Four

5.1K 133 20
                                    

Kiya

"Ate, tapos ka na po? Aalis na daw po tayo sabi ni Tatay, nagpatawag na din po siya ng tricycle para sa ating apat!" Sigaw ni Tenious mula sa baba. Nagmadali akong maglagay ng maliit na notebook at papel sa aking bag, isusulat 'ko mamaya kung anong mga importanteng tinalakay sa meeting. Masyado kasi akong makakalimutin.

"Opo bunso, pababa na si Ate!" Sigaw 'ko pabalik. Humarap ako sa salamain sa huling pagkakataon at tiningnan ang suot 'ko.

Nakasuot ako ng maputi na off shoulder dress lantad na lantad ang maputi 'kong mga balikat na hanggang hita ang haba, ito lang kasi yung nakita 'ko sa cabinet 'ko na medyo ayos pa. Kailangan 'ko na atang bumili sa ukay-ukay ng bagong mga damit. Masyado na kasing luma yung iba at may mga butas pa dahil kinakain ng mga daga.

Inayos 'ko ang buhok 'ko sa isang ponytail at naglagay din ako ng konteng kolorete sa mukha. Sinampal-sampal 'ko ang pisngi 'ko upang pumula at binasa ng laway ang labi 'ko para hindi masyadong dry.

"Ate!" Sigaw ulit ni Tenious. 

Nagmadali akong bumaba at nadatnan 'kong naghihintay sa akin ang tatlo sa sala. "You look so pretty Ate." Puri sa akin ni Jameson.

"Kaya pala natagalan ka Ate ha, masyado kang nagpaganda." Tukso sa akin ni Ivan at binigay ako ng nakakapanuksong tingin.

"Ewan 'ko sa inyo, tara na at baka malate pa tayo sa meeting. Nga pala, nasaan ang Itay?" Hindi 'ko kasi nakita si Itay ng bumaba ako.

"Papasok na daw siya sa talyer Ate, masyado ka kasing matagal bumaba kaya nauna na siya at pinabilin niya rin na bukas pa siya uuwi kasi marami daw sasakyan ang kailangan nilang ayusin." Pagpapaliwang ni Ivan. 

Huwag sana masyadong pagurin ni Itay ang katawan niya. May edad na siya kaya kailangan niya ng maayos na pahinga baka kasi anong mangyari sa kanya pag-inabuso niya ang katawan niya.

May narinig kaming busina sa labas kaya agad kaming umalis sa bahay. Sinara 'ko ng maigi ang pinto at ang maliit naming gate at pumasok sa trycicle.

















Pinagpag 'ko ang suot 'kong dress at inayos ang buhok 'ko na nagulo sa byahe. "Ate, dala mo po ba yung identification card niyo at yung meeting note na pinapirma namin sa'yo nung nakaraan?" Tanong sa akin ni Ivan, tumango ako at kinuha ang mga ito sa bag 'ko.

Lumakad kami papuntang gate, "I.d Miss at yung note?" Pinakita 'ko sa kanya at kailangan, binalik-balik niya ang kaniyang tingin sa I.d 'ko at mukha 'ko. Nagtaka naman ako sa inasta niya.

"May problema ho ba Kuya?" Tanong 'ko. Binalik niya sa akin ang I.d 'ko at namula ang tainga. 

"Hala kuya! Okay lang ho ba kayo? Bakit po namumula ang tainga niyo?" Inilapit 'ko ang palad 'ko sa leeg niya at pinakiramdaman 'yon.

"Hindi ka naman po nilalagnat." Saad 'ko.

"The guard finds you beautiful Ate, let's go." Hinatak ako ni Jameson papuntang school gym at iniwan ang guard roon na nakayuko na ang ulo.

Nang makarating kami sa gym, pinaupo niya ako. Nasa pinakaharap kami, nakakaloka itong batang 'to dito pa talaga niya napiling umupo eh ang dami pa namang bakante sa likod.

"Jameson, bakit pa tayo dito nakaupo? Nakakahiya, lipat tayo doon sa likod." Ayoko talaga sa harap nako-concious ako at hindi din ako sanay.

"We like it here Ate and besides, if we choose to seat in the back, baka ma distract lang tayo." Okay? Napabuntong-hininga ako, wala akong choice eh. Ilang minuto pa ay nagsidatingan ang iba pang mga guardian kasama ang kanilang mga anak.

"Thank you for coming everyone. Please be seated on the chairs provided. On this moment, this meeting shall begin. May I welcome the dean/owner of the escuela Internacional (international school) Professor Cinco Javier Holguin, everybody a round of applause please." Tumayo ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng salamin, may maliit na hikaw sa dalawang tainga, medyo magulo ang buhok na para bang sinadya, nakasuot ito ng itim na polo na nirolyo hanggang siko at nakaslacks na dark blue.

Pumalit ito sa tinayuan ng host kanina at hinarap ang madla. "The students will be having a recognition next week specifically, Monday while the completion and graduation will be followed on Tuesday. As the monitor shows, these are the plans that were decided by the board and the faculty..." Taimtim itong nagpapaliwanag habang sinusulat 'ko naman yung mga dapat tandaan.

Maigi akong nakikinig sa kanya at ngayon 'ko lang napansin na ang gwapo niya pala. Hindi 'ko inakalang may lalaking ganito ka gwapo. Seryoso itong nagpapaliwanag habang inililibot ang paningin niya sa mga tao. Bigla akong naalarma nang nagtama ang paningin namin.

Napatigil ito sa pagsalita, mas lalo akong namula at yinuko ang ulo 'ko. Nakakahiya, nakita niya atang nakatitig ako sa kanya. "Ate, okay ka lang po ba?" Napaangat ako sa tanong ni Ivan. Tumango ako at binaling ulit ang atensiyon 'ko sa harap.

Nakatingin pa rin ito sa akin, iniwas 'ko ang tingin 'ko at tumingin sa monitor. Ramdam 'ko pa rin ang pagtitig nito pero hinayaan 'ko nalang.





















"Malayo pa ba tayo Ivan? Pagod na ako, bakit kasi ang dami ng hagdan dito." Kanina pa kami palakad-lakad ni Ivan. Sabi niya medyo may kalayuan pa daw yung room nila sa school gym. Sinubukan namin yung elevator pero okupado na ang tatlo kaya mas pinili naming mag hagdanan.

"Sorry Ate, malapit na talaga promise. Andito na nga tayo sa floor namin eh. Lakad pa tayo ng kaunti." Nauna ito habang nakasunod naman ako sa kanya. Sina Jameson at Tenious ay humiwalay pumunta sa kanya-kanya nilang mga barkada. Maghihintay nalang daw sila doon sa baba. Pinauna 'kong pauwiin pero ayaw nila kasi sabay daw dapat kami. Hinayaan 'ko na at binigyan ng pera para naman makabili sila doon ng snacks, ang dami kasing food stalls dito.

"Andito na tayo Ate." Lumaki ang mata 'ko ng mapagtanto 'kong late na kami. Andito na halos lahat at magsisimula na yung lalaki sa harapan ng dumating kami.

"We apologize for being late Dean." Teka, Dean? Isa lang yung dean dito ah. Tumingin ako sa harap at nakita 'ko si Sir Cinco. Kiya, kahit talaga kailan, nakakahiya ito.

"It's okay Ivan, you may both take a seat." Kinuha ni Ivan ang kamay 'ko at sabay kaming umupo sa upuan.

"Kindly fill this form up Miss?" Kinagat 'ko ang labi 'ko at hinarap si Sir Cinco na kasalukuyang nasa harapan 'ko. Nakahawak ito ng dokumento at linagay ito harap 'ko.

"Kiya po Sir Cinco." Sagot 'ko. Kinuha 'ko ang ballpen mula sa bag 'ko. Pagkatapos ko itong fill-upan ay binigay 'ko ito sa kanya.

"Kiya Andrei Monsato? Hmm, un nombre bonito para una bebé bonita." May binulong ito pero hindi ko narinig.

"Ano ho 'yon Sir?" Tanong 'ko. Baka may mali yung sinulat 'ko?

Inayos nito ang suot na salamin, "Thank you Miss Monsato." Umalis ito at bumalik sa harap. Gano'n lang? Baka siguro namali lang yung pandinig 'ko.

Nagsimula na ang meeting, taimtim akong nakikinig habang pasulyap-sulyap 'ko namang tinitingnan si Sir. Ang gwapo niya pag-seryoso siyang nagtatalakay sa harapan. Iniling 'ko ang ulo 'ko, Kiya, focus.

"Yes Miss Monsato? Do you have any concerns?" Nagulat ako nang mabaling sa akin ang atensiyon ni Sir Cinco.

"Wala ho Sir, okay po lahat. Continue lang po kayo." Sagot 'ko at ngumiti.

Umiwas ito ng tingin, "a la mierda esa sonrisa.

Nagtaka ako, malinis naman ang ngipin ko ah. Nagtoothbrush kaya ako kanina bago pa kami umalis. Nagkibit-balikat nalang ako bumalik sa pakikinig. 

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon