Kiya
From: Ivan
Ate, half day kami ngayon. Aalis muna kami pupunta kami sa bahay ng kabarkada namin. Movie marathon daw.
Napatingin ako sa cellphone 'ko nang may natanggap akong mensahe galing kay Ivan. Agad-agad akong nagtipa ng message para mareplyan 'ko siya sa de keypad 'kong telepono.
To: Ivan
Sige, mag-iingat kayo. Kasama mo ba ang dalawa mong kapatid? Umuwi kayo bago mag-ala sais.
Nagreply naman ito ng Opo, hindi 'ko nalang ito rineplyan at linagay sa bag 'ko ang aking telepono. Hinagod 'ko ng tingin ang aking paligid, andito ako ngayon sa canteen. Lunch break na kasi ngayon, kasalukuyan 'kong kinakain ang binili 'kong monggo at kanin.
Hindi 'ko maiwasang malungkot habang tinitingnan ang paligid 'ko, wala kasi akong kaibigan. Sinubukan 'ko naman makipaghalubilo pero dahil sa mahiyain ako palaging palpak ang pakikipag-usap 'ko sa kanila. Hindi 'ko nalang inulit, de bale huling taon 'ko naman na ito kaya okay lang.
Pagkatapos ng lunch break ay bumalik na ako sa aking silid-aralan. Nadatnan 'ko ang maingay at magulo 'kong mga kaklase, hindi na ako nangialam at tahimik na umupo sa aking assigned seat. Kinuha 'ko ang notebook 'ko at nagstudy kasi may quiz kami sa susunod na subject.
"Hmm. Ang sipag mo talagang mag-aral Kiya, sana all." Napatingin ako sa nagsalita sa gilid 'ko at nakita ko si Cristo na nakatingin sa notebook 'ko.
"May quiz kasi mamaya kaya naghahanda ako." Sagot 'ko dito at binalik ang aking atensyon sa pagbabasa.
"Ano?! May quiz mamaya? Ba't hindi 'ko alam?"
Gulat nitong saad at tumingin sa mag barkada niya, "Mga bro may pagsusulit mamaya nag-aral ba kayo?" Tanong niya sa mga ito. Lumaki ang mga mata ng kaniyang mga ka-barkada at sabay-sabay na umiling.
Teka? Ako lang ba ang may alam na may quiz mamaya? Hindi ata nakinig ang mga classmates 'ko ng inannounce ito ni Sir kahapon.
"Pwede pa naman kayong mag-aral, may 15 minutes pa naman bago mag time." Sabi 'ko sa kanya pero mas lumukot ang mukha nito at kinamot ang ulo niya. May kuto ba siya?
"Sige, salamat Kiya ha. Nga pala friends na tayo, ang tagal na nating magkaklase pero ngayon lang tayo nagkausap, sobrang ganda mo kasi nahihiya akong lumapit sa'yo." Nagulat naman ako sa sinabi niya at namula. Tumango ako bilang sagot at nakangiti itong lumapit sa mga barkada niya.
May kaibigan na ako! Hindi lang 'yon, tinawag niya pa akong maganda. Ilang beses na rin akong pinuri ng gano'n pero hindi 'ko nalang pinapansin. Sabi kasi ni Inay ang totoong Tatay 'ko ay half-spanish at half-russian.
Namana 'ko ang matangos na ilong ni Itay at ang kanyang blonde and blue eyes habang namana 'ko kay Inay ang kaputian ng kaniyang balat at hugis puso na mukha. Hindi nga lang ako biniyayaan sa height, yung mga kapatid 'ko naman ay ang narinig 'kong uso ngayon, yung tall, dark and handsome ata.
Biglang nagring ang school bell, ilang minutos ang lumipas ay pumasok si Sir George, "Get 1 whole sheet of paper. We will have a quiz today like what I announced last time. I hope you studied because this is a long quiz." Narinig 'kong nagcomplain ang mga kaklase 'ko pero hindi 'yong pinakinggan ng aming guro.
"Number one..."
"Pabili ho ng francis Ate, limang piraso ho." Agad 'kong hinanda ang binili ni Ate at maingat na inilahad ito sa kanya.
"Salamat po, balik ho kayo ulit." Nginitian ako nito at agad ding umalis. Tiningnan 'ko ang relos na nasa dingding, dalawang oras na lang at matatapos na ang shift 'ko.
"Kiya, pwede ka nang umalis ng maaga ngayon. Magsasara ako at walang trabaho bukas kasi aalis ako papuntang Maynila, dadalawin 'ko ang pamilya 'ko."
Once a month aalis ang manager namin para makabonding ang pamilya niya na nasa Maynila. Ewan 'ko lang kung bakit siya nagtatrabaho dito sa probinsya, mas maganda naman ang oportunidad doon.
Nung minsang tinanong 'ko siya kung bakit, hindi naman ako pinapansin. Kaya hinayaan 'ko nalang, buhay niya 'yan.
Inalis 'ko ang hairnet at apron na suot 'ko at umalis sa bakery. Nang makarating ako ng bahay nakita 'ko pa ang mga kapatid 'ko na nanunuod ng tv sa sala.
"Wala ba kayong plano matulog? May pasok pa kayo bukas ah?" Tanong 'ko sa kanila at tumabi kay Ivan.
"Mamaya Ate, hindi pa kasi kami inaantok." Sagot ng bunso namin at ibinalik ang atensyon sa tv. Sobrang weird ng pinapanood nila, action movie na mukhang korean ata pero wala namang subtitles.
"Nakakaintindi ba kayo n'yan?" Tanong 'ko. Mainam silang tumango tatlo.
"May multiple language class kami sa school Ate, pinag-aaralan namin ang spanish, korean, japanese and chinese. Mula grade 7 included na 'yon pero extra sub lang 'yon at depende kung itatake mo. Si Itay ang nagdesisyon na kunin namin 'yon kaya wala na kaming nagawa." Sagot ni Teniuos. Ang ganda pala ng school nila, balita 'ko rin may iba't-ibang branches ito hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa.
"Alam niyo, gusto 'kong mag-aral ng kolehiyo diyan sa skwelahan niyo." Matagal 'ko nang pinag-isipan kung saan ako mag-aaral. Gusto 'ko talaga sa school nila kahit may kamahalan, kaya 'ko naman sigurong igapang. Mag-iipon naman ako habang nagtatrabaho ako.
"That's a good idea Ate. I'm positive that you'll pass the entrance exam. Mana ka kaya sa'min." Napatawa nalang ako sa sinabi ni Jameson. Ewan 'ko sa mga kapatid 'ko na 'to. Tingin talaga nila sa'kin ay matalino, baka mamaya maniwala ako.
"Wala ba kayong plano na matulog? At ikaw Kiya bakit hindi mo man lang pinagsabihan ang mga kapatid mo? Nakisali ka pa talaga diyan." Napatingin kaming lahat kay Itay na nakatayo sa pintuan ng kwarto niya.
"Itay hindi naman--"
"At sasagot ka pa Ivan? Umakyat na kayo sa taas at magpahinga. Ikaw naman Kiya sa susunod pagsabihan mo ang mga kapatid mo, ikaw ang panganay, ikaw dapat ang mas responsable." Napayuko sa pangangaral sa akin ni Itay. Tama na siya, ako ang mas nakakatanda pero gusto 'ko lang naman makipagbonding sa mga kapatid 'ko. Mali ba 'yon?
"Sorry po Itay, hinintay lang namin na matapos ang pinapanood nila at aakyat na din kami." At curious din ako sa pinapanood nila, ngayon lang din kasi ulit nabuksan ng tv sa bahay. Nagalit kasi si Itay noon nung minsang pinakailaman 'ko ang tv.
"Wala akong pakialam sa palabas na 'yan. Umakyat na kayo sa taas ngayon din, patv-tv pa kayo tataas ang bayarin natin sa kuryente nang dahil diyan. Sa susunod na maulit 'to, malalagot kayo sa akin, lalo ka na Kiya." Tumalikod ito at pabalang na sinirado ang pinto.
Tumingin ako sa mga kapatid 'ko at nakita silang nakayuko ang mga ulo. Tumayo si Jameson at pinatay ang tv. "We should head upstairs baka mas lalo pang magalit si Itay." Saad nito.
Umakyat na kami sa itaas at pumasok sa kanya-kanya naming mga kwarto. Hindi 'ko talaga minsan maintindihan ang Itay, okay lang sa akin na ako pagalitan niya pero huwag niya naman idamay ang mga kapatid 'ko. Napabuntonghininga ako at humiga sa aking higaan, deserve ng mga kapatid 'ko na manuod ng tv paminsan-minsan.
Tsaka ako naman 'yong nagbabayad ng kuryente, mga bata pa sila kailangan nilang mag-enjoy. Ayoko silang matulad sa akin na simula ng mawala si Inay nung 15 years old ako ay kumayod na ako. Pumasok ako ng iba't ibang part time jobs para matustusan ang pangaraw-araw namin.
Kahit ngayon na 18 na ako ganoon pa rin, nagtatrabaho pa rin ako para sa pamilya 'ko. Okay na sa akin 'yon basta huwag lang mahirapan ang mga kapatid 'ko. Hindi 'ko na namalayan na sa dami ng iniisip 'ko, nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...