Kiare Cyler's
Nandito na kami ngayon sa loob ng van nina Khaion, Khaios, Arc at Ried dahil aattend daw kami ng family dinner. Kanina pa ako nakatulala dahil kanina pa parang sirang plakang paulit ulit sa utak ko ang mga sinabi ni Athiane.
"Cy, tulala ka? Anyare sayo?" Nag-aalalang tanong ni Ried kaya bahagya pa akong napaigtad dahil sa gulat.
"Okay lang ako."
Pagdating namin sa mansyon ay dumiretso agad kami sa dining area at doon namin nakita ang magulang ng kambal at ni Arc kasama sina Ophelia, Sebastian at mga anak nila tsaka asawa pati na rin sina grandma.
"Good evening." Sabay na bati nila samantalang tahimik na umupo lang ako.
Pag-upo namin ay kumain agad kami habang nag-uusap naman ang mga matatanda habang kami ay tahimik lang hanggang sa biglang nagsalita si Khaion.
"Cy, sabihin mo na sakanila yung plano mo na pinagusapan natin kaninang umaga." Sabi nito kaya biglang napalingon sa'kin ang mga matatanda tumikhim muna ako bago nagsalita.
Sinabi ko sakanila ang plano ko at syempre gulat sila. Guillermo's Wine Industry lang naman ang hawak nina grandpa habang kay Ophelia naman ay banks at kay Sebastian naman sa mga magazines at iba pa.
"You'll handle Guillermo's Hospital, Guillermo's Engineering Affinity and Guillermo's Visionary Architecture all by yourself?" Gulat na tanong ni Ophelia.
"Yes, Arc here is my business partner we're planning to build a clothing line together with the twins and Ried." Walang emosyon kong sabi.
'Parang gusto kitang murahin dahil sa pinagawa mo kay Athiane, Ophelia.' Sabi ko sa isip ko kaya mainggit kayo kasi ako may isip.
"Cyler, are you planning to build a freaking empire?" Tanong ni Sebastian.
"No, because I already have one." I said and smirked when I saw his shocked face.
"We already have an empire before we graduate in Stanford." Sabi naman ni Ried kaya halos mapanganga naman silang lahat dahil sa gulat maliban kina grandpa.
"We decided to build our own business empire, it's called GRC's Dynasty." Dagdag ko pa.
"Grandpa and Grandma knows it." Sabi pa ni Khaios.
"And you didn't tell us?" Hindi makapaniwalang sabi ni Sebastian.
"Why would I tell you?" I asked as I stared at him coldly.
"Because I'm your father?" Patanong pang sabi nito na sarkastiko kong ikinatawa.
"You're not, grandpa is my father." Ngisi kong sabi kaya nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao nito.
"Cyler, manners." Suway sa'kin ni grandma kaya napalingon ako sakanya at nanahimik nalang.
Ipinagpatuloy namin ng kambal, Ried at Arc ang pag-uusap namin habang kumakain hanggang sa biglang may tumawag sa'kin.
"Excuse me." Sabi ko at biglang tumayo.
"Kiare, can you fetch me here?"
Bahagya pa akong nagulat nang mapagtantong si Athiane pala ang tumatawag.
"Where are you?" Tanong ko.
"In front of a freaking restaurant."
"Okay, I'm coming." Sagot ko sabay baba ng tawag.
Nagmamadali akong bumalik sa loob para mag paalam.
"I have to go." Sabi ko at nagmamadaling naglakad papunta sa garage at kinuha ko ang isang BMW na kotse regalo to ni grandpa nung birthday ko.
YOU ARE READING
DROWNED
Romance(COMPLETED/UNEDITED) Twilight Girls Series 1 Kiare Cyler Estrella-Guillermo Athiane Sirene Ysguerra-Pereña "If leaving me is the only way for you to heal, then go. Just make sure that you'll find your way back to me, love." - K. C. E. G. ________...