Five

5.3K 107 10
                                    

Kiya

"Thank you everyone. Have a good day." Saad ni Sir Cinco. Kakatapos lang ng meeting namin na mahigit dalawang oras ang itinagal. Nilingon 'ko si Ivan na busy sa cellphone.

"Tara na? Nag-aantay na ang mga kapatid mo sa ibaba." Pag-aaya 'ko sa kanya. Baka gutom na rin 'yon kasi 5pm na, magluluto pa pala ako ng hapunan namin.

"Miss Monsato?" Napalingon ako kay Sir Cinco nang tinawag niya ang pangalan 'ko. Sinenyasan 'ko si Ivan na mauna na munang lumabas at hintayin ako sa may pintuan ng classroom.

Lumapit ako sa kinaroroon ni Sir, "Ano po 'yon Sir?" Tanong 'ko.

Inayos nito ang salamin at sumandal sa kan'yang swivel chair. "May I ask what your age is and what school you are from?"

Kumunot ang noo 'ko, akala 'ko tungkol sa ito grades ni Ivan o ano. Personal questions lang pala, "Diyan lang po ako sa Probinsya Public School po at 18 years old na po ako."

Tumango-tango ito na para bang iniintindi ang sinasabi 'ko. Namula ako ng inangat nito ang tingin at tinitigan ang mga mata 'ko. Bakit kasi ang gwapo nitong si Sir Cinco.

"So, you are on your last year at highschool? Would you like study here for College?" Nagulat ako sa inoffer niya. Akmang magsasalita ako nang maalala 'ko ang sinabi ni Itay. Kailangan 'ko pa palang tumigil ng ilang taon para makatapos ang mga kapatid 'ko ng una sa akin.

Ngumiti ako at umiling, "Thank you po Sir pero wala ho kaming pangbayad ng tuition dito. Kailangan 'ko pong huminto muna sa pag-aaral para tulungan ang Itay 'ko na makalikom ng pera para sa edukasyon ng mga kapatid 'ko." Tsaka gustuhin 'ko man baka magalit pa si Itay. Mahal 'ko ang pag-aaral pero kung nagdesisyon na si Itay dapat lang sundin 'ko.

"You can apply for a scholarship here. Once a year, starting this upcoming school year, the board and of course me, decided to offer a full scholarship for one student that deserves it. On the contrary, that student has to take an exam to prove their worth. Do you want to give it a try bebita?" Nilahad nito ang kamay na para bang nakikipagpustahan sa akin.

Kinagat 'ko ang labi 'ko, hindi naman siguro masamang sumubok diba? Pwede 'ko naman siguro itong isekreto kay Itay. Ngayon lang, kahit ngayon lang gusto 'kong pagbigyan ang sarili 'ko. Dahan-dahan 'kong inilagay ang kamay 'ko sa kamay ni Sir Cinco, ngumiti ito at inilapit ang kamay 'ko at binigyan 'yon ng halik.

Mabilisan 'ko itong binawi at ibinaling ang tingin 'ko sa ibaba. May narinig akong ingay at may naramdamang presenya sa gilid 'ko, "Face me bebita."

Dahan-dahan 'kong ginalaw ang katawan 'ko sa gilid at nakita ko si Sir Cinco na nakatayo. Hinawakan nito ang baba 'ko at inangat ang mukha 'ko, maigi 'kong tinitigan ang mukha niya. Mayroon siyang asul na mata na para bang kulay ng langit, mapupulang labi na mahahalintulad sa rosas at mga kilay niya na makapal.

Lumunok ito habang nakatitig sa akin, "Fuck, why are so beautiful babe? eres tan frágil, quiero romperte." Lumakbay ang kamay nito sa labi 'ko at hinaplos 'yon, "I wanna kiss you so bad."

Hindi 'ko alam kung anong nangyayari sa akin para akong nahipnotismo sa mga titig ni Sir Cinco. Inilapit niya ang mukha hanggang sa kaunti nalang ang distansya na natira, "Can I kiss you bebita?" Tanong nito.

Marahan akong tumango, ipinikit ko ang mga mata 'ko at may naramdaman akong dumampi sa pisngi 'ko. Napamulat ako ng tingin, lumayo si Sir Cinco at ngumisi.

"As much as I want to kiss you on the lips right now I can't. A kiss in the cheek will do, for now." Doon ako natauhan sa sinabi niya. Nag-expect pa talaga ako na sa labi niya ako hahalikan, nakakahiya. Baka sabihin niyang easy to get akong babae.

"Ate, matagal pa ba? Uwi na tayo nagchat na sa group chat sina Jameson at Tenious, gusto na daw nila umuwi." Saad ni Ivan na nakapameywang na tumayo sa may pintuan.

"Your brother is in a hurry might as well go home now Miss Monsato. If you ever change your mind, text the number in this card." Kinuha 'ko ang card na inilahad niya sa aking harapan.

