Kiya
Nasa terrace ako ngayon habang tinitingnan ang paligid 'ko. Mukhang nasa isang Isla kami nina Sir. Ang ganda dito, sobrang tahimik at payapa. Pumikit ako at dinama ang hangin sa aking mukha. Kung pwede lang dito kami tumira nang mga kapatid 'ko, preskong hangin at malayo pa sa problema.
Napabuntong hininga ako, nung isang araw ay nandoon pa ako sa bahay ni Mang Domeng. Nagpapasalamat talaga ako nang dumating sa buhay 'ko sina Sir Seis at Sir Cinco. Hindi 'ko lang maiwasag mangamba dahil parang sobrang bilis naman nang nangyayari sa amin.
Hindi 'ko lubusang maisip na nagawa namin ang kahalayan na 'yon nung unang gabi 'ko dito. Ngayon ay wala sila dito sa Isla dahil may aasikasuhin daw sila sa Manila. Binigyan din nila ako ng isang telepono na touchscreen upang macontact ang aking mga kapatid. Nung una nahirapan ako kung paano gamitin pero maigi akong tinuruan ni Sir Cinco.
"Miss Kiya, kakain na po." Liningon 'ko si Ate Lian at nginitian. Siya ang kinuhang tagabantay sa akin nina Sir Cinco at Sir Seis. Medyo mas matanda ito sa akin nang tatlong taon.
"Ano ka ba Ate, Kiya nalang po ang itawag niyo sa akin." Sabi 'ko dito. Sabay kaming bumaba sa hagdan at pumatungo sa dining room. Nadatnan 'ko ang isa 'ko pang kasama dito sa bahay na si Manang Conchita. Anak ni Manang si Ate Lian at siya din nag-alaga sa kambal mula nung bata pa sila.
"Andiyan na pala kayo, maupo na at kumain. Nagluto ako ng sinigang sana magustuhan niyo." Sabay kaming tatlo umupo at kumain.
Napangiwi naman ako dahil sa asim na galing sa sinigang, "Ang galing niyo talagang magluto Manang, asim-sarap." Pagpuri 'ko.
"Ang bolera mo talagang bata ka. Ubusin mo 'yan, kailangan mo magkalaman anak dahil ang payat mo." Tumango ako at maiging kumain. Nang maubos ay nagpresinta akong maghugas nang mga pinggan dahil wala talaga akong ginawa simula nang dumating ako dito. Pinigilan pa ako ni Manang pero kinulit 'ko talaga siya. Hindi kasi ako mapakali pag wala akong ginagawa.
Naglakad-lakad ako sa bahay habang hinihintay ang pagdating nina Sir. Malapit na rin kasi gumabi at sinabi nila sa akin sa text na sabay kaming kakain nang hapunan.
Nakarating na ako sa mini-library nila. Kumuha ako nang iilang libro at binasa 'yon. Nang matapos akong magbasa ay binalik 'ko ulit 'yon sa lagayan. Inilibot 'ko ang aking paningin sa hilera nang mga libro nang may mapansin akong kakaiba.
May isang libro na iba sa lahat, may nakasulat itong ESPOSA sa labas. Wala itong design at tanging puti lamang ang kulay. Linapitan 'ko ito at hinaplos, nakaguhit sa isang gintong tinta ang sulat nito. Sobrang simple pero napakaganda, ano kaya ang laman nito?
Nang kinuha 'ko ito ay may ingay akong narinig. Napatingin ako sa aking gilid, bakit may pinto rito? Wala 'to kanina ah?
Lumapit ako at binuksan iyon, bumungad sa akin ang isang kwarto. Lila ang kulay ng mga pader nito, may tv sa gitna. Napatingin ako sa pader nang may tela ito, linapitan 'ko ito at tiningnan nang maigi. Mukha itong isang malaking picture frame, pero bakit ito tinakpan?
Akmang hihigitin 'ko ang tela nang tumunog ang aking telepono. Binuksan 'ko ito at bumungad sa akin ang text galing kay Sir Seis.
From: Sir Seis
We are almost home hermosa and we brought your brothers along. We know how much you miss them.
Nanlaki ang aking mga mata at mabilisang lumisan sa silid. Nagmamadali akong bumaba sa sala at doon bumungad sa akin ang kakarating lang na sina Sir Seis at Sir Cinco kasama ang tatlo 'kong nakababatang mga kapatid.
"Ate!" Sigaw ni Tenious. Tumakbo ako at dinumog nang yakap ang bunso. Inulan 'ko nang halik ang buong mukha nito, "Sobrang miss ka ni Ate bunso..."
Lumingon ako sa tabi ni Tenious at sabay na niyakap sina Ivan at Jameson. Binigyan 'ko ito nang halik sa kanilang pisngi. Sobrang saya 'ko na makapiling muli ang aking mga kapatid.
Humiwalay ako sa yakap at binalingan sina Sir Cinco at Sir Seis, "Salamat po at dinala niyo ang aking mga kapatid." Sabi 'ko habang nakatingala sa kanila.
Ngumiti si Sir Seis at hinalikan ang labi 'ko, "We will do anything to make you happy hermosa." Saad nito.
"Yeah, whatever it takes just to see that smile of yours bebita." Lumapit si Sir Cinco at hinalikan din ako sa labi. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nila.
Sabay kaming napalingon nang may marinig kaming tumikhim sa aking likuran. Nakangisi si Ivan habang tinatakpan ang mga mata ni Tenious habang si Jameson naman ay magkasalubong ang kilay.
"Can we have our sister now?" Masungit nitong pahayag. Pinanlakihan 'ko naman ito nang mata, kahit kailan ang sungit talaga.
"Sure, young man. We'll see you later baby." Kinindatan ako ni Sir Seis at umalis. Tinanguan ako ni Sir Cinco at sumunod kay Sir Seis paakyat sa ikalawang palapag nang bahay.
Binlingan 'ko ang aking tatlong kapatid at muli silang niyakap. Hinigit 'ko sila paupo sa sofa, "Kamusta kayo nung wala ako? Inalagaan ba kayo nang Itay?" Tanong 'ko sa kanila.
"Nasa kulungan na si Itay Ate. Magmula nung wala ka sa bahay ay wala na itong inatupag kundi magsugal at mambabae. Minsan din ay hindi na kami nakakakain dahil hindi siya umuuwi nang bahay. Mabuti nalang at nandoon si Dean at Kuya Seis para tulungan kami." Napatango naman sina Jameson at Tenious bilang pagsang-ayon sa paliwanag ni Ivan.
Malungkot man ako na nakulong siya pero walang katumbas iyon sa ginawa niya sa mga kapatid 'ko. Tanggap 'ko na ako pinapahirapan niya pero talagang dinamay niya pa ang mga kaptid 'ko sa kawalanghiyaan niya. Hindi 'ko inakalang aabot siya sa ganito.
"Bakit pala siya nakulong?" Tanong 'ko.
"The pasugalan that was led by Mang Domeng was raided by the pulis Ate. It turned out that everything in that place was illegal." Mabuti na rin at nangyari 'yon para matigil na si Itay at ibang mga tao 'don na nalulong na sa sugal. Baka pagnakulong sila ay makapagisip-isip sila na walang patutunguhan ay isang pagiging sugarol.
"Patawarin niyo si Ate, wala man lang ako sa panahong naghihirap kayo." Napayuko ako, nahihiya ako dahil hindi 'ko man lang naprotektahan ang mga kapatid 'ko.
Yumakap sa akin si Tenious, "Kami ho dapat ang magsorry, wala man lang kaming kaalam-alam na may binabalak pala si Itay na gano'n. Sobrang sama niya." Hinigpitan nito ang yakap sa akin.
Hinaplos 'ko ang buhok nito, "Yeah. That old man made you as a payment. He deserves to be in jail and I hope his soul rots in hell. You did nothing but please him since from the beginning and this is what he repays you? I can't even bear the thought of having him as my father." Nakakuyom ang mga kamao ni Jameson habang binibitawan ang mga salitang 'yon habang tahimik naman si Ivan sa kaniyang tabi.
Hindi 'ko sila masisisi kung bakit ganito nalang kalaki ang galit nila kay Itay pero sana dumating ang araw na mapatawad namin si Itay para sa kapayapaan nang aming puso. Kahit ano pang mangyari at naging ama 'ko pa rin ito, kahit na hindi niya ako tunay na anak ay sapat na sa akin na tinanggap niya ako sa pamamahay niya.
"Hayaan niyo, simula ngayon ay hindi na tayo magkakahiwalay pa. Yakap kayo kay Ate dali..." Agad namang tumayo ang dalawa 'ko pang mga kapatid at yumakap. Ito, ito ang totoo 'kong pamilya na habang buhay 'kong proprotektahan.
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...