Kiare Cyler's
Laglag ang panga nila matapos ko sabihin ang mga katagang iyon maliban nalang kay Arc na tawa nang tawa.
"Kiare, that's enough you're being rude na." Saway sa'kin ni Arc pakatapos niyang maka recover.
"Arc, cheesecake."
"Gusto mo ng cheesecake? Wait, I'll call someone walang cheesecake sa restaurant mo, babe." Sabi nito at dali-daling tumawag sa secretary niya.
"Thanks, babe." Maikling sabi ko habang naka dukmo sa table.
"Kiare, sit properly nasa harap tayo ng pagkain." Saway ni Athiane sakin kaya napatingin samin si Lex at Arc.
"Sirene, you should eat na it's getting late." Sabi ni Lex kay Athiane na tinanguan lang nito.
Maya-maya pa ay natapos na rin silang kumain habang ako ay walang bawas sa inorder kaya napatingin sa'kin si Arc.
"Your cheesecake in on the way na sa mansion, let's go Kiare." Sabi ni Arc at tumayo sa tapat ko.
Parang batang tinaas ko naman ang dalawa kong kamay habang nagpapaawa na nakatingin sakanya kaya inalalayan niya akong tumayo at sinabit ang dalawa kong kamay sa leeg niya habang ang mga hita ko naman ay naka palibot sa bewang niya.
"Cyler, are you okay?" Tanong ni Lex na hindi ko naman pinansin at sumiksik lang sa leeg ni Arc.
"Sorry, we really need to go she's sick." Paalam ni Arc at nagsimula nang maglakad.
"I'll take her home." Umangat naman ang tingin ko at nakitang si Athiane pala ang nagsabi non.
"Is it fine? She's a pain in the ass when she's sick." Sabi ni Arc kay Athiane.
"Ari, cheesecake."
"I'll buy you cheesecake, ako na bahala sakanya." Sabi ni Athiane at lumapit samin.
Pinababa naman ako ni Arc kaya humarap ako kay Athiane para sakanya kumarga.
"Cheesecake." Naiiyak na sabi ko at sumiksik sa leeg nito.
"Oh god, I have to go may emergency sa kumpanya." Sabi ni Arc tsaka ako tiningnan.
"Kia, I have to go." Sabi nito kaya binalingan ko siya ng tingin at tinanguan.
Tumalikod ito agad kaya sumiksik ulit ako sa leeg ni Athiane dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Lex, mauna na ako may bata pa akong bitbit." Sabi ni Athiane pero hindi ko na ito pinansin dahil sobrang sakit na talaga ng ulo ko.
Ayan inom pa Kiare sige lang hanggang sa maging gutay gutay lamang loob mo.
Nagsimulang maglakad si Athiane palabas at ramdam ko naman na pinagtitinginan kami ng mga tao pero parang walang pakealam tong taong may karga sakin.
"Athi, my cheesecake." Sabi ko habang sumisinghot pa.
"Gosh, don't cry sinabihan ko na secretary ko na magdala ng cheesecake sa condo ko." Frustrated na sabi nito.
"Why are you mad?" Naiiyak na tanong ko.
"I'm not."
"Yes you are, I'm going home nalang!" Inis na sabi ko at bumaba sa pagkakakarga niya.
"Kiare, I'm not mad." She said softly.
"Really?"
"Yep, really." Nakangiting sabi nito.
Tinaas ko naman ulit ang dalawa akong kamay para magpakarga na ikinatawa niya.
Pagdating sa parking lot ay isinakay niya ako sa passenger seat at siya naman ay umikot papunta sa driver's seat.
YOU ARE READING
DROWNED
Romance(COMPLETED/UNEDITED) Twilight Girls Series 1 Kiare Cyler Estrella-Guillermo Athiane Sirene Ysguerra-Pereña "If leaving me is the only way for you to heal, then go. Just make sure that you'll find your way back to me, love." - K. C. E. G. ________...