Eleven

4.3K 88 4
                                    

Kiya

Simula nung araw na 'yon kinuha na ako ni Mang Domeng at ginawang katulong sa bahay niya. Sinubukan 'kong kumbisihin si Itay na huwag ituloy pero nagmatigas siya. Mas lalo sumama ang loob 'ko nang malaman 'kong lahat na pala nang gamit 'ko ay nasa kotse na ni Mang Domeng nung gabing 'yon at ako nalang yung hinihintay.

Hindi na rin ako nakapagtrabaho sa bakery dahil pinahinto ako ni Mang Domeng. Yung mga kapatid 'ko ay panay tawag at text nagtatanong kung nasaan na daw ako at bakit daw ako umalis. Napapaiyak nalang ako sa tuwing binabasa ang mensahe nila, wala silang kaalam-alam na ipinambayad utang ako nang Itay.

"Nasaan na ba yung bagong maid dito? Pakisabi paki labhan ang mga damit 'ko dahil aalis ako mamaya kasama ang mga friends 'ko." Napa buntonghininga ako lumabas sa maid quarters. Kakatapos 'ko lang maglinis nang bakuran kanina sobrang sakit na ng likod 'ko at hindi pa ako nakakain nang tanghalian.

Pumatungo ako sa kwarto na pag-aari ng isa sa mga babaeng anak ni Mang Domeng. Hindi 'ko alam kung ano ang nagawa 'ko sa kanya kasi simula nung dumating ako sa bahay nila ay palagi itong galit sa akin.

"Hello po Ma'am, kukunin 'ko na po yung mga damit na papalabhan niyo." Lumingon ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. 

"Saan ka nang galing? Ang bagal mo talagang kumilos kahit kailan. Pumasok ka sa closet 'ko at kunin mo yung itim na dress, gusto 'ko matapos na 'yan mamaya gagamitin 'ko 'yan ngayong gabi dahil pupuntan kami sa club ng mga friends 'ko. Isama mo na rin yung nasa hamper pero unahin mong labhan black dress." Sabi nito at itinuro ang silid na puro damit at sapatos ang laman.

Hindi 'ko nalang pinansin ang unang sinabi nito at sinunod ang utos niya. "Mauuna na ho ako Ma'am." Pagpapaalam 'ko.

"Ayusin mo ang paglalaba, mahal pa 'yan sa buhay mo 'yang mga damit 'ko. Chupi na." Ikinumpas pa nito ang kamay na ang ibig sabihin ay umalis na ako.

Nang makababa ako ay sinumulan 'ko nang maglaba. Habang naglalaba ako ay naalala 'kong hindi pala nagparamdam sa akin sina Sir Cinco at Sir Seis. Ayoko rin namang magtext nang una baka akalain feeling close ako. Si Cristo naman ay panay tawag at text, nagtatanong kung bakit hindi ako umattend ng graduation.

Paano 'ko sasabihin sa mga taong malapit sa akin na hindi ako pinapalabas ni Mang Domeng sa bahay? May telepono nga ako pero wala namang load, minsan din nagpapatay-sindi ito dahil sa kalumaan.

Nang matapos ako sa paglaba ay nilagay 'ko ang ibang damit sa dryer habang pinatuyo 'ko sa hangin ang dress ni Ma'am Lizel. Baka kasi pagnilagay 'ko sa dryer makasira pa ako, wala pa naman akong sweldo dito sa pagiging katulong dahil nga ako 'yong ibinayad. 

Pumunta ako sa kusina at nadatnan 'ko si Manang Rosa na naghahanda nang pagkain, "Oh andiyan ka na pala ija, hali ka't kumain na. Alam 'kong hindi ka pa nakapagtanghalian dahil inuna mo ang paglalaba." Pag-aaya niya sa akin at nilagyan ng plato at kubyertos ang inupuan  'ko.

Kung anong ikinasama nang ugali ng mga babae sa bahay na ito ay 'yon naman ang ikinabait ni Manang. Mabuti nalang ay andito siya, nung dumating ako ay tinuruan niya ako sa mga ano ang dapat 'kong malaman at mga hindi dapat galawin at gawin habang nakatira ako sa pamamahay na ito.

Hinugasan 'ko ang mga pinggan pagkatapos namin kumain at nagpahinga sa maids quarter. Wala naman na kaming gagawin pa, yung pagluluto ay si Manang na daw ang bahala dahil ako ang naka assign sa paglilinis at paglalaba.

Narinig 'kong tumunog ang telepono 'ko, kinuha 'ko ito at sinagot na hindi tinitingna kung sino ang tumatawag, "Hello?"

"Where the fuck are you? Your brothers told me that you vanished, they tried to contact you but you were not answering. What's wrong my hermosa?" Gumaan ang loob 'ko nang marinig 'ko ang boses ni Sir Seis sa kabilang linya. Totoo 'yon na hindi 'ko sinasagot ang mga tawag ng mga kapatid 'ko dahil ayokong magalit sila kay Itay.

Kinagat 'ko ang labi 'ko upang pigilan ang hikbi sa aking pag-iyak, "Please baby speak, Cinco and I are so worried about you. You also did not attend school especially your brothers' completion and your own, which I know meant the world to you. I also went to the bakery that you were working but they told me you quit already." Sobrang lambing ng boses nito.

Kinalma 'ko ang sarili 'ko bago magsalita, "Pasensya na at nagpag-alala 'ko kayong lahat pero okay lang po ako Sir Seis, nagtatrabaho po ako bilang katulong sa kaibigan ni Itay." Pinikit 'ko ang mga mata 'ko habang sinasabi ang mga salitang 'yon, nagsinungaling ako, ulit.

"We know something's wrong bebita, let us help. Can you tell us who's that father's friend of yours?" 

"Sir Cinco kayo ho ba 'yan?" Tanong 'ko. 

"Yes, it's me babe. Seis and I are here at your house right now, sa harapan namin are your brothers. Tenious is currently crying, I'll put the phone on speaker." Napahikbi ako. Ang limang lalaki na mahalaga sa buhay 'ko ay nag-aalala sa akin, pero ayokong madamay sila sa problema.

"Ate? Ate uwi ka na po please. Tapos na ang completion 'ko, okay na rin 'yong pangsenior high at pangcollege 'ko kasi libre na raw ni Dean ang pag-aaral 'ko, gano'n din kina Jameson at Tenious." Napangiti ako, may ganda din palang naidulot ang nangyari sa akin.

"Gagawa si Ate nang paraan para madalaw 'ko kayo diyan, pasensya na at hindi ako nakapag paalam, biglaan kasi." Okay na siguro ang sagot 'kong ito para maiwasan ang pag-aalala ng mga kapatid 'ko.

"We know something's up Ate, alam namin na hindi ka basta-bastang aalis sa bahay. Itay is also acting weird, every time we ask him about you, he gets furious. Mang Domeng also comes here more than often which I find odd and asks questions pertaining to you." Ano pa bang kailangan ni Mang Domeng at pumupunta pa siya sa bahay?

"We'll figure this out bebita. Hang in there okay?" Saad ni Sir Cinco.

"Wait for us hermosa. We have to cut the call now because your father is on his way. Stay safe, nosotras te amamos." Akmang magsasalita ako nang ibinaba na nito ang tawag. Jusko anong mangyayari ngayon? Kakausapin ba nila ang Itay? Sana huwag saktan ni Itay sina Sir Cinco at Sir Seis. Hindi 'ko alam kung ano ang ginawa 'ko sa buhay at nabiyayaan ako ng dalawang lalaki na hindi lang gwapo sobrang bait pa nang kalooban.

Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kay Sir Cinco sa pagsagot niya sa pag-aaral ng tatlo 'kong kapatid. Tinitigan 'ko ang aking telepono ng bigla itong umidlip, tinanggal 'ko ang battery nito at i-on pero hindi gumana. Tinapik 'ko rin ito sa aking palad pero hindi pa rin. Tadhana nga naman, pero masaya ako dahil nakausap 'ko sila kahit sa maikli lang na panahon.

Ipinikit 'ko ang aking mga mata, sana maging maayos na ang lahat.

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon