Seventeen

4.8K 101 2
                                    

Kiya

Hindi pa rin ako makapaniwalang may nangyari sa amin ni Sir Cinco. Simula nang araw na 'yon ay naging mailap na ako sa kanya.

Naalala 'ko kasi ang sinabi ni Cristo sa akin noon, eto ba ang sinasabi niyang ginagawa lang nang magjowa? Pero hindi naman magjowa si Cristo at Sheila gano'n din kami ni Sir Cinco at Sir Seis. Anong tawag sa amin? Gusto 'ko nga sila pero wala naman akong narinig na gusto din nila ako pabalik.

Nakakagulo talaga sa isipan kaya mas mabuti nang hindi 'ko na isipin para hindi na ako maguluhan. Tapos na ang nangyari, wala na akong magagawa.

Bakit ba kasi magjowa lang dapat ang gumawa nang bagay na iyon ang sarap kaya, mapapagod ka nga lang pero okay lang din 'yon para naeexercise ang katawan natin.

"Is everything okay with you and Cinco hermosa?" Tanong ni Seis. Andito kami ngayon sa kusina, tinutulungan niya akong magluto.

Tumango ako at tinuloy ang paghiwa sa karne. Alangan namang sabihin 'ko sa kanya na iniiwasan 'ko si Sir Cinco dahil nahihiya akong may nangyari sa amin noong isang araw.

"Don't lie, I can read your body reactions baby. Care to share?" Napabuntonghininga ako at kumuha ng patis, suka, at asukal. Mabuti na lang talaga at may label itong mga gamit nila at mabuti na rin at pumayag itong si Sir Seis na ako ang magluto ngayon.

Bago pa ako magsalita ay nilagay 'ko ang karne sa isang bowl, "Ano ho ba tayong tatlo Sir Seis?" Tanong 'ko habang nilalagay ang mga pangmarinate. Igi-grill 'ko ito dahil 'yon ang request ng mga kapatid 'ko.

Nilagay niya ang iilang hiniwa niyang karne sa bowl 'ko, medyo malaking batch kasi itong lulutuin namin dahil marami ring kakain.

"What do you mean hermosa?" Marahas akong lumingon sa kanya at kinagat ang aking labi upang mapigilan ang aking pag-iyak. Bakit kasi napakaiyakin 'ko sa ganitong bagay.

"Ano ba tayo? Magjowa ba tayo? Bakit tayo natutulog sa iisang kwarto? Bakit niyo ako hinahalikan?" Nafru-frustrate na talaga ako. Ni minsan hindi 'ko pinapansin ang ginagawa nila sa akin, hindi 'ko sila kinukwestiyon pero simula nang may mangyari sa amin ni Sir Cinco ay naalog ata ang utak 'ko kaya naging ganito.

Tumawa siya at ngumisi, "We're courting you, aren't we?"

Napailing ako at hinubad ang apron na suot 'ko, ligaw? May nanliligaw bang gumagawa nang kahalayan na 'yon at kaming tatlo pa.

"Huwag mo nalang pansinin ang mga tanong 'ko Sir Seis..." Minasahe 'ko sa huling pagkakataon ang karne at linagyan ng plastic sa ibabaw. Mamayang hapon 'ko ito igi-grill.

Pinasok 'ko ito sa ref at hinugasan ang aking mga kamay. Akmang aalis na ako nang may humawak sa aking braso, "Hey, where are you going? What did I do?"

Tinanggal 'ko sa kaniyang paghahawak ang aking braso at umalis doon. Hindi 'ko na siya sinagot pa dahil baka kung ano pa ang masabi 'ko. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong frustration sa buong buhay 'ko.































Tumambay muna ako sa terrace upang makapagisip-isip. Hindi naman sa naging demanding ako pero hindi naman yata tama na hindi kami magnobyo at ginagawa namin ang bagay na 'yon.

Sumandal ako sa railings at inilibot ang aking paningin, ang ganda talaga ng Isla na ito. Nagulat ako nang may yumakap sa akin sa likod at sinubsob nito ang mukha sa aking leeg.

"I'm sorry hermosa, what's wrong? What are you trying to say earlier?" Palihim akong napairap sa tanong nito. Akala 'ko ba matalino sila?

Hindi ako sumagot at hinayaan siya. Bahala siyang mag-isip diyan.

Hinalikan niya ang leeg 'ko at nagsalita ulit, "We love you. Cinco and I loves you." Mahina nitong sabi.

Napaharap ako sa kanya, mahal nila ako? Kailan pa?

"Kayo? Mahal niyo ako?" Garalgal 'kong tanong, hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

Tumango ito at hinawakan ang aking kamay at hinalikan 'yon, "Did we fail on making you feel that? Maybe our actions are stating that we love you but we never said it out loud, which is a mistake. I'm sorry for that, I hope you can forgive us."

Hindi ako nakapagsalita at tinitigan lang siya. Nahimigan 'ko ang lambing sa boses nito habang sinasabi ang mga katagang 'yon ang kaniyang mata ay nangungusap na para bang pinapapahiwatig no'n na totoo ang lahat nang kaniyang binitawang mga salita.

"Please speak baby..." Paulit-ulit nitong hinahalik-halikan ang kamay 'ko.

Ipinikit 'ko ang aking mga mata at nagsalita, "Mahal 'ko din kayo, simula nung una 'ko pa kayong nakilala naging crush 'ko na kayo agad. Nagtaka pa nga ako no'n kasi dalawa ko kayong crush pero sabi 'ko crush lang naman. Lumalim ang pagtingin 'ko sa inyo nung sinagip niyo ako doon sa auction at dinala niyo ako dito sa Isla." Ibinuhos 'ko na lahat nang nararamdaman 'ko kay Sir Seis.

"Open your eyes hermosa," Binuksan 'ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ni Sir Seis.

"Thank God you feel the same way for us." Binigyan niya nang madaliang halik ang aking ilong at inilayo ang kaniyang mukha.

"Cinco will be very happy about this." Kimi akong napangiti. Gusto 'kong marinig mismo sa bibig ni Sir Cinco ang mga salitang 'yon upang mapanatag ang aking loob pero hindi 'ko nalang 'yon sinabi.

"Pwede ba 'yon?"

"Hmm, about what hermosa?"

"Pwede ba tayong tatlo ang magkarelasyon? Diba dapat dalawa lang?" Totoo naman dalawang tao lang nakikita 'kong magkarelasyon.

"Yeah it's fine, but not for the society." Tumango ako sa sinabi niya. People may judge us for having this kind of relationship. Nasa sa amin na din 'yon kung magpapaapekto kami, ang mahalaga ay wala kaming tinatapakang tao.

"Don't worry. Our family is open to this kind of relationship. May iba naisa publiko na rin, our clan received a lot of backlash but we didn't let it affect us. We don't give a fuck about what they say to us, people judge, that's it." May punto siya. Gusto nang mga tao ang chismis, kahit ano pa 'yan basta may mapag-usapan lang.

Yumakap ako sa kanya at humlig sa may dibdib niya. Hinaplos niya naman ang aking mahabang buhok. Ganito pala ang pakiramdam pagmahal mo ang isang tao, para kang nasa ulap.

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon