Special Chapter

5.7K 120 12
                                    

Kiya

Maigi 'kong inayos ang aming hapag-kainan. Pupunta kasi ngayon ang mga kaibigan ng aking mga asawa. Ang sabi nila sa akin ay business partner daw nila ito at investor sa skwelahan.

Isang buwan na ang nakalipas nung naganap ang aming pag-iisang dibdib. Simula nung araw na 'yon ay talaga namang inalagaan at pinadama nila sa akin araw-araw kung gaano nila ako kamahal.

Binigyan din nila ng bahay ang aking mga kapatid. Ayaw 'ko sanang payagan dahil masyado pa silang bata upang bumukod sa akin pero ang sabi naman ni Cinco ay kailangan matutunan ng mga kapatid 'ko na maging independent.

Kahit nga 'yong bunso namin ay sumama sa mga kuya niya. Malaking bahay ang binigay nina Seis at Cinco sa mga kapatid 'ko. Paminsan-minsan ay dinadalaw 'ko ang mga iyon para paglutuan ng pagkain. Pag walang pasok ay dito din sila tumatambay sa amin, pero uuwi din kalaunan.

Napatingin ako sa ayos ng mga kubyertos at plato sa lamesa. Tatlong tao ang bisita ng mga asawa 'ko ngayon. Minsan na nilang nabanggit sa akin ang mga ito, sa aking natatandaan ay triplets sila.

Napalingon ako nang bumukas ang pintuan, nakita 'ko kaagad sa unahan ang aking dalawang asawa. Ngumiti ako sa kanila at nilahad ang aking dalawang kamay na nagpapahayag na gusto 'ko nang yakap galing sa kanila.

Sabay silang yumakap sa akin, "How are you hermosa?" Tanong si Seis at binigyan ako ng halik sa labi.

"I'm fine hubby." Naramdaman 'kong lumipat nang yakap si Cinco sa likod 'ko at binigyan ng halik ang aking leeg.

"We missed you bebita." Saad nito habang patuloy na hinahalik-halikan ang aking leeg. 

Hinawakan 'ko ang buhok nito at hinaplos, "Namiss 'ko rin kayo mga asawa 'ko."

Lumapit muli si Seis sa akin at binigyan ako nang halik sa aking mga labi. Natigil lang ang ginagawa naming tatlo nang may tumikhim sa likod ni Seis.

Lumayo ang dalawa sa akin at tumawa, habang ako na man ay namumula. Nakakahiya, nakalimutan 'ko na may bisita pala kami ngayon. Nakangisi ang mga ito na nakatingin sa amin. Mas dumikit pa ako kay Cinco dahil talagang umiinit ang aking mga pisngi sa tagpo na kanilang nasaksihan.

"What a show, twins." Inangat 'ko ang aking tingin. Tiningnan 'ko ang tatlong lalaki na nasa harapan namin ngayon. 

"Shut up Hari. We should proceed to the kitchen. Our wife prepared a feast for you fuckers." Kinurot 'ko sa kamay ni Seis, "Bakit mo minumura ang mga bisita natin? That's bad." Mahina 'kong pagsaway sa kaniya.

Napangiwi ito at hinaplos ang parte ng kamay niya na kinurot 'ko, "Sorry wife." 

Napalingon naman ako sa tatlong lalaki na pinipilit na huwag tumawa. "Damn, under." Saad nung pula ang buhok.

'Yong unang nagsalita kanina ay itim ang buhok, ang pangalawa ay pula at ang pangatlo ay silver-haired naman.

"You'll be the same when you find your Queen, believe me." Saad ni Cinco.

Sabay namin tinungo ang hapag-kainan at umupo. Nagpray muna kami at kumain. Tahimik lang kami sa hapagkainan. Nang matapos ay saka lang nagsalita itong mga kasama 'ko.

"By the way triplets, this is our wife Kiya. Bebita, these are our friends/business partners." Sabi ni Cinco. Tumingin ako sa kanila at ngumiti.

"The famous hidden wife of the Holguin Twins."  Saad nung silver-haired na lalaki.

"She's famous alright. The twins are lucky huh? They got a gorgeous wife." Namula naman ako sa pahayag nung itim ang buhok. 

"Yeah, indeed we are lucky." Sabay naman na pahayag ng aking mga asawa.

"By the way I am King Quavo Casagranda." Pagpapakilala nung itim ang buhok.

"The name is Hari Quassim Casagranda my lady." At kinindatan pa ako nung pula ang buhok. Napatawa naman ako dahil doon.

"Blink at our wife again Hari, I swear I will gouge out that eye of yours." Tinaas ni Hair ang kaniyang dalawang kamay sa ere at tumawa sa sinabi ni Cinco.

"Re Quilo Casagranda." Maikling pahayag nung silver ang buhok.

"Correct me if I'm wrong pero 'yang mga pangalan niyo ay---"

"Yeah, all our names are King in meaning but, in three different languages." Sagot sa akin ni King. Ang ganda naman ng mga pangalan nila. Nag-assume lang ako na gano'n ang meaning pero tama ang aking hinala. Hindi 'ko nga lang alam kung ano ang lengguwahe nung sa huli.

Lumipat sa living room sina hubby kasama ang mga bisita nila upang tuluyang mag-usap. Tungkol ata sa extension ng isa pang branch ng skwelahan na ilalagay nila sa Maynila. Iba-iba 'yong topic nila kaya hindi na ako nakasabay.

Pagkalaan ng ilang oras ay nagpaalam na rin ang tatlo dahil maaga pa daw sila bukas. Hinatid namin sila sa pintuan at nang tuluyan nang makaalis ang kanilang mga sasakyan ay sinarado na namin ang pintuan.

Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman 'ko ang hilo. Dahan-dahan akong naglakad patungong sofa, uupo na sana ako nang tuluyan nang dumilim ang aking paningin. Huling nakita 'ko ay ang pag-aalala sa mukha ng aking dalawang asawa bago ako tuluyang mawalan nang malay.













Nagising ako nang may naramdaman akong basa sa aking ulunan. Nang tuluyan 'kong iminulat ang aking mga mata ay nakita 'ko ang mukha ni Seis. Siya pala ang nagpupunas sa aking noo ng bimpo na may tubig.

"Fuck, thank God you're awake. You almost gave us a heart attack hermosa." Paulit-ulit nitong pinaliguan nang halik ang aking buong mukha. Natawa naman ako sa kaniyang ginawa dahil nakikiliti ako.

"Nasaan si Cinco, hubby?" Tanong 'ko dito.

"He's currently talking to the doctor hermosa." Sagot nito at hinawakan ang aking kamay.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating si Cinco sa kwarto. Tulala ito at parang wala sa kaniyang sarili. Kahit naupo na ito dulo ng kama ay nakatitig lang ito sa sahig. Dahan-dahan akong bumangon at nilapitan siya.

Nang inangat 'ko ang kaniyang mukha ay puno ito ng luha, "Hubby anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Mahinahon 'kong saad at hinubad ang kaniyang salamin na nabasa na dahil sa kaniyang mga luha.

"What happened brother? Why the fuck are you crying?" Hinawakan 'ko ang kamay ni Seis at pilit na pinapakalma.

"Seis..." Napatingin kami ng sabay kay Cinco ng magsalita ito.

"Brother, we're gonna be a father in 8 months." Natigilan si Seis at napanganga, habang si Cinco naman ay patuloy ang pag-iyak. Jusko ano na ba ang nangyayari. Buntis lang pala ako pero bakit para kaming namatayan dito?

Nagulat nalang ako nang sabay nila akong niyakap at nakisama na rin sa pag-iyak si Seis, "Thank you wife. Thank you so much. We love you more than anything in the world." Sabay nilang saad habang nakahagulgol pa rin sa pag-iyak.

Napatawa naman ako hinaplos ang kanilang mga buhok. Mukhang alam 'ko na sino ang naglilihi dito. "Mahal ko din kayo, sobra."




---------

This is a gift for you!

Thank you again for reading.

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon