Kiya
"Good work today guys, see you tomorrow!" Napangiti ako nang matapos ang araw ko sa trabaho. Kasalukuyan akong nagwa-waitress sa isang restaurant dito sa amin. Kahit minimum 'yong sweldo okay lang kasi pinagkakasya 'ko din naman 'yon sa aming magkakapatid.
Sa loob nang dalawang buwan ay naging maayos naman ang pamumuhay naming magkakapatid. Nagsimula na rin ang pasukan nung tatlo. Totoo nga na wala na silang bayarin kaya yung allowance nalang nila ang ibinibigay 'ko.
Sa loob nang dalawang buwan ay wala man lang kambal na nagparamdam sa akin. Aamin 'ko na namimiss 'ko sila pero hindi 'ko pa rin sila tuluyang napapatawad sa panloloko at pagmamanipula nila mula sa aming pagkikita hanggang sa pagtago ng isang sikreto.
Mabilisan 'kong pinara ang tricycle na dumaan sa karsada. Tahimik lang ako habang naghihintay na makarating sa aming bahay. Alam 'ko rin na tapos na ang class hours ng tatlong 'kong kapatid parehas lang kasi kami ng out.
Binigay 'ko kay Manong ang aking pamasahe at pumasok sa aming munting tahanan. Mukhang hindi pa nakarating ang aking mga kapatid dahil naka lock pa ang bahay.
Nilagay 'ko ang aking bag sa upuan ng sala at pumatungong kusina. Kailangan 'ko magluto ng kanin para sa aming hapunan mamaya.
Pagkatapos 'kong linisin ang kanin ay nilagay 'ko na ito sa stove. Kinuha 'ko ang aking bag at pumatungo sa aking kwarto upang magbihis ng pangbahay.
Agad akong bumaba nang marinig 'kong bumukas ang pintuan, "Ate Kiya, andito na po kami." Narinig 'kong sabi ni Tenious.
Sinalubong 'ko silang tatlo nang yakap at halik sa pisngi. Tiningnan 'ko naman si Ivan na busy sa pagpipindot ng kaniyang telepono, "Sino ba 'yang katext mo ha Ivan? Jowa mo ba 'yan?"
Mukha itong naalarma dahil agad nitong tinago sa kaniyang likod ang telepono at umiling. "Wala akong girlfriend Ate, may inuupdate lang ako. Bihis lang po ako sa taas."
Tumakbo ito papuntang taas, nakakapagtaka talaga ang kinikilos nung batang 'yon. Minsan naman si Jameson ang nakikita 'kong sobrang busy sa kaniyang telepono. Baka may dinedate ang mga ito at ayaw sabihin sa akin. Nako, talagang malilintikan sila.
Okay lang naman maggirlfriend pero sana pag-18 na nila at dapat ipapakilala nila sa akin.
Nagkibit-balikat ako at pumunta sa kusina upang maghanda ng ulam. Nang binuksan 'ko ang aming cabinet ay nagtaka ako kung bakit puno na naman ito.
Ilang beses na itong nangyayari na para bang unlimited itong grocery namin. Hindi kaya'y may mahika itong cabinet?
Bumaling ako kay Tenious na umupo sa hapagkainan habang hawak ang kaniyang tablet. "Tenious, naggrocery ba kayo ulit? Bakit puno na naman itong cabinet?" Tanong 'ko rito.
Inayos nito ang pagkakatayo nang tablet niya, mukhang vivideohan na naman ako nito. Sabi niya kasi kailangan niya gumawa ng documentation, project daw nila at ako daw 'yong bida.
"Ha? Puno naman 'yan mula noon pa Ate, ang dami kaya nating binili n'ong huling grocery natin." Sagot naman nito habang may pinipindot na kung ano sa kaniyang tablet.
Hindi na ako muling nagtanong pa at kumuha ng mga sangkap para sa ulam na aming lulutuin. Pagkatapos maluto nang kanin at ulam ay ipinatawag 'ko kay Tenious ang kaniyang dalawang kuya upang sabay-sabay kaming kumain.
Habang kumakain kami ay naisipan 'kong sabihin sa kanila ang aking plano, "Plano 'kong dalawin si Itay sa kulungan, sino ang sasama?"
Biglang tumahimik ang hapag kainan. Mukhang hindi nila inaasahan ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Ngayon 'ko lang kasi ito nabanggit simula nung malaman 'kong nakulong siya.
Walang nagsalita ni isa sa kanila. Kahit ang bunso nang pamilya na si Tenious ay tahimik lang na kumakain.
"Alam 'kong masama ang loob niyo kay Itay, kahit ako masama rin pero Tatay pa rin natin siya. Bigyan natin siya ng huling pagkakataon para bumawi." Sabi 'ko sa kanila.
Baka kasi nagbago na 'yon dahil nakulong. Nangyayari naman 'yon diba? 'Yong iba nga parang ibang tao pagkatapos makalabas sa kulungan.
"Sasamahan kita Ate, baka ano pang gawin sa'yo ng gago na iyon." Napapikit nalang ako ng mata ng marinig 'ko na tinawag ni Ivan ng gago si Itay. Hindi 'ko rin naman siya masisisi.
"I'm sorry Ate pero hindi ako sasama. I'll stay with Tenious here. Baka masuntok 'ko lang ang matandang 'yon." Tumango ako at nginitian siya. Hindi 'ko siya pwedeng pilitin at alam 'ko rin na magkakatotoo ang sinasabi niya.
Kinabukasan ay pumatungo kami ni Ivan sa lugar kung saan kasalukuyang nakakulong si Itay.
Taimtim kaming naghihintay sa kaniya sa visiting area. Si Ivan naman ay nakasiklop ang dalawang kamay habang nakapatong ito sa lamesa. Kinakabahan ako dahil hindi maganda 'yong nangyari sa huling pagkikita namin ni Itay.
Nakita 'kong paparating si Itay at umupo ito sa tapat namin. Walang nagsalita sa amin kaya nagpasya akong mauna.
Kinuha 'ko ang dala 'kong mga pagkain at linapag 'yon sa lamesa, "Kamusta na ho kayo Itay? Pasensya na ho at 'yan lang ang nadala 'kong pagkain hayaan niyo po sa susunod, dadamihan 'ko pa." Sabi 'ko sa kaniya habang binigyan siya ng malaking ngiti.
"Bakit ba kayo nandito? At talagang sinama mo pa si Ivan, Kiya? Hindi ka ba nag-iisip?" Napayuko ako nang marinig 'yon sa kaniya.
"H-hindi naman ho Itay, gusto lang talaga namin dumalaw sa'yo." Sagot 'ko naman sa kaniya.
Tumawa ito, "Talaga? Eh baka nga ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nakulong dito eh! Tapos malalaman 'kong may manliligaw ka pala at dalawa pa. Ang landi mo!" Napapikit ako, hindi ako malandi. Alam 'ko sa sarili 'kong hindi ako malandi.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Ivan mula sa pagkakaupo at sinuntok si Itay, mabilisan naman lumapit sa amin ang iilang kapulisan na nakakita. Tinulungan 'kong awatin nila Ivan dahil hindi ito tumitigil sa pagsuntok kay Itay.
"Ivan, tama na! Dumudugo na 'yong ilong ni Itay, tama na!" Pero mukhang wala itong narinig at patuloy lang sinusuntok si Itay na nakahiga na ngayon sa sahig.
Nang maawat siya ng mga pulis ay yumakap ako sa kaniyang baywang upang pakalmahin siya, "Putangina mo!"
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago! Hindi malandi ang Ate ko, ikaw ang may puta dito kaya huwag mong ibaling kay Ate ang mga kahayupang ginawa mo! Siya ang gustong dalawin ka dahil nagbabasakali siyang nagbago ka na pero kahit ata mabugbog kita, hindi ka pa rin magbabago gago ka! Wala ka nang pamilyang babalikan dahil simula n'ong ginawa mo ang bagay na 'yon kay Ate ay kinalimutan na namin na Tatay ka namin! Mabulok ka dito, gago!"
Hinatak ako ni Ivan papalabas sa presinto, ni hindi 'ko man lang natingnan ang kalagayan ni Itay. Mali ang ginawa ni Ivan pero tama siya. Hindi na ata magbabago si Itay.
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
Fiksi UmumSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...