"Salamat ho Sir Cinco, mauna na po kami." Paalam 'ko sa kanya at mabilisang lumakad paalis, hindi na ako lumingon pa.

"Ate, teka lang!" Tumigil ako sa paglakad ng mabilis at hinintay si Ivan, "Sa liit mong 'yan masyado ka atang mabilis maglakad Ate. May nangyari ba doon sa loob? Ano sinabi ni Dean?"

Pumikit ako upang pakalmahin ang puso 'kong sobrang bilis ang tibok na para bang nakikipagkarera. Hinarap 'ko si Ivan at sinagot, "Wala naman, sabi ni Dean okay lang ang lahat. Maghanda ka lang daw para sa completion niyo." Hindi ako sanay magsinungaling pero maliit lang naman ito, alangan naman sabihin 'ko sa kanya na hinalikan ako sa kamay at pisngi ng Dean nila.



















"Thank God, nakauwi na rin tayo. Ate, manunuod ako ng tv ha?" Paalam sa akin ni Tenious, bago pa ako makapayag ay agad itong tumakbo at kinuha ang remote para mapa on ang tv.

Nakangiti akong umiling, "Jameson, Ivan magbihis muna kayo kunan niyo na rin si Tenious ng t-shirt sa taas." Tumango silang dalawa at pumatungo sa itaas.

Kinuha 'ko naman ang dala 'kong bimpo sa bag at nilapitan si Tenious, "Bunso dito ka kay Ate, pupunasan 'ko ang likod mo kasi sobrang pawis na." Lumapit ito sa akin at umupo ng patalikod. Maigi 'ko itong pinunasan. Nang matapos ako ay timing rin na nakababa na sina Jameson at Ivan dala ang shirt na pinakuha 'ko.

"Here Tenious, change your shirt first before doing anything." Binato ni Jameson ng pabiro ang shirt kay Tenious, napasimangot naman si Tenious dahil doon. Ayaw na ayaw kasi nito ang ganoon na gawain.

Napatahimik ako at nag-iisip kung sasabihin 'ko ba sa mga kapatid 'ko ang napag-usapan namin kanina ni Sir Cinco. Alam 'ko naman na kakampi 'ko ang mga kapatid 'ko pero baka madamay sila sa gagawin 'ko. Baka pagalitan din sila ni Itay pag-alam nila ang nangyari kanina. Pero mga kapatid 'ko sila eh, ayoko maglihim sa kanila.

"Are you okay Ate?" Tanong ni Jameson. Napansin niya ata ang pananahimik 'ko.

"Yes, okay lang si Ate. May iniisip lang ako."

"Tungkol ba diyan kanina Ate? Ano ba ang inalok ni Dean sa'yo?" Nagulat ako sa turan ni Ivan. Narinig niya ang pinag-usapan namin? Ibig sabihin kung narinig niya, napasinghap ako, nakita niya rin yung hinalikan ako ni Sir Cinco?

Mukhang wala na akong takas, masyadong matalino ang mga kapatid 'ko. "Inalok ako ni Sir Cinco na mag-apply ng full scholarship nila. Bago daw 'yon at next school year sisimulan."

"That's great news Ate. You should apply, you have a brilliant mind might as well use that." Brilliant mind? Gano'n ang pag-aakala ng mga kapatid 'ko?

"Hindi matalino si Ate alam niyo 'yan." 'Yan ang itinatak ni Itay sa isipan 'ko kaya 'yan din ang pinapaniwalaan 'ko.

"Hindi 'yan totoo. Nung minsan nakita namin paano ka magsolve ng mathematical equations na algebra ata 'yon, na solve mo nga halos lahat ng problem nang nasa libro." Sabat ni Tenious. Nung oras kasi na 'yon ay sobrang bored 'ko kaya napagdesisyunan 'kong humiram ng algebra book sa library sa school.

"Hindi lang 'yan bunso adik din si Ate sa science, baka mamaya plano nitong magscientist sa sobrang daming iba't ibang klaseng libro na nasa kwarto niya na related to science and mathematics." Napataas ako ng kilay, ilang beses bang nakapasok itong mga kapatid 'ko sa kwarto 'ko ng di 'ko nalalaman?

"Accept Dean's offer Ate." Pagpupush pa sa akin ni Jameson.

"Pag-iisipan 'ko." Marami pa naman oras. Kailangan pag-isipan 'ko itong mabuti. Napatingin ako sa orasan, malapit ng mag 6pm.

"Magluluto muna si Ate, tatawagin 'ko lang kayo pag kakain na." Pumunta akong kusina at naghanda. Hay, ang daming nangyari ngayong araw. Nahalikan na din ako kahit sa pisngi lang. Bakit kasi ang gwapo mo Sir Cinco.

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon