Kiya
Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung dinalaw namin si Itay sa kulungan. Nagsorry din naman si Ivan sa akin nung makarating kami sa bahay. Sinabihan 'ko siya na hindi ako galit sa ginawa niya dahil naiintindihan 'ko ang nararamdaman niya.
Tumigil na rin ako sa pag-asa na baka magbago si Itay. Mas mabuti na sigurong wala na siya sa buhay naming magkakapatid. Masakit man pero ito ang mas nakabubuti sa amin.
Pinagpatuloy 'ko ang pagliligpit sa iilang gamit dito sa cafe. Malapit na din kasi kami magsara.
"Kiya, may naghahanap sa iyo doon sa labas." Napahinto ako sa paglinis, sino naman kaya 'yon? Baka mga kapatid 'ko, pero magtetext naman ang mga 'yon bago pumunta dito.
Madali 'kong hinugasan ang aking mga kamay at lumabas. Lumapit ako kay Haki nang siyang tumawag sa akin kanina, "Sino ba 'yong naghahanap sa akin Haki?" Tanong 'ko.
"Ayon oh," Sabay turo niya sa kaniyang nguso. Sinundan 'ko ang direksyon no'n at nakita 'ko ang mga lalaking matagal 'ko nang namiss.
Ngumiti si Sir Seis sa akin at kumaway habang si Sir Cinco ay inayos ang salamin habang taimtim lang na nakatitig sa aking direksyon.
Hindi ako agad nakagalaw. Bakit sila nandito? Makalipas ang higit dalawang buwan na hindi 'ko sila nakita ay parang nag-iba ang anyo ng mga ito. Gwapo pa rin naman sila pero si Sir Seis ay may balbas na habang si Sir Cinco ay medyo humaba na ang buhok.
Huminga ako nang malalim, ayaw 'ko silang paalisin dahil alam 'ko na ako talaga 'yong sadya nila dito.
Hindi pa ako tuluyang nakalapit ay bigla akong yinakap ni Sir Cinco at hinalikan sa labi, habang hinalikan naman ako ni Sir Seis sa aking leeg at yumakap sa aking likod.
"Fuck, we missed you so much bebita. Fue un infierno sin ti."
"Don't leave us again hermosa, te queremos de vuelta baby."
Narinig 'kong sabay na bulong nila habang nakayakap pa rin sila sa akin. Hindi na ako nakatiis at yinakap rin sila pabalik. Hindi 'ko man naintindihan ang ibig nilang sabihin pero alam 'ko ang ibig nilang pinapahiwatig.
"Miss na miss 'ko na din kayo." Sabi 'ko at isiniksik pa lalo ang aking sarili sa dibdib ni Sir Cinco. Sobrang namiss 'ko talaga tiniis 'ko lang dahil alam 'ko kailangan 'kong makapagisip-isip.
Matapos nang dramahan namin sa cafe ay inuwi nila ako sa kanilang mansyon. Unang beses palang akong makakatapak dito at sobrang ganda nito. May iilang katulong at bodyguards din ang nandidito.
"Nga pala, nasaan pala ang mga magulang niyo?" Tanong 'ko sa kanila. Ni minsan kasi ay hindi nila naibanggit sa akin ang tungkol sa mga ito.
Hawak-kamay kaming tatlo na tumungo sa taas kung saan ipapakita daw nila sa akin ang kanilang silid. May kaniya-kaniya naman daw silang kwarto pero dahil nandito daw ako ipapakita nila sa akin ang pinakamalaking kwarto sa kanilang mansyon.
"We don't have any parents, baby. We are orphans and we were both raised in an orphanage." Napasinghap ako sa inamin sa akin ni Sir Seis.
Binuksan ni Sir Cinco ay isang itim na pinto at bumungad sa akin ang isang malaking kama. Inilibot 'ko ang aking paningin sa kabuoan nang silid. May tv ito na malaki at may balcony rin. Ang ganda, para lang 'yong kwarto namin doon sa bahay nila sa Isla, pero mas malaki ito.
"Pasensya na kung nagtanong ako. Nagtaka lang kasi ako." Sabi 'ko. Umiling si Sir Seis at ngumiti hinawakan nito ang mga kamay 'ko at ginaya paupo sa kama habang sinirado naman ni Sir Cinco ang pinto sabay lock.
Bakit kailangan mag-lock?
"It's okay, babe. We worked ourselves through life eventually, we got a hang of it, and rocked it. Thanks to our biological parents for giving us brains that have high IQs." Naparolyo naman ang aking mga mata sa eksplanasiyon niya. Sila na matalino.
"Sorry again, bebita. When you left us in the island, we went crazy for a second but we knew you needed time to think. Hindi madali i-process ang mga nalaman mo nung araw na 'yon." Pagsisimula ni Sir Cinco at umupo sa isang tabi 'ko.
"Nung nalaman namin na iniwan mo ang phone na ibinigay namin sa'yo ay sa mga kapatid mo kami humingi ng tulong. It was tough because your brothers were really mad, especially Jameson. We either texted Ivan or Jameson about your whereabouts while Tenious is assigned on sending videos of you everyday. We also bought you groceries para masiguro namin na may pagkain kayo sa bahay at hindi magutuman." Ano? Hindi pala 'yon documentary project? Kaloka 'tong bunso namin. Kaya pala palaging puno mga cabinet namin at ref, sila pala ang dahilan.
"We didn't chase you, nagtiis kami kasi alam namin na kailangan mo ng space. Waking up that morning without you in bed hurt like hell. We missed you every single d-day..." Nalungkot naman ako ng biglang magcrack ang boses ni Sir Seis habang sinasabi ang mga 'yon.
"Napatawad 'ko na kayo. Hindi madali dahil nasaktan ako pero nakikita 'ko namang deserve niyo ang second chance, pero sana huwag niyo nang ulitin." Marahan 'kong sabi sa kanila. Mahalaga ang pagtitiwala sa isang relasyon. Lalong-lalo na ang pagtago ng sekreto na alam naman natin ang parusa paghindi natin ito sasabihin.
Magalit man o hindi ang tao, ang mahalaga ay sinabi mo ang katotohanan. Mas mabuti ng magalit kaysa gawing tanga ang taong mahal mo.
Napangiti ako ng ma realize 'ko na mukhang hindi na talaga nila ako natiis at nilapitan na ako kanina sa cafe.
"Ganoon niyo ako kamiss at talagang pinuntahan niyo pa ako doon?" Nakita 'ko namang napakamot ng batok si Sir Cinco at namula ang tainga.
"Yeah. We can't stand seeing you from a gadget anymore. We're sorry about that, babe." Napatawa naman ako. Paano 'ko matitiis itong dalawang 'to eh sobrang cute nila habang nahihiya.
"Pero salamat ha. Salamat dahil binigyan niyo ako nang oras at hindi niyo ako pinilit na patawarin kayo kaagad." Sobrang big deal talaga sa akin 'yon. Hiniyaan nila ang oras na humilom sa akin, hindi na 'yon uso sa henerasyon ngayon pero mayroon pa palang willing maghintay ng kapatawaran kahit alam nila na medyo may katagalan at hindi kasiguraduhan.
"Mahal 'ko kayo, sobra." Mas lalong namula ang tainga ni Sir Cinco sa sinabi 'ko.
"Fuck, can you say that again hermosa?" Narinig 'ko pang sabi ni Sir Seis na hindi 'ko namalayang nakalapit na pala sa akin. Para itong bata na natuwa dahil binigyan ng candy. Ang gwapo nito mukha ay puno nang liwanag habang ang mga mata naman nito ay kumkislap.
"Mahal ko ka---hmp." Hindi 'ko naituloy ang aking sasabihin dahil bigla akong hinalikan ni Sir Seis sa labi. Naramdaman 'ko din na may humahalik sa aking batok habang ang kamay nito ay nasa hita 'ko na.
"We love you too, so much."
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...