Kiya
"And we saved the best for last..." Nabalik ako sa realidad ng tumapat ang ilaw sa akin. Yinuko 'ko ang ulo upang hindi makita ng mga tao ang mukha 'ko. Hindi 'ko alam kung bakit lahat ata ng kamalasan sa mundo ay nasalo 'ko. Hinigpitan 'ko ang hawak sa aking damit habang nararamdaman 'kong may bumubuo nang mga luha sa aking mga mata.
"Oh she's a shy one, anyway you can look up here in the screen, her name is Kiya. An eighteen year old and as you can see on the screen, a gorgeous young lady. Let's start the bidding everyone." Narinig 'kong sabi ng babae. Inangat 'ko ang tingin 'ko at lumingon sa likod. Nakaplastada sa isang malaking screen ang mukha 'ko, isa itong litrato na nagsasampay ako ng labahin at kung hindi ako nagkakamali iisa lang ang tao na nasa bahay na 'yon maliban sa akin, si Manang.
Hindi 'ko akalain na matagal na pala nitong pinaplano. Pati siya ay kasabwat pala nila. Akala 'ko pa naman ay sinsero ay pinapakita niya sa akin, 'yon pala ay tatraydurin din ako nito.
"20 million!" Napalingon ako sa sumigaw at nakita 'ko ang lalaking matanda. Napangiwi ako dahil nakawheelchair pa ito.
"I hear 20 million, how about 50 million anyone?" Saad ng lalaking host.
"50 million!" Sigaw ng isang lalaki na hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napaatras naman ako dahil doon.
"60 million!"
"80 million!"
"100 million!"
Samu't-saring halaga ng pera ang aking narinig. Sumasakit na ang ulo 'ko sa halo-halong kaba at takot na aking nararamdaman.
Hinagod 'ko nang tingin ang mga tao at tumapat 'yon sa mga taong ginamit lang ako. May hawak-hawak na baso na may lamang kulang pula na likido ang babae 'kong amo at si Mang Domeng naman ay nakangising palipat-lipat ng tingin sa mga taong patuloy na sumisigaw sa tumataas na halaga ng pera.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa nila sa akin ito. Minsanan 'ko mang makita si Mang Domeng noon ay wala naman akong naramdaman na masama pala itong tao. Mabait ito sa aming magkakapatid noon palagi itong tumutulong kay Itay, pero nagbago ata ang ihip ng hangin simula nung bigla itong yumaman.
"5 billion..." Nanlaki ang mata 'ko, sino 'yon? Tumambad sa akin ang lalaking nakashades, may kasama itong isang lalaki na nakashades rin.
"In cash." Suminghap ang mga tao. Kinuha ng isang lalaki ang dala-dala nitong briefcase at kumuha ng ilang kumpol ng pera at itinaas 'yon.
"If you want we can triple it, just give us that girl right now." Pagsalita ng lalaking kasama niya habang hawak-hawak ang kumpol ng pera.
"5 billion! Going once, going twice, sold! Step up and claim your possesion." Narinig 'kong sabi ng babaeng host. Sobrang tahimik ng paligid at tanging yabag lang ng mga sapatos ang maririnig na paakyat sa stage na tinatayuan 'ko.
Nang makalapit sa akin ang dalawang lalaki ay hinawakan ako nang isa sa kamay, "Let's go." Lumakad ako paalis nang mapatigil ako nang marinig 'kong may bumagsak.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng ingay at nakita 'kong nasa tinayuan 'ko na kanina ang briefcase at nasa gilid nito ang ikalawang lalaki.
"Here is the fucking money, stuff it on your dirty souls." Nanginlabot ako dahil umiba ang tono ng kaniyang boses habang sinsabi ang mga salitang 'yon. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay sumunod ito sa amin.
Nakarating kami sa kotse nila. Pinaupo nila ako sa likod habang yung isa nagdadrive at nasa passenger seat naman yung ikalawa. Sinandal 'ko ang aking katawan sa upuan, hindi 'ko maintindihan kung bakit hindi ako kinakabahan ngayon.
Napatingin ako dalawang lalaki sa aking unahan, bakit sobrang gaan ng loob 'ko sa dalawang ito gayong hindi 'ko naman ito kilala? Naalala 'ko tuloy sina Sir Cinco at Sir Seis, ganito din ang nararamdaman 'ko pagnakakasama 'ko sila.
Dahil sa sobrang daming nangyari ngayong araw na ito ay bigla akong dinalaw ng antok, ipinikit 'ko ang aking mga mata at hinayaan ang aking sarili na makatulog.
Nagising ako nang may naramdaman akong may humahaplos sa mukha 'ko. Dahan-dahan 'kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kasama 'kong lalaki kanina.
Napabalikwas ako nang bangon at agad umatras, "Hey, easy. I won't hurt you." Mahinahon nitong sabi. Inilibot 'ko ang paningin 'ko at na realize 'kong nasa isa akong kwarto at kasalukuyang nakaupo ngayon sa malambot na kama.
Inayos 'ko ang upo 'ko, "Salamat ho sa pagbili sa akin. Ano pong ipapagawa niyo? Kaya 'ko hong maglinis nang bahay o mag-alaga nang bata may mga nakababatang kapatid 'ho kasi ako." Mas mabuti siguro 'kong dito nalang ako kaysa doon sa bahay ni Mang Domeng. Magaan ang loob 'ko sa dalawang lalaking ito kaya alam 'ko din na magiging maayo ako dito.
"No hermosa. You won't be a maid here, you will never be one." Napaangat ako ng tingin ng marinig 'ko ang pamilyar na boses na iyon. Nakita 'ko ang mukha ni Sir Seis na taimtim na nakatitig sa akin.
Nasa ibabaw na ulo nito ang shades na mukhang suot nito kanina. Napasinghap ako nang ma realize 'ko ang nangyayari, "Sir Seis? Kayo ho ang bumili sa akin?"
Ganoon ba ako ka okupado at hindi 'ko man lang sila nakilala?
"We didn't buy you hermosa, we bought your freedom. We apologize if we took too long to find you. Nalaman nalang namin na nasa isa kang black market auction nang may naglive stream sa dark web, we used all our connections nang malaman namin from your father that you were given to a filthy businessman in exchange for the money that his mistress stole." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mukha 'ko. Inalis nito ang luha na dumadaloy sa aking pisngi gamit ang kaniyang hinlalaki.
Kinuskos 'ko ang mukha 'ko sa palad niya at dinaramdam ang hawak niya. Naramdaman 'kong may yumakap sa gilid 'ko at hinalikan ang ulo 'ko.
Nilingon 'ko si Sir Cinco, "Fuck, you went through so much crap bebita, we're so sorry for what happened."
Tuluyan na akong napaiyak. Yinakap din ako ni Sir Seis sa kabila habang binubulungan niya ako ng comforting words. Ilang minuto ang lumipas ay kumalma na ako, pinainom ako ni Sir Cinco ng tubig para hindi daw ako ma dehydrate.
Papalit-palit ang pagtingin 'ko sa kanila ng bigla akong mamula, nakayakap pa rin silang dalawa sa akin. Talangang kinilig pa ako sa lagay 'kong ito.
Tiningnan 'ko si Sir Seis, mainam 'kong hinagod ang mukha niya hanggang sa natapat ang paningin 'ko sa kaniyang mga labi. Kinagat 'ko ang ibabang labi 'ko nang maalala na ilang beses 'ko na nahalikan ang mga labing 'yon.
"Fuck baby. Don't stare at me, you're turning me on." Inilapit nito ang mukha sa akin at hinalikan ang pisngi 'ko. Napapikit ako dahil sa sensasyon na aking naramdaman galing sa halik na 'yon.
"Can I join?"
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...