Arcade
I came back to my senses when she snapped her fingers just enough for me to hear.
"Pardon?" I asked while blinking multiple times. "Oh, right. I was asking you."
What's with the sudden flashback? Damn it.
"I'm eating here, puno na sa cafeteria at masyadong maingay kaya dito ako pumunta. I wasn't expecting to see you here though." she said that made me nod before closing my eyes again and leaning at the body of the tree.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba uso sayo ang kumain?" tanong niya ngunit hindi ko siya pinansin.
Kaya nga ako umalis sa cafeteria kasi ayaw ko ng maingay eh tapos nandito naman ang isang 'to. Makulit pa naman ang lahi nito.
"Snobber." mahinang usal nito na narinig ko rin naman kaya inis na napamulat ako.
"Anong sabi mo?" inis na tanong ko.
"Wala, sabi ko punta ka mars itanong mo sakanila baka narinig nila sinabi ko." walang kwentang sagot nito sa'kin kaya pinanlisikan ko siya ng mata.
Kailan pa siya naging pilosopo kausap?
"Are you crazy? Che idiota." gigil na usal ko na ikinatawa niya lang.
(translation: what an idiot.)
"Woah, calm down, I'm just kidding." pabirong sabi niya na mas lalong ikinasama ng tingin ko kaya tuluyan na itong napahalakhak.
Happy ka, ghorl? Edi ikaw na masaya palibhasa hindi naman siya yung nasaktan.
"Shut up." inis na sabi ko bago tumalon pababa ng puno at walang lingon na umalis.
Nakakainis. Nakakairita. Nakakatangina. Nakakaurat. Nakakagago.
Bakit ganon ang isang 'yon? Kung umasta akala mo hindi nanakit ng tao. Mukha siyang unbothered na hindi ko maintindihan, nakakainis.
Sana all okay.
Nagpahangin muna ako saglit habang naglalakad-lakad hanggang sa nagkaroon ng announcement sa group chat na vacant daw namin dahil absent ang professor sa isang major subject.
Namalayan ko nalang na naglalakad na ako papunta sa Student Council's Office kung saan nadatnan ko rin sina Ari, Kyshin, at Crest.
"Yo, vacant mo rin?" tanong ni Kyshin sa'kin na binalingan lang ako ng tingin saglit at tinanguan bago bumalik ang tingin sa cellphone niya.
"Yeah, absent si Mrs. Bartolome." walang ganang sagot ko bago pabagsak na umupo sa tabi ni Ari na abala rin sa cellphone.
"Sama ka next game? Naglalaro ka ba ng Call Of Duty?" tanong niya sa'kin.
"Oo naman, ano rank niyo na?" tanong ko pabalik.
"Pareho kami grandmaster." sagot ni Kyshin. "Ikaw ba?" tanong niya rin kaya ngumuso ako.
"Legendary." sabi ko bago nilabas ang cellphone at nag open ng codm.
"Naknampucha, mamaw ka pala idol eh." nginisihan ko lang si Kyshin.
"Crestyyy, download ka na kasi." makulit na sabi ni Kyshin kay Crest na tahimik na naglalaro ng chess mag isa.
"No thanks, ayaw ko masira ulo ko katulad ng sa 'yo." may bahid ng pang-aasar na sagot ni Crest kaya natawa kami ni Ari.
YOU ARE READING
DROWNED
Romance(COMPLETED/UNEDITED) Twilight Girls Series 1 Kiare Cyler Estrella-Guillermo Athiane Sirene Ysguerra-Pereña "If leaving me is the only way for you to heal, then go. Just make sure that you'll find your way back to me, love." - K. C. E. G. ________...