Kiya
"Nice to see you again hermosa. Thought I'd drop by to drive you to school." Lumapit ito sa kinaroroonan 'ko at binigyan ako nang saglit na halik sa labi.
"Did you just kiss my sister Mister Seis?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita 'kong nakatayo ang tatlo 'kong kapatid sa aking likod. Si Ivan nakangiti, ganoon din si Tenious habang si Jameson naman masamang nakatingin sa lalaking nasa harapan 'ko.
"So? Are you both just gonna stand there? Care to share what that kiss was about?" Nilagay nito ang dalawang kamay bulsa ng suot nitong shorts at tumingin sa amin ni Sir Seis nang pabalik-balik.
Napalunok ako, nakakatakot naman itong kapatid 'ko na magalit. Napatingin ako kay Sir Seis at pinandilatan nang mata. Bakit ba kasi ugali nitong manghalik nang biglaan 'yan tuloy nakita pa kami nang mga kapatid 'ko.
Sinenyasan 'ko ito na siya na ang magpaliwanag dahil kasalanan niya naman. Tumango naman ito at ngumiti ulit na para bang naintindihan ang ibig 'kong ipahiwatig. Mabuti naman kung ganoon.
"Whatever you are thinking is correct. I mean, technically right since it is still on progress." Anong progress? Anong correct? Nilingon 'ko ang mga kapatid 'ko at umiling nang mabilisan.
"From now on, I will be courting your sister." Deklara nito sabay hawak sa kamay 'ko. Lumaglag ang panga nina Ivan at Tenious habang naningkit ang mga mata ni Jameson.
"Courting right? From what I know about that stage, kissing is not allowed, yet. I won't let you pass just because you are the twin brother of our Dean. This is my sister we are talking about and she deserves the world." Umalis ito pagkatapos sabihin ang mga katagang 'yon at pumatungo sa taas. Tumango si Ivan at sinundan ang kapatid habang nagthumbs-up naman si Tenious at sumunod rin.
'Yon ata ang pinakataas na sinabi ni Jameson sa buong buhay 'ko. Hindi 'ko akalaing masasabi niya ang mga magagandang salitang 'yon. Muntik pa akong maiyak.
"That was a yes, right?" Napalingon ako kay Sis Seis, "Liligawan niyo po talaga ako Sir? Bakit naman ho ako? Ang dami pang ibang babae diyan na mas bagay sa inyo." Gwapo si Sir Seis at katulad ni Sir Cinco, maraming babae ang magkakadarapa para sa kanila. Mga mayamang babae na katulad sa estado nila.
Hinapit nito ang aking baywang at inangat ang aking mukha, "I don't care about other women, I only want you. Don't compare yourself to others because you are perfect just the way you are, more than you ever know." Dumkwang ito at binigyan ako nang halik sa noo, napapikit naman ako dahil doon.
"So, can I court you hermosa?" Tanong nito habang nakatitig sa akin. Kinagat 'ko ang aking ibabang labi at tumango. Agad naman ako nitong yinakap, "Thank you so much baby. You won't regret giving me a chance to prove myself to you."
Alam 'kong bago palang kaming nagkakilala pero hindi 'ko rin maitanggi sa aking sarili na matindi ang atraksyion na nararamdaman 'ko para kay Sir Seis. Naramdaman 'ko naman na mabait siyang tao at mapagkakatiwalaan kaya alam 'kong tama lang ang desisyon 'ko.
"Ate, malalate na tayo!" Hala, Oo nga may pasok pa pala kami. Kung hindi pa sumigaw si Tenious sa itaas ay hindi 'ko pa maaalala.
Ngumiti si Sir Seis, "Go and prepare. I will wait for you all in the car." Tumango ako at nagmadaling pumunta sa taas upang makapaghanda.
"Salamat Sir Seis, sa susunod ulit!" Sabi ni Ivan at patakbong pumatungo sa kanilang skwelahan sinundan naman siya kaagad nang kaniyang mga kapatid na nagmamadali rin.
"Salamat ho sa paghatid Sir Seis." Pinagtitinginan kami nang mga estudyante na dumadaan. Bakit naman hindi? Ang ganda kasi ng kotse ni Sir Seis, narinig 'kong ang tawag dito ay Lexus LC. Nagtanong kasi si Ivan kay Sir Seis.
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...