Eight

4.8K 104 7
                                    

Kiya

Napatili ako nang makarating ako sa aking kwarto. Hindi ako makapaniwalang nawala na ang first kiss 'ko, kung kay Sir Cinco ay muntik na dahil nag-assume ako kay Sir Seis ay biglaan. Kinapa 'ko ang dibdib 'ko sobrang bilis nang tibok nang puso 'ko. Nung una hindi 'ko lang ito pinansin nung magkadikit kami ni Sir Cinco pero ngayon nararamdaman 'ko na naman ulit kay Sir Seis. 

Wala naman siguro akong sakit? Wala namang naikwento sa akin sina Inay at Itay na nasa lahi nila ang may sakit sa puso, sa pagkakaalam 'ko highblood lang kina Itay habang kina Inay naman ay yung height problem, na namana 'ko.

Humiga ako sa aking higaan at tinitigan ang kisame. Hindi 'ko pa rin mawari kung bakit ang touchy nila Sir Cinco at Sir Seis sa akin. Wala din akong makapa na galit o pagkapikon sa aking katawan sa pagnakaw nila nang halik sa akin. Hay, hindi naman masamang magkacrush sa dalawa diba? Crush lang naman eh, wala namang nagsabi na hanggang isa lang ang crush.

Napabangon ako nang ruming ang aking telepono, kinuha 'ko ito mula sa aking bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. Walang pangalan na nakarehistro kaya nagtaka ako. Sa pagkakaalam 'ko maliban sa pamilya 'ko wala na akong iba pang binigyan 'ko nang numero.

May pag-aalinlangan man pero sinagot 'ko nalang ang tawag, "Hello, sino ho sila at saan niyo po nakuha ang number 'ko?" Mabuti nang direct para malaman 'ko agad.

"This is Cinco bebita. I got your number from the form that I asked you to fill up last meeting." Hala, ba't tumatawag si Sir Cinco? 

"May nangyari ho ba Sir? Hindi na po ba valedictorian si Ivan? Na guidance ho ba siya? Makakagraduate pa po ba siya? Wala naman ho siguro siyang pinaiyak na babae? Malalagot sa akin yung batang 'yon pagnalaman 'kong nag-gigirlfriend na." Sunod-sunod 'kong tanong. Hindi 'ko maiwasang mag-alala lalo na't next week na ang graduation nila.

"Calm down babe, nothing's wrong with your brother. He's an exemplary student along with his other brothers." Sagot nito sa kabilang linya.

"Kung ganoon ho bakit po kayo napatawag at sa ganitong oras pa? Hindi ba kayo nagpapahinga Sir Cinco?" May pasok pa bukas dahil weekdays pa ngayon bakit gising pa itong si Sir Cinco?

"Hmm, Seis told me that you were together a moment ago." Ang chismoso naman nitong si Sir Seis talagang shinare niya pa sa kakambal niya.

"Opo Sir, sinabayan niya ako pauwi at iniligtas din ako doon sa matandang hukluban na anak yata ni dugong." Alam 'kong masama manlait nang kapwa pero minsan lang naman ang doon lang naman sa taong deserve laitin. 

Narinig 'kong tumawa si Sir Cinco sa kabilang linya, napangiti nalang rin ako. Kahit sa pagtawa ay sobrang gwapo pa rin nito pakinggan. Baka pati sa pagtulog nito na tulo pa ang laway ay gwapo pa rin at hindi panis-laway.

"Aside from that, Seis also told me that he was your first kiss. Now, I regret not kissing you that day bebita, I should've known how your lips felt like." Pati 'yon shinare niya? Namula naman ako nang maalala 'ko ulit ang saglit na halik na pinagsaluhan namin ni Sir Seis. At anong regret? Eto talagang si Sir Cinco mapagbiro.

"Quite unfair but llegará el momento en que saborearé no solo tus labios sino todo tu cuerpo contra el mío and that will happen so soon babe."  Heto na naman po tayo sa alien language, wala na naman akong naintindihan.

Napanguso ako, "Sir wala ho akong naintindihan sa sinabi niyo pwede pong pakitranslate?" Bakit kasi ayaw nalang magtagalog nitong si Sir Cinco para mapadali ang lahat.

"You'll know soon bebita. By the way, have you thought about accepting my offer? Applications are about to start next week." Muntik 'ko nang makalimutan ang tungkol dito. Hindi 'ko pa rin nasasabi kay Itay dahil palagi itong wala sa bahay. Minsan nga hindi na kami halos nagkikita dahil palagi nalang itong sa talyer namamalagi.

"Pasensiya na po Sir, hindi 'ko pa rin po kasi nasabi sa Itay 'ko ang tungkol sa offer niyo, pero sasabihin 'ko po pagnakauwi siya ngayong week na ito." Sana nga makauwi si Itay. Prinactice 'ko na rin yung puppy eyes ni Cristo at mukhang nakuha 'ko naman na.

"Okay babe. Save this number and give me a heads up okay?" Tumango ako na para bang nasa harapan 'ko lang si Sir Cinco.

"Well, our conversation ends here. Good night bebita, no podemos esperar a estar contigo pronto." Hindi 'ko nalang pinansin ang ibang lenggwaheng sinasabi ni Sir at nagpaalam pabalik.

"Good night ho Sir, bye-bye na po." Tinapos 'ko ang tawag at sinave ang number ni Sir Cinco gano'n din ang numero ni Sir Seis. Nilagay 'ko ang telepono sa bag 'ko at natulog na may ngiti sa aking mga labi.


















Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa aking pisngi, minulat 'ko ang mga mata 'ko at nakita 'ko si Tenious na umiiyak. Agad naman akong napabangon, yinakap 'ko ito at pinatahan, "Shhh, andito na si Ate bunso, bakit umiiyak ang bunso namin?" Tanong 'ko habang hinahagod ang likod nito.

Suminghot pa ito bago nagsalita, "Napaginipan 'ko si Inay Ate, ang saya-saya natin doon hindi katulad ngayon na palagi nalang galit ang Itay. Ngayon hindi na siya masyadong umuuwi sa atin."

Napabuntong-hininga ako at hinagod ulit ang likod nang kapatid 'ko. Naapektuhan na din sila sa minsanang pag-uwi ni Itay dito sa bahay. Naghahabilin ito nang pera pero hindi na gaya noon. Hindi 'ko alam anong nangyayari sa kanya hindi naman siya ganito dati.

Ganito pa ang nangayari sa kay Itay kung saan graduating na kaming dalawa ni Ivan. Kakausapin 'ko si Itay na huminto nalang sa trabaho sa talyer. Mas gugustuhin 'ko pang makita siya dito sa bahay kaysa magtrabaho na halos hindi na makauwi.

"Tingin ka kay ate bunso..." Hinawakan 'ko ang ulo nito at inangat ang kaniyang mukha. Inalis 'ko ang mga luhang tumutulo sa mukha nito gamit ang mga kamay 'ko.

"Magiging okay din ang lahat ha? Kakausapin ni Ate ang Itay. Huwag ka nang umiyak sige ka papangit ka niyan."

"Thank you Ate, the best ka talaga. Baba na po tayo baka gising na din sina kuya." Hinatak ako nito pababa kahit hindi pa ako nakahilamos man lang at may muta pa sa mata.

Nadatnan 'ko sina Jameson at Ivan na hinahanda ang aming umagahan. "Ate kain na po tayo para makabihis na tayo. Nga pala Ate, sino yung kasama mong umuwi kagabi? Nakita ka daw ni Jameson sa labas na ay kasamang lalaki." May cctv ba ang bahay namin na hindi 'ko nalalaman? O sinusundan ba ako nang isa sa kanila? Bakit parang alam yata nang mga kapatid 'ko halos lahat nang nangyayari pagtungkol sa kambal?

"Kambal 'yon nang Dean niyo si Sir Seis. Nagkataon lang na sinamahan niya ako pauwi. Napadaan kasi siya sa bakery at nakita niyang binabastos ako ng isang customer." Pagpapaliwanag 'ko sa kanila.

"What? A customer harrased you? Did you report that to the police?" Tanong ni Jameson. Umiling ako, "Okay lang hayaan mo na ang karma."

"Mabuti na lang pala at dumaan si Sir Seis doon Ate. Minsan pumupunta 'yon sa school para dalawin si Dean at balita namin racer daw 'yon." Pagkwe-kwento ni Ivan habang sumasando nang kanin sa kaniyang plato.

Kaya pala ganoon yung disenyo ng card na ibinigay niya sa akin. Napatigil kami sa pagkain nang may marinig kaming bumisina sa labas. Tumayo ako upang tingnan kung sino 'yon.

Nakita 'ko si Sir Seis na pilyong nakangiti habang nakasandal sa kotse niya, anong ginagawa niya dito?

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon