukhang kabadong kabado na.
"Don't be nervous simple lang naman to e sasayawin niyo lang naman habang kumakanta yung banyo queen at binibirocha sa ibabaw nitong lamesa." Nakangising sabi ko na mas lalong ikinabusangot nila.
"Pereña, umakyat ka sa table mag announce ka sabihin mo gagawin nina Khaion at Khaios." Utos ko na sinunod niya naman.
Pakatapos mag announce ni Athiane ay umakyat na ang dalawa sa table at nagsimulang kumanta.
"Nang dumukot sya ng pera, umangat ang kanyang skirt kaya't ako'y biglang nagsabi 'Hey girl I like your style!'" simula ni Khaios at nagsimula silang sumayaw habang kami tumatawa ng malakas.
"Siya'y kumagat din, kumindat at nagpakita ng smile tinanong niya ko 'Hey aren't you Kiare Cyler of Euphoria?'" sigunda naman ni Khaion na mas lalong nagpalakas sa tawang at ingay ng cafeteria.
"Sumagot siya "Hi Cyler my name is Binibirocha!'" dugtong ni Khaios habang gumigiling.
"Binibirocha, Binibirocha, talagang gustong gusto ko na maka-isa yeah
Binibirocha, Binibirocha, (you know what) in love ako sa body niya." Sabay na kanta nila na mas lalong nagpalakas sa tawanan namin dahil pinalitan nila yung ibang lyrics.
YOU ARE READING
DROWNED
Romance(COMPLETED/UNEDITED) Twilight Girls Series 1 Kiare Cyler Estrella-Guillermo Athiane Sirene Ysguerra-Pereña "If leaving me is the only way for you to heal, then go. Just make sure that you'll find your way back to me, love." - K. C. E. G. ________...