Twenty-three

4.1K 84 0
                                    

Kiya

Dahan-dahan 'kong binuksan ang pinto ng kwarto nang kapatid 'kong si Ivan. Nilagay 'ko ang dala 'kong bag at linigay ito sa sahig upang gisingin ang aking kapatid.

Tinapik 'ko ang pisngi nito, "Ivan, gising na. Kailangan natin umalis." Saad 'ko dito. Ibinuka nito ang mga mata at nagtatakang tiningnan ako.

"Saan tayo pupunta Ate?" Tanong nito.

"Sasabihin 'ko mamaya ang dahilan, sa ngayon kuhanin mo na ang mga gamit mo habang gigisingin 'ko ang iba mo pang mga kapatid." Nagtataka man ngunit sinunod naman ni Ivan ang aking iniuutos. 

Pumunta ako sa sa kwarto nang dalawa 'ko pang kapatid at gano'n din ang sinabi 'ko sa kanila. Nang matapos na silang maghanda ay dahan-dahan kaming umalis sa bahay. Madaling-araw na ngayon at nakasakay kami sa isang pampasaherong bus.

Medyo nahirapan kami dahil malayo pala ang bus terminal doon sa tinutuluyan naming Isla tapos kinailangan pa naming sumakay nang bangka para makatawid.

Kahit masakit ang aking katawan ay pinilit 'ko paring kumilos. Alam 'ko sa sarili 'ko na tama itong aming pag-alis. Niloko nila ako, pinagplanuhan at kung anu-ano pa. Kahit pa sabihing pumayag ako na may mangyari sa aming tatlo ay hindi ibig sabihin no'n okay na ako.

Kailangan 'kong lumayo sa kanila upang makapagisip-isip. Masakit lokohin, alam 'kong inosente ako sa ibang bagay pero iba na 'yong pinagmukha akong tanga. Mahal 'ko sila pero sa ngayon kailangan 'ko munang timbangin 'kong karapatdapat 'ko pa ba silang mahalin lalo na't nagawa nila sa akin ang mga 'yon.

Nakasakay na kami ngayon sa isang bus. Tahimik lang ang mga kapatid 'ko at hindi pa nagtatanong. Alam 'kong may alam na sila, handa naman akong sumagot kung sakaling may magtanong sa kanila, lalo na itong aming bunso.

"Ate, bakit ho tayo umalis? Inaantok pa ho ako, eh." Natawa naman ako at hinilig ang ulo nito sa aking balikat.

"Kailangan ni Ate mag-isip bunso. May ginawa kasi sila Sir Seis at Sir Cinco kay Ate." Tipid 'kong sagot sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

"Hmm, mapapatawad mo pa ba sila Ate?" Tanong nito.

"Oo, pero hindi pa sa ngayon. Nasaktan si Ate, eh." Tumango ito at hindi na muling nagtanong pa. Pinunasan 'ko ang butil na luha na tumulo mula sa aking mata. Masakit pero kailangan 'ko itong gawin. Iniwan 'ko silang dalawa habang mahimbing pa na natutulog.

Kinalbit ako ni Jameson na nakaupo sa likod namin kasama ni Ivan na kasalukuyang natutulog. "Ate, Dean is calling me. Should I answer?" Kinagat 'ko ang aking labi upang pigilan ang aking muling pagluha.

Mukhang nagising na sila. Naramdaman ata nila na wala ako sa kanilang tabi. "Pwede bang humingi nang pabor si Ate? Pwede bang i-off niyo muna ang mga telepono niyo?"

Tumango si Jameson at in-off ang kaniya. Kinuha niya din ang telepono ni Ivan at gano'n din ang ginawa habang si Tenious ay sumunod rin. Hindi 'ko dala ang akin kasi sinadya 'kong iwanan ito doon. Ayoko pa talaga silang makausap kahit sa anong paraan.

"Matulog muna kayo, gigisingin 'ko nalang kayo pagnakarating na tayo sa Maynila." Sabi 'ko sa kanila. Niyakap 'ko nang mahigpit si Tenious, siguro babalik kami doon sa aming probinsya. Kailangan 'ko din maghanap muli nang trabaho kasi malapit na din ang pasukan nitong tatlo. May konti naman akong naipon mula sa aking pagtatrabaho sa bakery.
























Nang makarating kami sa Maynila ay kumain kami nang agahan. Nakakita ako nang karinderya na malapit lang sa sakayan ng jeep papuntang probinsya kaya dito namin piniling kumain.

"Kain pa kayo, may gusto pa ba kayong idagdag?" Tanong 'ko sa kanila habang tinitingnan ang mga paubos nilang mga kanin.

Umiling si Ivan gano'n din 'yong dalawa. "Busog na kami Ate. Ikaw po? Ang liit lang ng kinain niyo." Sabi ni Ivan.

Napatingin ako sa aking pinagkainan, hindi 'ko naubos ang isang cup ng kanin. Mukhang kalahati lang nito ang aking nakain. Wala kasi talaga akong gana, ayoko rin naman pilitin ang aking sarili. Marahil lang siguro ay dahil ito sa aking emosyon.

Pagkatapos naming kumain ay ay naghintay kami ng jeep hanggang sa may dumaan kaya agaran 'ko itong pinara.

"Babalik na tayo sa bahay natin, okay lang ba?" Tanong 'ko sa kanila.

"As long as we're together Ate, okay lang." Nginitian 'ko ng tipid si Jameson. Sobrang maunawain ng aking mga kapatid. Sobrang swerte 'ko namang Ate.

Pagkaraan ng dalawang oras ay nakarating na rin kami sa terminal. Pumara kami ng tricycle at nakarating sa aming bahay na kinalakihan.

Nang buksan namin ang bahay ay sobrang alikabok nito. Wala na rin dito ang tv na nabasag at iilang gamit. Mukhang alam 'ko na ata kung saan napunta ang mga 'yon.

"Magbihis muna kayo roon at magpahinga alam 'kong napagod kayo sa byahe." Sabay kaming umakyat sa taas apat. Nilagay 'ko ang aking mga gamit sa cabinet at nagbihis. Hindi ako pwedeng magmukmok dahil may mga kapatid pa akong umaasa sa akin.

Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at nakita 'ko si Jameson. "May kailangan ka Jameson?" Tanong 'ko rito habang inaayos ang aking mga gamit.

"Are you okay Ate? Have they told you everything?" Napahinto ako sa aking ginagawa at nilingon ang aking kapatid.

Kimi 'ko siyang nginitian at tumango, "Si Valerie 'yong nasa larawan, siya 'yong namatay nilang asawa na kamukha 'ko. Tapos yung libro ay yung love story nila." Maikli 'kong pahayag. 

"Sinabi din nila na ang pakay nila sa akin nung una ay ang mapalapit sa akin dahil kamukha 'ko ang yumao nilang asawa pero kaulanan daw ay natutunan nila akong mahalin bilang ako." Dagdag 'ko. Malalim akong huminga upang pigilang maiyak, ayokong makita ng mga kapatod 'ko na ganito.

"I'm sorry for not telling you. Patawarin mo ako Ate, ayoko lang mangialam dahil sila dapat ang magsabi sa'yo but as your brother I should've protected you from hurting, unfortunately, I failed." Lumingon ako sa kaniya at tinabihan ito sa aking kama.

Nakayuko ang ulo nito at hindi ako tinitingnan, "Shhh, wala ka namang kasalanan at tama naman dahil sila dapat ang magsabi sa akin nang totoo. Salamat dahil inaalala mo kung ano ang mararamdaman 'ko kung sakaling malaman 'ko ang totoo. Pero Jameson, normal lang na masaktan pag nagmamahal ka. Naintindihan 'ko naman kung bakit nila itinago sa akin ang totoo pero hindi ibig sabihin no'n ay tama ang ginawa nila. Huwag kang mag-alala magiging okay rin si Ate. Malalagpasan natin ito, hmm?" 

Pinaharap 'ko ito sa akin at nginitian. "We will always be here for you, Ate." Niyakap 'ko ito at hinaplos ang buhok. Yumakap naman ito sa akin pabalik, "Mahal 'ko kayo, sobrang mahal 'ko kayo."

Our Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon