Kiya
"Kiya, nasaan ka bang bata ka? May customer dito sa labas!" Mabilisan 'kong tinaas ang short 'ko. Ano ba naman itong si manager pati sa pag-ihi minamadali ako. Pagkalabas 'ko sa cr ay dumiretso ako sa lababo at naghugas nang kamay.
"Ano po ang sa inyo Sir?" Tanong 'ko sa matandang customer. Ngumiti ito sa akin, kimi din akong ngumiti pabalik, "Ang ganda pala ni tindera dito, crinkles pala at slicebread ineng."
"Ilan ho?" Tanong 'ko ulit habang kumukuha nang pambalot.
"Limang crinkles at dalawang slicebread." Tumango ako at kinuha ang mga kailangan ni Sir.
"115 po lahat Sir." Binigyan niya ako ng 500 agad 'ko naman iyong sinuklian. Nang inilahad 'ko sa kanya ang pera ay sabay niya ring hinawakan ang kamay 'ko. Pilit 'ko itong inaalis pero mukha atang walang balak bitawan ni Sir.
"Sir, yung kamay 'ko ho, pakibitawan." Sabi 'ko sa kanya at hinihila na pabalik yung kamay 'ko.
"Ang ganda mong bata may boypren ka na ba ija? Gusto mo sa akin ka nalang? Ang kinis-kinis mo, pagnaging girlpren kita aalagan kitang mabuti." Lord, patawarin niyo po ako sa sasabihin 'ko pero ayoko pong makapangasawa o magkaboyfriend man lang ng isang matandang hukluban.
"Hehe, salamat nalang ho sa offer pero ayoko po okay na po ako na single. Hindi 'ko rin ho kasi kayo type." Sumimangot ito at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay 'ko, napangiwi naman ako dahil doon. Mukhang mali ata ang sagot 'ko.
"Aba't! Ang kapal mo din ah? Pasalamat ka nga't maganda ka at nagustuhan pa kita, isa ka lang namang tindera nang pipitsuging bakery shop na ito..." Naiiyak na ako dahil mas humihigpit ang hawak nito. nahihirapan din ako kasi mas mataas ang lagayan ng mga tinapay kaysa sa height 'ko.
Marami pa itong sinasabi pero hindi 'ko na pinakinggan at pinili 'ko nalang na ipikit 'yong mga mata 'ko. Hindi rin kami maririnig ni Manager kasi pag-ganitong oras natutulog 'yon ng naka earphones.
Bakit ba kasi nagagalit etong si Sir? Eh ayoko nga sa kanya, gusto 'kong magkaboyfriend nang pareha lang sa aking edad o mahigit pero hindi naman sobra. Siya kasi, hula 'ko sa edad niya ay nasa 50 at baka may asawa na din siya, balak pa ata akong gawing kabit. Wala 'yan sa mga pangarap 'ko sa buhay.
"What the fuck do you think you're doing old man?" Napamulat ako nang may marinig akong malalim na boses. Hindi 'ko masyadong makita kasi nakaharang etong lagayan ng tinapay.
"Huwag kang makialam dito! Baka gusto mong mabugbog?" Lumaki naman ang mga mata 'ko at buong lakas 'kong hinila ang kamay 'ko sa hawak ni Sir. Tagumpay 'ko naman itong nagawa, napaatras pa nga ako dahil sa lakas. Dali-dali akong pumunta sa harap nang bakery, malalagot ako kay manager kapag nag-away itong dalawa.
"Mga Sir tama na ho huwag na ho kayong mag-away." Pigil 'ko sa dalawa. Napatingin naman ako sa lalaking bago lang ang tingin. Hinagod 'ko ito ng tingin, nakasuot ito ng leather jacket na may white shirt sa ilalim at naka black men jeans. Tumungo ang tingin 'ko sa mukha nito, mayroon itong tattoo sa leeg at piercing ito sa labi at ilong.
"Putangina, makaalis na nga. Ang daming istorbo dumidiskarte lang ako eh." Agad umalis si Sir. Napatawa nalang ako. Napangiwi ako nang kumirot ang kamay 'kong hinawakan niya nang mahigpit kanina.
"Are you alright Miss?" Napalingon ako sa nagslita at nakita 'kong napalapit na pala ang lalaki sa akin. Tinitigan 'ko ang mukha niya, bakit parang pamilyar?
"That bastard left without even apologizing. The nerve of some men in this country." Hala, kilala 'ko siya siguradong-sigurado ako. Pareho silang may asul na mata.
"Sir Cinco? Kayo ho ba 'yan? Hindi niyo po ba ako nakikilala?" Kumunot ang noo nito. Mukhang nagtataka ata ito sa sinasabi 'ko. Makakalimutin pala ang isang Sir Cinco? Pero ang bilis naman ata? Two weeks palang 'yong nakalipas nung huli naming kita doon sa meeting.
"You know my little brother? I'm not Cinco, my name is Seis. Are you by any chance Kiya Andrei Monsato?" Ngumiti ako at tumango nang mabilisan.
Hinawakan nito ang mukha 'ko, "Hmm, my twin was right, en verdad eres una diosa."
"Kakambal ka po ni Sir Cinco? Kaya ho pala pamilyar ka, akala 'ko ikaw si Sir Cinco. Nagtaka lang ako kasi wala kang salamin at may tattoo ka rin sa leeg." Tumawa ito sinabi 'ko at hinapit ang baywang 'ko. Touchy rin ito katulad ni Sir Cinco.
"Pareho din kayong nagsasalita ng lenggwaheng hindi 'ko maintindihan baka mamaya nyan minumura niyo na po ako. Bakit niyo pala ako kilala?" Nakatingala 'kong tanong. Katulad ni Sir Cinco mataas din itong si Sir Seis.
"Cinco spoke about you, hermosa. Who would've thought that I'll meet you earlier than planned?" Gano'n? Bakit naman ako ipapakilala ni Sir Cinco sa kakambal niya?
Tinanggal nito ang kamay sa mukha 'ko at hinawakan ang kamay 'kong hinihilot 'ko kanina, "Does it still hurt? I'll make that bastard pay baby. I'll make sure he'll lose everything." Nakaigting ang panga nito habang maingat na hinahaplos ang kamay 'ko.
"Huwag na ho Sir Seis okay lang po ako. Hayaan niyo na po 'yon." Mga gano'ng tao dapat hindi na patulan, dadating din ang karma sa kanila.
"Are you sure that's what you want hermosa?" Tumango ako.
"If that's what my hermosa wants, pero si alguien te vuelve a lastimar hare de su vida un infierno." May binubulong ito pero hindi 'ko naman maintindihan. Kambal talaga sila, walang duda. Parehong mahilig bumulong sa hangin.
"Ano Kiya makikipaglandian ka lang diyan? Wala ka nang plano magsara nitong bakery shop? Baka gusto mong palitan na kita?" Pareho kami ni Sir Seis na napalingon kay Manager, patay mukhang tumunig na alarm niya. Hindi 'ko man lang namalayan ang oras.
"Saglit lang po Manager," Lingon 'ko si Sir Seis, "Salamat po pala Sir Seis, pwede na ho kayong umalis. Ay may bibilhin ho kayong pandesal?"
"No, I happened to pass by and good thing that I did. You can go, I'll wait for you here, ihahatid kita sa inyo." Nagulat naman ako sa pahayag niya.
"Nako, huwag na po Sir walking distance lang namin yung amin dito." Umiling pa ako at kinumpas ang mga kamay 'ko sa ere.
"I will not accept no as an answer. Close the shop and I'll walk you home." Maigi nitong pahayag. Akmang tututol ako nang tinawag ako ulit ni Manager wala na akong nagawa kundi pumatungo sa kanya.
"So, you're telling me that you do this almost every night? Walking in the streets alone is fucking dangerous hermosa." Naikwento 'ko kasi sa kanya itong tungkol sa trabaho 'ko kaya heto siya ngayon magkasalubong ang dalawang kilay at galit na galit.
"Okay lang naman Sir Seis sanay naman na ho ako." Ilang buwan na kaya ako sa bakery shop nagtatrabaho, salamat sa Diyos at wala pa namang nangyaring masama sa akin habang naglalakad pauwi.
"This won't do, from now on I'll walk with you." Napahinto ako sa paglakad at hinarap si Sir Seis.
"Ayaw 'ko po, okay lang po ako promise." Tinaas 'ko pa ang kanan 'kong kamay para kapani-paniwala.
Umiwas ito ng tingin habang namumula ang tainga, "tan jodidamente linda..."
"Guess I can't talk you into it, huh baby? Well, here's my card and that's my number. Make sure to contact me if you want company okay?" Tinanggap 'ko ang card ni Sir Seis, iba 'yong design nito kumpara kay Sir Cinco. Kay Sir Cinco ay picture nang eskwelahan habang puro kotse at motorsiklo naman ang disenyo kay Sir Seis.
"Andito na po tayo Sir. Salamat po sa pagsabay sa akin." Bigla nitong hinatak ang batok 'ko at hinalikan ang mga labi 'ko. Agad naman akong naalarma at tinulak ito.
"Fuck, I'm sorry baby. Your lips are tempting me, I lost control." Sabi nito.
"First kiss 'ko 'yon Sir Seis, nakakainis naman. Sana nagpaalam ka, huwag ka pong mang gulat." Natigilan ito sa sinabi 'ko at tumawa. Doon ako natauhan, namula ako at nagmamadaling tumakbo papuntang bahay.
"Next time I'll ask permission hermosa." Narinig 'ko pang sabi nito pero hindi na ako lumingon pa. Jusko, nakakahiya ka Kiya.
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...