Nineteen

4.5K 97 5
                                    

Kiya

Nang matapos kaming maligo ni Sir Cinco ay agad kaming bumaba upang ihanda ang bbq na minarinate 'ko kanina. Nakita 'ko ang mga kapatid 'ko na pawang nagcecellphone sa sala habang si Sir Seis naman ay hindi 'ko makita.

Binalingan 'ko si Sir Cinco upang magtanong, "Nasaan po si Sir Seis?"

Tumungo ako sa ref at kinuha ang malaking bowl na may lamang mga baboy. Kinuha 'ko ang plastic na takip at inamoy, ang bango.

"He's at the library bebita. Do you want to get him?" Sagot nito.

"Sige po, pwede po bang paki handa ng sugbaanan? Para pagkatapos 'kong mag sugba nitong baboy ay makakain na tayo." Habilin 'ko sa kanya.

"Sure babe. I'll also tell Manang to cook rice and make a sauce for these. You go upstairs and fetch Seis." Saad nito. Tumango ako tumungo sa library.

Hindi na ako nag-abalang kumatok pa at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Nakita 'ko si Sir Seis sa tapat ng lamesa na busy sa kaniyang laptop.

"Sir Seis?" Pag-agaw pansin 'ko rito. Humarap ito sa akin at nginitian ako.

"My baby is awake. How was your sleep?" Tanong nito at tumayo.

Linapitan niya ako at binigyan nang halik sa noo.

"Okay naman po." Sagot 'ko rito at inilibot ang aking paningin sa library.

"What are you doing here hermosa?" Ay, Oo nga pala muntik 'ko nang makalimutan ang pakay 'ko sa kanya.

"Bumaba ka tulungan mo kaming maghanda ni Sir Cinco sa bbq na ginawa natin kanina. 'Yon yung ulam natin ngayong gabi." Inilibot 'ko ulit ang aking paningin sa library dahil para atabg may naiba. Parang may nawala?

"Oh right. I'll finish my papers first, okay? I'll follow you after 30 minutes." Ngumiti ako tumango sa tugon niya.

"Sir Seis, bakit parang may nawala atang libro dito sa library niyo?" Tanong 'ko. Nagtaka ito at hinagod ng tingin sabay iling.

"Everything is here baby, what are you talking about?" Hindi eh, kulang talaga. Wala 'yong puting libro, nag-iisa lang 'yon kaya imposibleng hindi 'yon mapansin.

"Sigurado ho kayo?" Lumapit ako sa lagayan nang libro na iyon at tinuro 'yon sa kanya, "May puting libro kasi dito na nakalagay tapos ESPOSA ata 'yong sulat no'n. Nasaan na 'yon Sir Seis? Tapos nung kinuha 'ko 'yong libro na 'yon may pintuan na biglang bumukas at nagpakita tapos kwarto pala 'yon na may malaking picture frame."

Mukhang natigilan ito sa sinabi 'ko dahil tumiim ang panga nito, "Did you saw it?" Tanong nito.

"Ang alin ho?" Tanong 'ko pabalik.

"Did you fuckin' saw the picture in the frame?" Walang emosyong tanong nito habang maiging nakatitig sa akin na para bang hinihintay ang sagot 'ko.

Umiling ako, mukhang mali ata ang nagawa 'kong pakikialam nang gamit. Nagalit 'ko ata si Sir Seis.

Bununtonghinga ito at hinilot ang sintindo, "Go downstairs Kiya." Maikli nitong pahayag.

Tumango ako at linisan ang library na mabigat ang damdamin. Bakit pa kasi ako nangialam nang gamit doon? Hindi 'ko naman alam na bawal pala 'yon, pero anong mayroon sa larawan sa frame?





















Tahimik akong nagpapay-pay ng mga baboy. Iniisip 'ko pa rin 'yong nangyari kanina, lalong-lalo na kasi hanggang ngayon hindi pa bumababa si Sir Seis. Hindi 'ko alam kung hihingi ba ako ng tawad o ano?

"Okay ka lang Ate?" Napatangin ako kay Tenious na kasalukuyang nilalantakan ang baboy na luto na. Dito kasi kami nag-grill harap ng bahay para maaliwalas naman. Medyo dumudilim na rin dahil malapit nang mag alas syete.

"Oo naman. May iniisip lang ang Ate." Sagot 'ko naman sa kaniya.

Tumango siya at pinatuloy ang kaniyang pagkain. Akmang kukuha ulit siya nang isa pang hiwa ng baboy ay mahina 'kong tinapik ang kamay niya. Sumimangot naman ito at pumasok sa bahay, nagtatampo ata ang bunso.

Pinatuloy 'ko ang pagpaypay sa baboy at  binabaliktad ito upang tiyak na maluto talaga. May biglang yumakap sa akin sa likod at linagay sa balikat 'ko ang kaniyang mukha.

"What happened? You seem upset." Sasabihin 'ko ba sa kanya ang tungkol sa natuklasan 'ko sa library? Huwag nalang baka magalit din siya sa akin.

Lumipat siya sa tabi 'ko at hinubad ang kaniyang salamin. Mukhang hindi siya kumportable sa usok na nanggagaling dito.

"Did something happen in the library bebita? Did you and Seis fight?" Tanong pa ulit nito.

"Hindi naman po Sir Cinco." Bumuntong hininga ito at tinitigan ako, mukhang binabasa nito kung ano ba talaga ang iniisip 'ko.

"Okay, bebita. You should go inside, I'll replace you here. Manang needs some help about the sauce." Nilagay 'ko ang apron sa kanya at binigay sa kaniya ang pamaypay na aking hawak.

Dumiretso ako sa kusina at tinulungan si Manang sa paggawa nang sauce. Tinawag 'ko din sina Jameson at Ivan na nasa sala upang i-slice yung mga luto nang baboy.

Umuwi na kasi yung anak ni Manang dahil mage-enroll doon sa Manila. Kakamiss nga si Ate eh, kahit tahimik lang 'yon maayos niya kaming pinakisamahan.

Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan nang naluto ang mga baboy. Nilapag namin lahat sa lamesa, kanin, ulam, at tubig.

"Kain na tayo, naghugas ka na ba nang kamay Tenious?" Tanong 'ko sa kanya habang nilalagyan siya nang kanin sa plato. Tumango naman ito at ngumiti.

"Ijo, mabuti naman at bumaba ka na hali ka na rito oras na para kumain." Napatingin ako sa sinabihan ni Manang at nakita 'kong kararating lang ni Sir Seis sa kusina.

Umupo ito sa tapat nang inuupuan 'ko. Ramdam 'ko ang mga tingin nito pero isininawalang bahala 'ko nalang. Tahimik lang kaming kumakain, katabi 'ko si Sir Cinco habang nasa isang tabi 'ko ang aking bunsong kapatid.

Nang matapos kaming kumain ay niligpit namin ang aming pinagkainan at umakyat na sa kanya-kanya naming mga kwarto. Naghalf-bath ako nagpalit ng daster o night gown kung tawagin.

Pumasok din si Sir Cinco at gano'n din ang ginawa pagkatapos ay tinabihan ako sa kama. Yumakap ito sa akin, "Babe, Seis told me about what happened."

Napalingon ako sa kanya, "Galit ka rin? Hindi 'ko naman sinadya 'yon, promise hindi na ako mangigielam nang gamit niyo." Saad 'ko sa kaniya.

"No, I'm not. I can't be mad at you." Sabi nito habang hinihimas ang buhok 'ko.

"Bakit? Ano bang mayroon sa litrato na 'yon?" Mas lalo tuloy akong nacucurious.

"Nothing. You can still visit the library but promise me you won't be looking for that book again, okay?" Tumango ako at sumiksik sa kaniya.

Hindi ako mapakali, bakit pakiramdam 'ko may tinatago sila sa akin?

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon