Kiya
Bakit kamukha 'ko ang nasa larawan?
Mula sa ilong, bibig, buhok pati ang aking ngiti ay kapareho din nung sa kaniya. Eto ba 'yong tinatago nina Sir Seis at Sir Cinco? Kaya ba galit na galit si Sir Seis sa akin hanggang ngayon?
"Bebita? What are you doing here?" Napalingon ako sa likod kung saan 'ko narinig ang boses ni Sir Cinco.
Kinakabahan man ngunit pinilit 'ko ang aking sarili upang magsalita, "Eto ba? Eto ba ang ayaw niyo na makita 'ko Sir Cinco?"
Lumapit ito sa akin at pinaupo ako sa kama. "Let me explain first babe, okay?" Saad nito habang nakaluhod sa aking harapan habang ako ang nakaupo sa kama.
Tahimik 'ko lang siyang tinitingnan, kinuha nito ang telepono at may tinawagan. "Come home, now!" Agad nitong binaba ang tawag at ibinalik sa akin ang kaniyang atensiyon.
"Let's wait for Seis first bebita. We will both explain things to you, okay?" Marahan akong tumango. Ayokong maging one sided, kailangan 'kong marinig ang paliwanag nila saka na akong magdedesisyon kung ano ang gagawin 'ko kapag narinig 'ko na ang explanasyon nila.
Ilang minuto ang nakalipas ay pawisan na dumating si Sir Seis. Nagulat ako ng bigla akong niyakap ito at hinalikan ang buhok. Nakita 'ko namang umalis si Sir Cinco sa puwesto niya at ang pumalit no'n ay ang kapatid niya.
"Please don't leave us hermosa. Please..." Paulit-ulit nitong binabanggit ang salitang please habang nakahawak nang maigi sa aking dalawang kamay.
Bumuntonghininga ako at nilingon si Sir Cinco na nakaupo sa aking gilid, "Please explain." Saad 'ko dito.
Tumango ito at inayos ang salamin, "The girl in the picture is our late wife. She died of an illness three years ago. We've been together for five years, including our two-year relationship before we got married." Pagsisimula nito. Napatingin ako sa larawan, naiiyak ako. Ang babaw 'ko, nagseselos ako sa babaeng patay na. Nagseselos ako dahil naging asawa nila ito. Oo nga't kamukha 'ko ito pero magkaiba pa rin kami nang katauhan.
"When we were strolling around in your province we met you..." Nabaling ang tingin 'ko kay Sir Seis nang magsalita ito, "You were a waitress in this new cafe. You actually served us."
Oo nga pala. Nung minsan may nagbukas nang cafe doon pero kalaunan ay nagsara rin pero ang tagal na no'n ah? Mahigit dalawang taon nang nakalipas.
"That day was our wifes' first death anniversary. When we saw you, we thought Valerie was still alive. Since that day, we started following you." Lumingon ito kay Sir Cinco.
"I don't know if its a coincidence but the school that I owned is one of the reasons why we really knew about your life. Your brothers' were my students, I know it's creepy but we also took advantage of that."
"So, sa madaling salita naka plano na pala itong lahat? Ang pagkikita natin? Itong relasyon natin? Pati ba 'yong kay Itay ay may kinalaman din kayo?" Pinaglaruan nila ako nang dahil lang sa kamukha 'ko ang yumao nilang asawa.
"No, hermosa. We investigated your life because we want to know you better. Although we knew some of the illegal things that your father did, we chose not to mind it because we were focusing on you." Page-explain ni Sir Seis habang hinahalikan ang aking dalawang kamay.
"Minahal niyo ba talaga ako o baka dahil lang kamukha 'ko ang namatay n'yong asawa?" Kaya pala nung unang magkita kami ni Sir Seis ay may binanggit siya na medyo napaaga ang pagkikita namin. Hindi 'ko 'yon pinansin kasi akala 'ko wala lang.
Nagtinginan silang dalawa dahil sa tanong 'ko. Mas humigpit ang hawak ni Sir Seis sa mga kanay 'ko habang kumuyom naman ang kamay ni Sir Cinco, "At first we just wanted you because of your face..."
Kinagat 'ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking paghikbi, sunod-sunod na kumawala ang mga luha na kanina 'ko pang pinipigilan.
"But bebita, we learned to love you. We learned to love you as Kiya, not as Valerie." Dagdag pa nito pero hindi ako nagsalita. Hindi 'ko alam kung paniniwalaan 'ko ang mga lumalabas na salita sa kanilang mga bibig.
Naramdaman 'kong bumasa ang aking mga kamay. Tiningnan 'ko si Sir Seis na nakapatong ang ulo sa ibabaw ng aking mga kamay habang gumagalaw ang balikat nito dahil sa pag-iyak.
Bakit ba siya umiiyak? Dapat ako lang ang umiyak, ako 'yong pinaglaruan nilang dalawa dito.
"Eh 'yong libro? Anong laman nung libro?" Kahit nahihirapang huminga dahil sa sakit na aking nararamdaman pinilit 'ko paring magtanong. Gusto 'ko malaman lahat-lahat para isang sakitan na lang.
"Me and Seis made that. It was a gift for Valerie on our first year as a married couple. The book is composed of our courtship up until the day that she married us." Ang swerte pala ni Valerie. Talagang ginawan pa siya nang libro nang kambal.
"Ang effort niyo pala." Napasinghot pa ako nang aking sipon habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
"Please baby, we're sorry that we hid it from you for a long time but everything we showed you since the day that we met you was all true. We love you, Kiya. We love you more than you love yourself. Also, I'm sorry for not reaching out to you after what happened to us. I got shy and thought that maybe it's better to let you be since I got mad at you. I know it's a pointless excuse pero mali pa rin ako no'n. Hindi kita dapat sinigawan, you were curious and instead of answering you, I dismissed you in a rude way. I'm sorry baby." May iilang luha pang tumutulo sa mga mata nito habang sinsabi ang mga 'yon pero wala akong makapang salita sa aking bibig.
Tumango nalang ako upang matapos ang usapan. Alam 'ko na kailangan 'kong mag-isip nang mabuti. Ang ayaw 'ko sa lahat ay 'yong pinaglalaruan ako, mabait akong tao pero hindi ako papayag na manipulahin lang ako. Nagawa na akong manipulahin ni Itay ayoko nang maulit pa iyon.
Tinigil 'ko ang aking pag-iyak at tiningnan silang dalawa. "Patunayan niyo na ako talaga ang mahal niyo ngayon at hindi na si Valerie."
____________________
Threesome na ba next? Char.
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...