Three

5.5K 124 8
                                    

Kiya

Sabado na ngayon at walang pasok sa skwelahan habang day off 'ko naman sa part time job 'ko. Sobrang bait nang amo namin kasi pagweekends pinapapili kami kung gusto ba naming magtrabaho o hindi, may iba kasing set ng part timers na weekends yung pinipili nila upang magtrabaho because of school reasons. Mostly sa mga nagduduty dito ay yung mga undergrad na nasa huling taon na nila.

Yung ibang mga kasama 'ko walang pasok pero ako mas pinili 'kong sabado lang kasi eto yung araw na pupunta ako sa palengke. Ubos na kasi yung stock namin na karne at pagkain. Tiningna 'ko ang wallet 'ko at nakita 'kong mga tatlong libo pa ako.

Sakto na siguro yung dalawang libo para sa dalawang linggo naming budget sa pagkain habang yung isang libo ay one week na baon ng mga kapatid 'ko. Mabuti nalang at matatanggap 'ko yung sahod 'ko next week.

"Kiya, eto isang libo. Idagdag mo 'yan sa budget. Ngayon katapusan magbibigay ulit ako pag nakuha 'ko na yung sweldo 'ko kay pareng Domeng." Sabi ni Itay at nilahad sa akin ang dalawang 500. Kinuha 'ko ito at nilagay sa wallet 'ko.

"Salamat ho Itay. Sasama ho ba kayo sa pamamalengke?" Minsan sumasama ang Itay upang tulungan akong magpili ng mga karne at tumawad na rin sa mga presyo. Kilala kasi si Itay dito sa probinsya, nung kabataan niya ay maraming humanga sa kanya dahil sa taglay nitong ka gwapuhan.

"Hindi na, may raket ako ngayong araw. Pupunta ako sa talyer balita 'ko kasi ay may dumating na dayo galing sa ibang bansa na nagpapagawa ng mga sasakyan niya. Mabuti na 'yon at may mapagkakitaan ako ngayon lalo na't graduating ka na at malapit na rin ang completion ng kapatid mong si Ivan." Saad nito habang inaayos ang mga dadalhin niyang mga gamit papuntang talyer. Mukhang bukas pa ata siya uuwi kasi may bitbit siyang mga damit.

"Bukas pa ako makakauwi, huwag na huwag kayong gagawa ng kalokohan habang wala ako dito sa bahay. Naintindihan mo ba Kiya?"

"Opo Itay, mag-iingat ho kayo." Umalis ito at sumakay sa dumaan na tricycle. Kumuha ako ng sako bag at pumanhik patungon palengke. Medyo may kalayuan itong palengke sa bahay namin.

Nang makarating ako sa pelengke ay agad 'kong inilibot ang paningin 'ko sa isdaan. "Ale magkano ho itong bangus?"

"250 isang kilo Ineng." Sagot nito habang pinapakita sa akin ang mga bangus.

"Pabili ho ng isang kilo Ale at pakilinisan lang din po." Tumango at linisan amg mga isda pagkatpos ay tinambang at pinasok sa net bag. Bawal na kasi ang plastic bag dito sa bayan namin, mahigpit na ipnagbabawal 'yon ni Mayor kaya net bag ang alternate nila.

Kumuha ako nga one thousand pesos upang bayaran ang net bag at isda. Binigay ni Ale sa akin ang sukli, "Salamat ho."

Lumipat ako sa mga karne, lumapit ako sa aking suki, "Oh andito pala ang pinakamaganda sa aming bayan. Bibili ka ulit ng karneng baboy at manok Ganda?" Napatawa nalang ako sa tawag sa akin ni Manang Lucia.

"Opo manang kayo ho talaga, binobola niyo na naman ho ako." Inayos 'ko ang pagkakalagay ng isda sa net bag at pinasok ito sa sako bag na dala 'ko.

"Aba ganda hindi ako nangbobola ha, eto na oh. Pinasobrahan 'ko 'yan kasi maganda ka bonus pa yung suki kita. Pagbumibili ka dito palaging ubos ang paninda ko bago maghapon. Swerte mo talagang bata ka." Linya na ata 'yan ni Manang pagpumupunta ako dito, ipinagsawalang bahala 'ko na walang at tinawanan.

Binigay 'ko sa kanya ang bayad, "Salamat ho Manang Lucia sa susunod ulit."

"Halina kayo dito at bumili sa murang halaga!"

"Fresh pa 'to mga suki kaya bili na kayo!"

Ilan lang 'yan sa mga naririnig 'ko habang bumibili ng mga kailangan ko sa pagluluto. Ibang-iba talaga ang grocery store nung minsang pumunta ako doon para bumili ng gusto ni Tenious na Chuckie ata 'yon lumaki ang mata 'ko sa presyo. Bumili ako nang one liter kasi 'yon ang hiniling ni Tenious na birthday gift niya, kaya pinagbigyan 'ko na.

Pagkatapos kung mamili sa palengke ay pumunta ako sa maliit na terminal sa gilid ng palengke at sumakay ng tricycle. Natagalan din ako sa paglibot doon sa palengke kasi yung iba 'kong kailangan ay wala kaya lilipat pa ako ng ibang tindahan. Bumili na rin ako ng ulam namin dahil malapit nang mag-alas dose ng makarating ako sa bahay namin.

"Ate!" Napalingon ako sa sumigaw at nakita 'ko si Tenious na tumatakbo patungo sa direksyon 'ko habang nakasunod naman sa likod sina Ivan at Jameson.

Nang tuluyan na akong makababa sa tricycle ay kinuha ni Tenious ang mag pinamili 'ko galing palengke pero napangiti ako kasi hindi niya kayang dalhin kaya tinulungan siya ng mga Kuya niya.

Nang makapasok kami sa bahay ay dumeritso kami sa kusina. Napatingin ako sa mesa at nakita 'kong nakalagay na doon ang kaldero na may lamang kanin. Nakaayos na rin ang mga kagamitang pangkain.

"Nagluto na si Jameson ng kanin Ate habang hinanda 'ko ang mga gamit sa pangkain. Si Tenious naman ay matiyagang naghintay sa'yo sa labas." Sabi sa akin Ivan. Napakasaya nang puso 'ko sa narinig 'ko. Ang swerte 'ko talaga sa mga kapatid 'ko.

"Salamat po. Maupo na kayo at nakabili na ako ng ulam. Bumili ako ng fried chicken at kaldereta, alam 'ko kasi na miss niyo nang kumain nito." Napa 'yay' naman si Tenious habang pinasalamatan naman ako nina Ivan at Jameson.

Pagkatapos naming kumain at nagvolunteer si Ivan na maghugas ng mga pinggan habang ako ay inayos ang mga binili 'ko galing sa palengke. Maingat 'kong nilagay sa ref ang mga karne at nilagay sa shelf yung iba.

Pumunta ako sa sala pagkatapos, nadatnan 'ko si Tenious na maiging nanunuod ng tv habang nagcecellphone naman si Jameson. Tumabi ako kay Tenious at nanuod na rin ng tv.

"Ate, we forgot to tell you may gaganapin na meeting for our upcoming recognition and Ivan's completion doon sa school gym." Sabi sa akin ni Ivan.

"Sige pupunta ako, kailan ba 'yan?" Tanong 'ko. Ang bilis ng panahon lumalaki na talaga ng mga kapatid 'ko.

"This Monday, but you have school right?" Nag-aalala nitong saad. Oo nga pala may pasok ako, pwede naman siguro akong mag-absent isang araw lang naman at wala na rin masyadong gagawin kasi tinapos 'ko na lahat kahapon.

"Okay lang makakapunta si Ate, wala naman na akong hahabulin na deadlines at group works." Tumango si Jameson at ngumiti. Bigla namang dumating si Ivan at tumabi kay Jameson.

"Pagkatapos nang meeting sa gym Ate ay pumunta ka sa classroom namin, sasamahan naman kita kasi ibang meeting 'yon about completion fees at kung anu-ano pa." Dagdag ni Ivan habang relax na relax na nakaupo sa sofa.

"Okay, maiba tayo may award ba kayo? Para mapagsabihan 'ko ang Itay siguro akong matutuwa 'yon." Kahit hindi naman palaging ngumingiti ang Itay alam 'ko naman na masaya siya sa kung anong narating namin ngayon lalong-lalo na sa mga kapatid 'ko.

"May award ako Ate," Tawag atensiyon sa akin ni Tenious, "First honor ako sa klase namin, best in math, english, filipino at best in multi-language speaking." Proud nitong sabi habang nasa gilid ang dalawang kamay nito at pumikit pa na para bang nakaposing.

"Ang galing ng bunso namin, pakiss nga si Ate." Nilapit 'ko ang mukha ko sa pisngi niya at binigyan ito ng halik. Yumakap naman ito sa akin na para bang nahihiya, napatawa nalang ako, kahit kailan hindi pa rin nawala ang pagkamalambing niya.

"I am also the top one on our batch, same as Tenious I will also be awarded as best in multi-language speaking and I am the best in most of our subjects except History, I really suck at that one." Pagsha-share naman ni Jameson.

"Ako naman same-same lang din, pero best ako sa lahat ng subject 'ko." Kibit balikat nitong saad. Chill na chill itong nag-explain na para bang sobrang dali lang ng mga subjects niya.

"Ikaw ang valedictorian Ivan?" Gulat 'kong saad nang marealize 'ko ang sinabi niya.

"Tumpak Ate." Nako, sobrang matutuwa nito si Itay. Jusko lahat ng kapatid 'ko top one, nakakaproud.

"Congrats sa inyo, hayaan niyo magkakaroon tayo ng maliit na salo-salo dito sa bahay pagkatapos." Sobrang excited 'ko.

Ni kailan hindi ako dinisappoint nang mga kapatid 'ko kahit sinabi 'ko sa kanila noon na sapat na sa akin pagnakapasa sila, pero nilampasan nila at nakapasok pa sila sa pilot section.

Tiningnan 'ko ang larawan ni Inay sa gilid ng tv, Nanay narinig niyo 'yon? Sana proud ho kayo diyan sa langit.

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon