Kiya
Ilang araw nang lumipas simula nung nangyari sa library pero hindi pa rin kami nagpapansinan ni Sir Seis. Umiiwas din ako kasi ayokong kumausap sa kanya habang may galit siya sa akin. Parati din siyang wala sa bahay nung minsang tinanong 'ko si Sir Cinco parati daw nasa race track ang kapatid niya.
Hindi na rin ako ulit pumunta sa library kahit na pakiramdam 'ko may tinatago talaga sila sa akin. Baka kasi pag nangialam ako hindi lang si Sir Seis ang magalit sa akin pati na rin si Sir Cinco at ayokong mangyari 'yon. Pero dahil binabakagabag ako nang pakiramdam 'ko napagpasiyahan 'kong pumunta sa mga kapatid 'ko upang magtanong sa kung anong ibig sabihin nung nakasulat sa libro.
Kinatok 'ko ang pintuan ni Jameson, "Andiyan ka ba Jameson? Pwede bang pumasok ang Ate?" Tanong 'ko sa labas.
"You can come in Ate." Narinig 'kong sagot nito sa loob.
Binuksan 'ko ang pintuan at pumasok. Nabungaran 'ko si Jameson na kasalukuyang may ginagawa sa kaniyang laptop. Umupo ako sa kaniyang kama habang tinitingnan siya. Seryoso siyang nagtatype na hindi 'ko alam na kung ano. Ewan 'ko ba kung bakit ang busy nitong batang 'to.
Tumigil ito sa pagta-type at inikot ang kaniyang swivel chair paharap sa akin, "What can I help you with Ate? May problema ba?" Tanong nito.
"May ipapatranslate sana ako sa'yo. Hindi 'ko alam kung anong lenggwahe 'to pero ano ba ang ibig sabihin ng esposa?" Alam 'ko na pwede akong magsearch sa google pero hindi pa ako marunong kaya mas mainam na magtanong nalang madami namang translator dito sa bahay.
"That means wife in spanish. Why did you ask?" Asawa? Kumabog ang dibdib 'ko, bakit ako kinakabahan?
"Wala lang, may nakita kasi akong libro na gano'n yung sulat sa library." Sagot 'ko dito.
Mas lalong nagsalubong ang kilay nito at uniwas nang tingin, nagtaka naman ako. "You mean the white book?"
"Alam mo? Nabasa mo kung anong laman no'n Jameson?" Sana nabasa niya. Gusto 'ko kasing malaman kung ano talaga 'yon at ano yung koneksyon no'n sa nakatagong kwarto sa library.
Tumalikod ito at pinagpatuloy ang pagtatype, "Yes, I read it, every fuckin' word of that book."
Nag-iba ang tono niya. Para siyang galit? Bakit naman magagalit si Jameson?
"Ano daw 'yong nakasulat doon?" Tanong 'ko at unti-unting lumapit sa kaniya.
"It's better if you talk to Cinco and Seis, Ate." Tipid nitong pahayag. Napasimangot naman ako sa suhestiyon niya.
"Hindi nga ako kinakausap ni Sir Seis eh, tapos si Sir Cinco mukhang tinago na ata ang libro." Malungkot 'kong pahayag.
"Because those bastards are keeping something from you. Maybe a secret that they cannot reveal especially to you, since they are aware of the what the outcome is once they tell you." Patuloy pa rin itong nagta-type habang sinasabi ang mga katagang 'yon. Napatahimik naman ako, gano'n ba kalaki ang sekreto nila na dapat hindi 'ko malaman?
"I want to tell you but it's not my place to. If you know the truth, whatever your decision is, susuportahan ka namin nina Ivan." Dagdag pa nito.
"Hindi ba talaga pwede na sabihin mo nalang sa akin ngayon Jameson? Hindi ako mapalagay eh." Saad 'ko dito habang yinayakap siya patalikod. Sana madala siya sa lambing 'ko.
Umiling ito at binigyan lang ako ng halik sa pisngi tapos bumalik ulit ang atensiyon niya sa kaniyang laptop. Napabuntonghininga naman ako, may alam nga siya pero ayaw naman niyang sabihin.
"Nakita mo din ba 'yong kwarto?" Patuloy 'kong tanong dito. Napatigil ito sa pagtatype.
"Yes, I also saw the picture in the picture frame." Lumaki ang mata 'ko at inikot ang kaniyang swivel chair. Umupo ako sa harap niya at tinukod ang aking kamay sa kaniyang tuhod.
"Talaga? Sino daw yung nasa picture?" Tanong 'ko habang ngumingiti.
"I- I cannot tell you Ate, I'm sorry." Pati ba naman picture hindi 'ko pwedeng malaman? Ano ba naman 'yan ang damot ha.
Alam 'kong mali, alam 'kong maaaring magbago ang lahat pagnangialam pa ulit ako pero hindi 'ko mapigilan ang aking sarili.
Tinungo 'ko ulit ang library, dahan-dahan 'kong binuksan ang pinto upang walang makarinig. Nang makapasok na ako ay maingat 'ko itong sinara, napapikit pa ako ng tumunog ang lock nito.
Lumapit ako sa lamesa na inupuan ni Sir Seis noon at hinalugad 'ko ito. Kailangan 'kong hanapin ang libro na iyon upang mabuksan ang kwarto. Kailangan 'kong makita ang picture sa picture sa picture.
Hanap ako nang hanap hanggang sa matagpuan ko ang isang drawer na parang iba sa mga nauna pang drawer na aking nabuksan. Mayroon itong maliit na black button sa hulihan, pinisil 'ko ito at biglang bumaliktad ang drawer, bumungad sa akin ang bagay na hinahanap 'ko.
Kinuha 'ko ito at ibinalik sa pwesto nito at inulit ang ginawa 'ko nung una. Gumalaw ulit ang mga pader at nakita 'ko ulit ang pinto na kung saan nakalagay ang picture frame.
Kinuha 'ko ang libro at binuksan 'yon habang papapunta sa kwarto. Hmm, ibang lenggwahe ang nakasulat sa libro kaya hindi 'ko maintindihan. Para din itong sulat-kamay na medyo pamilyar sa akin.
Nang makapasok ako nang tuluyan sa kwarto at pinuntahan 'ko agad ang larawan. Tumigil ako sa harapan nito at hinagod ito ng tingin, talaga bang gagawin 'ko ito? Andito na ako, wala na talagang atrasan.
Hinawakan 'ko ang hulihan nito at pumikit, buong pwersa 'kong hinugot pababa ang telang nakatakip sa picture frame. Lumapat nang una ang aking mga mata sa ibaba nito, mukhang pangalan ata ang nakasulat.
Valerie Garcia Holguin.
Naka-cursive writing ito. Holguin, diba apelyedo nina Sir 'yon? Kinuha 'ko ang libro at binuksan ito sa unang pahina para kasing nakita 'ko itong pangalan na'to na nakasulat dito sa libro nung binasa 'ko ito kanina.
Sa unang pahina ay may nakasulat na, Feliz aniversario esposa. Hicimos este libro para ti. Aborda nuestra historia de amor, esperamos que disfrutes leyendo esto. Te queremos mucho Valerie García Holguín.
Umangat ang aking paningin sa picture frame at nagulat ako sa aking nakita. Nabitawan 'ko ang librong hawak 'ko at tinakpan ang aking bibig. Iniling 'ko ang aking ulo at ipinikit ang aking mata tapos binuka ulit. Ngunit hindi, hindi ako namamalikmata. Totoo ang nakikita 'ko ngayon sa aking harapan.
Bakit kamukha 'ko ang nasa larawan?
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...