One

9.5K 127 20
                                    

Kiya

Nako, late na ako sa trabaho 'ko sa bakery. Paano ba naman kasi may ginawa kami na group work sa school. Yung ibang mga ka miyembro 'ko nauna nang umuwi kasi may gagawin daw sila kaya dalawa nalang kami ng babaeng kaklase 'ko na naiwan. Mabuti nalang natapos namin kasi bukas na agad yung deadline.

"Aba Kiya, at pumasok ka pa? Mahigit trenta minutos ka nang late." Nakita 'ko yung manager namin na nakaabang sa harapan ng bakery. Masama ang mukha nitong nakatingin sa akin.

"Pasensya na ho Ma'am, may ginawa ho kasi kami sa school kaya ho ako natagalan." Paghingi 'ko nang paumanhin. Inirapan ako nito at tinaasan nang kilay.

"Oh siya, pag naulit pa ito ay tatanggalin na kita sa trabaho. Marami pa naman akong aplikante, ewan 'ko ba kung bakit ako nagtityaga sa'yo." Umalis ito sa tinayuan at pumasok sa loob ng bakery.

Napabuntong-hininga nalang ako at sumunod sa kanya. Bente kwatro oras itong bakery na bukas, dito ako nagpapart time. Kailangan kasi ni Itay ng pandagdag kasi may tatlo pa akong lalaking kapatid na nag-aaral sa highschool, habang ako naman ay nasa senior high na. Pagkatapos nito ay papahintuin muna ako nang Itay kasi pauunahin niya sa kolehiyo 'yong mga kapatid 'ko.

Okay lang naman sa akin kasi hindi naman din ako matalino. Sabi pa nang Itay, ang mga taong katulad 'ko na hindi katalinuhan ay dapat magtrabaho para kumita ng pera at matulungan ang pamilya.

Sinuot 'ko ang apron 'ko at hairnet atsaka nag-umpisang magtrabaho. Pagpatak ng alas dose ng gabi ay nagpaalam ako sa manager namin. 'Yong duty 'ko kasi eh 5pm hanggang 12mn habang may iba naman sa susunod na oras.

"Ma'am mauna na ho ako. Mag-iingat ho kayo pag-uwi, bukas po ulit." Inismiran ako nito at hindi na ulit tiningnan pa. Nagkibit balikat lang ako at lumabas na sa bakery.

Walking distance lang 'yong bakery sa bahay namin kay dahan-dahan akong naglakad. Nung una akong nagtrabaho natakot ako pero kalaunan ay nasanay na rin. Susunduin sana ako ng isang kapatid 'ko pero nung nalaman ni Itay ay nagalit ito, dapat daw magpahinga na sila kasi may pasok pa bukas. Tama naman ang Itay.

Pagdating 'ko sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto 'ko. Hindi 'ko na inabala ang sarili 'ko na maglinis ng katawan kasi hinila na ako nang antok.





























"Kiya! Ano ka bang bata ka bumangon ka na! Magluto ka ng agahan kasi may pasok pa kayo!"

Napamulat ako galing sa pagtulog dahil sa sigaw na narinig 'ko galing sa kusina. "Opo Itay, bababa na po ako."

Mabilisan akong naligo at nagbihis kasi ayokong malate sa school. Gusto 'kong ayusin ang pag-aaral 'ko dahil huling taon 'ko na ito. Ayokong may bahid na late o absent dahil pagtapos na ang mga kapatid 'ko sa kolehiyo ay agad akong susunod.

Nang dumating ako sa kusina ay nadatnan 'ko si Itay na galit na sumalubong sa akin, "Agahan mo minsan ang pag-gising Kiya dapat alam mo na 'yan. Hindi na dapat pa ako sumigaw, masyadong masakit sa lalamunan." Sabi nito at umalis agad sa kusina.

Hinatid 'ko ito ng tingin at pagkatapos ay naghanda na nang agahan namin. Nagluto ako ng scrambled eggs, kanin at kape naman para kay Itay.

Narinig 'ko ang yabag ng mga paa pababa sa hagdanan, hudyat na paparating na ang tatlo 'kong nakababatang kapatid. Hinanda 'ko ang lamesa,

"Magandang umaga sa napakaganda 'kong Ate." Napangiti ako nang halikan ako ni Ivan sa pisngi.

"Good morning po." Bati naman ng pangalawa na si Jameson.

"Mukhang masarap ang breakfast natin ngayon ate ah, the best ka talaga." Napahagikik naman ako ng inulanan ako ng halik ni Tenious sa buong mukha.

"Siya, siya, tama na. Kumain na tayo para makapasok na tayo sa kanya-kanya nating paaralan." Ang tatlo 'kong kapatid ay nasa iisang paaralan na private school, doon kasi gusto ni Itay na pag-aralin sila para daw madaling matanggap sa trabaho. Si Ivan ay nasa grade 10, si Jameson ay grade 9 at ang bunso na si Tenious ay nasa grade 8.

Medyo may kamahalan ang tuition fee ng paaralan nila pero nakadiscount kami ng 50% kasi natanggap silang tatlo sa pinag-applyan nila na scholarship. Sobrang proud 'ko sa kanila kaya pagbubutihin 'ko ang pagtatrabaho 'ko para mabigyan sila ng quality education.

Sinimulan namin ang pagkain, nang matapos kami ay mabilisan 'kong hinugasan ang mga pinggan. "Kiya, tapos ka na ba diyan? Nasaan na iyong kape 'ko?" Narinig 'kong tanong ni Itay.

Pinunasan 'ko ang mga kamay 'ko at kinuha ang kape ni Itay sa lamesa at binigay sa kanya. "Umalis na kayo sa bahay at baka malate pa kayo." Tumango ako at tinawag ang mga kapatid 'ko.

"Ate, sigurado ka bang huling taon mo na ito sa pag-aaral? Pwede ka naman namin tulungan. Willing kami maging working student." Narinig 'kong sabi ni Ivan habang nakasakay kami sa tricycle. Magkatabi lang ang skwelahan naming apat.

Napailing ako, "Salamat Ivan pero huwag na. Magpokus kayo dapat sa pag-aaral niyo, di bale naman pagtapos na kayo, ako naman ang susunod." Binigyan 'ko siya ng matamis na ngiti pero parang hindi pa yata ito kumbinsido.

"We have to ask Tatay to reconsider his decision. Kailangan mo rin makatapos Ate." Napatingin ako kay Jameson at hinawakan ang kamay niya.

"Okay lang ang Ate promise!" Inangat 'ko pa ang isang palad 'ko, "Kayo muna ang uunahin 'ko, mas may tyansa kayong makagraduate na walang sabit kaysa sa akin."

"Matalino ka rin Ate, nakita 'ko kaya card mo nung minsang pumasok ako sa kwarto mo."

"Aba, aba at kailangan ka pa natutong pumasok sa kwarto ng iba na hindi nagpapaalam Ivan Liam Monsato?" Tinaasan 'ko ito ng kilay.

"Hehe, peace Ate. Wala naman akong kinuha eh, nakita 'ko lang yung card mo na nakalapag sa higaan mo, na curious ako kaya ako tumingin. Hindi 'ko hinawakan, promise!" Pageexplain nito habang nilalaro ang mga daliri nga mga kamay niya.

"Huwag mo na uulitin 'yon ha? Magpaalam ka muna." Pagsasabi 'ko rito. Mali kasi iyon, pero mabuti nalang din at umamin siya.

"Opo Ate. Galit ka po ba?" Tanong nito. Umiling naman ako bilang sagot, "Alam mo naman na hindi kayang magalit ni Ate sa inyong tatlo diba? Masyado kayong mahal ni Ate. Kahit ano pa ang magiging kasalanan niyo handa kayong patawarin at sawayin ni Ate. Hinding-hindi 'ko kayo tatalikuran."

Sobrang mahal 'ko ang mga kapatid 'ko. Ni minsan hindi 'ko pinatuunan nang pansin kahit mas pabor ang Itay sa kanila. Karapatan nilang mas mahalin ni Itay. Nung dumating ako sa pamilya nila at buhay pa si Inay, mailap na talaga si Itay at ayaw niya sa akin. Anak kasi ako ni Inay sa ibang lalake, kaya naiintindihan 'ko kung bakit may pagkastrikto sa akin si Itay.

"Andito na kayo Ineng, kwarenta kayong apat." Kinuha 'ko ang pera sa wallet 'ko sa binigay ito kay Manong.

"Salamat ho Manong, ingat po kayo pabalik." Tiningnan 'ko ang mga kapatid 'ko at inayos ang mga buhok nila.

Medyo nagulo kasi sa byahe, "Oh siya, magkita nalang tayo sa bahay ha? Text niyo ako pag nakauwi na kayo. Mahal kayo ni Ate." Isa't isa 'ko silang hinalikan sa pisngi.

"Ingat ka din Ate, see you when I see you sa bahay." Pagbibiro naman ni Tenious. Napatawa ako at kinawayan sila habang patungo sa gate. Hinintay 'ko na makapasok sila at pumatungo na rin ako sa aking paaralan.

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon