Kiya
"Bwisit na buhay 'to!" Kinuha nito ang baso ang tinapon sa pader. Napaigik ako sa gulat. Kakauwi lang ni Itay galing talyer at galit na galit ito. Akmang tatanungin 'ko nang bakit nang bigla itong nanira nang gamit.
Tiningnan 'ko ang paligid 'ko, sira na ang tv namin. Sira na din ang upuan namin sa sala at iilan naming lamesa. Basag din ang picture frame naming pamilya, bago pa sirain ni Itay picture frame ni Inay ay kinuha 'ko na ito at tinago.
"Lintik talaga! Putangina talaga nang mga babae, walang ibang ginawa kundi manloko at mamera." Wala akong naiintindihan dahil ayoko paniwalaan itong kongklusyon na namumuo sa aking isipan. Hindi magagawa ni Itay 'yon. Hindi pwede.
Kailangan 'kong kumuha nang lakas nang loob para pigilan si Itay sa pagsira nang bahay namin. Dahan-dahan akong lumipat sa tinatayuan nito, "Itay..." Tawag 'ko.
"Itay, tama na ho. Natatakot na po ang mga kapatid 'ko. Ano ho bang nangyari?" Tanong 'ko sa kaniya. Bumaling ang tingin nito sa akin. Nag-aalab nang galit ang mga mata nito.
Natatakot man pero mas lumapit pa ako at hinawakan ang braso nito, sinundan niya nang tingin ang kilos 'ko. Hinaplos 'ko ito pababa at pataas para pakalmahin siya.
Hinawakan nito ang kamay 'ko na nakahaplos sa braso niya at biglaan akong tinulak dahilan para matumba at lumanding sa sahig. "Ikaw! Ikaw ang kasalanan nang lahat ng ito! Simula nang mawala ang ina niyo dahil sa lecheng sakit na 'yon ay nagkanda leche-leche na ang buhay 'ko! Dumagdag ka pa na isang palamunin lang dito sa pamamahay 'ko, putangina talaga bakit ka pa kasi binuhay ni Merdith." Dinuro-duro niya ako at hindi 'ko mapigilang mapaiyak dahil doon.
Napahagulgol ako sa narinig 'ko galing kay Itay, ni minsan kahit na alam 'kong may galit siya sa akin ay hindi niya ako pinagsalitaan nang ganitong mga salita. Umiling ako at pinunasan ang mga luha sa mga mata 'ko. Kailangan huwag akong magpaapekto dahil may mga kapatid akong umaasa sa akin.
Tumayo ako kahit masakit ang balakang 'ko dahil medyo may kalakasan ang pagbagsak 'ko kanina, "Itay, kumalma ho kayo parang awa niyo na. Sabihin niyo sa akin kung ano ho bang problema at baka matulungan ko ho kayo."
Mabuti nalang talaga at pinaakyat 'ko ang tatlo sa taas at hinabilinan si Ivan na huwag silang bumaba. Ayokong makita nila si Itay na nasa ganito ang sitwasyon. Alam 'kong naririnig nila ang nangyayari dito sa ibaba.
"Tulungan? At saan ka hahanap nang sampung milyon Kiya? Ha?" Sampung milyon? Saan nakakuha si Itay nang ganoong kalaking pera?
"Oh? Natahimik ka? Putangina kasi nitong si Lucia, naisahan ako nang puta na 'yon. Naipanalo 'ko 'yong pera na 'yon sa sugalan." Kailan pa natutong magsugal nitong si Itay? Akala ko ba nasa talyer siya nagtatrabaho nitong mga nakaraan araw?
"Sino ho ba si Lucia Itay? Bakit ho kayo nagkautang nang sampung milyon?" Nangingig ang mga labi at binti 'ko nang tanungin 'ko siya. Jusko, saan ako hahanap nang sampung milyon?
"Hindi 'ko pera ang pinupusta 'ko doon sa sugalan. Representatib lang ako ni pareng Domeng, sa tuwing nananalo ako ay binigyan niya ako ng porsyento. Yung si Lucia ay ang puta 'ko, doon ako sa bahay nito pansamantalang tumitira. Hindi 'ko naman alam na tuso 'yon, ninakaw ang bag na ang laman ay yung pera na naipanalo 'ko kagabi. Paggising 'ko wala nang tao sa bahay niya at kanina pa si Pareng Domeng tumatawag sa akin para kunin 'yong panalo 'ko."
Jusko, ano na bang nangyayari? Bakit palala nang palala ang problema namin? Bakit ba naging ganito ang pamilya namin?
"Gagawa ako nang paraan Itay. Kumalma lang ho muna kayo. Pangako makakabayad din tayo, sa ngayon kausapin niyo lang muna si Mang Domeng at ipaliwanag ang nangyari." Mahinahon 'kong paliwanag sa kaniya. Hindi 'ko man alam ang gagawin 'ko pero mamaya 'ko nalang 'yon iisipin. Mas maigi na munang pakalmahin 'ko si Itay habang hindi pa lumalala nang sobra ang sitwasyon.
Marami pa akong tanong sa kanya pero ipinagsawalang bahala 'ko na lamang. Pumunta ako nang kusina para kunan nang tubig si Itay, mukhang hindi na ata talaga ako makakapag-aral. Doble-kayod ang gagawin 'ko para makalikom nang ganoong kalaking pera.
Lugmok akong pumasok sa skwelahan kahit half day lang. Yung mga kapatid 'ko ay pinapasok 'ko rin para hindi na nila makita si Itay. Sobrang dami pa nilang tinanong sa akin kahit na si Tenious pero sinabihan 'ko sila na ayos lang ang lahat kaya hindi na dapat silang mag-alala pa. Alam 'kong hindi sila kumbinsido sa sagot 'kong iyon pero hindi na sila muling nagtanong pa.
Kailangan 'ko pang maghanap ng ibang trabaho siguro maliban doon sa bakery. Puputulin 'ko yung oras 'ko doon at maghahanap nang pangalawang trabaho na may kalakihang sweldo.
"Oy Kiya! Mabuti ang nakapasok ka pa? Bakit ngayon ka lang may nangyari ba?" Tanong sa akin ni Cristo at tinabihan ako.
Hindi naman siguro masamang magsabi sa kaniya nang problema diba? Kaibigan 'ko naman siya.
"May naging problema lang sa bahay. Mayroon kabang kilala na naghahanap ng staff? Kahit anong trabaho papasukin 'ko kailangan kasi namin ng pera eh." Kinapalan 'ko na talaga ang mukha 'ko. Wala na kasi akong ibang malalapitan pa.
"Pasensiya na Kiya wala eh, pero itatanong 'ko sa iba 'kong kabarkada mamaya baka may kakilala sila. Bakit niyo pala kailangan ng pera?" Ayokong sabihin sa kaniya na dahil sa kapalpakan nang aming Itay kaya nandito kami sa sitwasyong ito ngayon.
"Emergency lang. Alam mo na family problem at magse-senior high na din yung kapatid 'ko kaya kailangan may pangbayad nang tuition." Sorry po kung nagsinungaling ako Lord.
"Sige, usap nalang tayo ulit mamaya. De bale kumain ka na ba?" Tumango ako kahit na hindi pa. Hindi 'ko magawang kumain dahil wala talaga akong gana. Sa dami nang nangyari ngayong araw kahit na pagkain nakakalimutan 'ko na.
"Okay ka lang ba? Gusto mo ipasyal kita sa mall? Laro tayo sa arcade doon." Lumipat ito sa harap 'ko at umupo na para bang nakaluhod. Tumingin ako kay Cristo at umiling.
"Salamat sa alok Cristo pero talagang wala akong gana ngayong araw. Masyado kasi akong maraming iniisip pasensiya ka na." Bumuntonghininga ito bago nagsalita, "Ayokong pilitin kang magkwento pero kung ano man ang nangyayari ngayon sa pamilya niya alam 'ko maayos din 'yan."
Kung wala akong kaibigan na katulad ni Cristo, hindi 'ko na alam ang gagawin 'ko. Mabuti nalang at nandito siya sa tabi ko. Tumango ako at simple siyang nginitian, malalampasan din namin ito.
Gabi na nang makauwi ako sa bahay, maaga din nagsara ang bakery dahil may lakad si manager. Nang makarating ako sa amin ay nagtaka ako kung bakit may sasakyan sa labas na nakaparada. Anong mayroon?
Pumasok ako sa bahay at nakita 'kong nag-iinuman si Itay at si Manong Domeng. May dalawa pang lalaki na hindi 'ko kilala na nasa tabi ni Mang Domeng.
Napalingon si Itay sa gawi 'ko at biglang ngumiti, "Oh andito na pala ang pinakamaganda 'kong anak. Kiya, halika rito." Nilagay 'ko ang bag ko sa gilid nang pinto at lumapit kay Itay upang magmano, gano'n din ang ginawa 'ko sa tatlo pang lalaki.
"Ang ganda talaga ng dalaga mo pare. Sigurado ka na ba dito?" Narinig 'kong tanong ni Mang Domeng. Hinagod ako nito ng tingin, nanginlabot ako dahil doon. Mas lumapit pa ako kay Itay, natatakot na ako.
"Oo pare. Kiya, doon ka kay pareng Domeng. Simula ngayon ay sa kanya kana titira." Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang marinig 'ko ang mga katagang 'yon. Tama ba ang pagkakaintindi 'ko na ako ginawang pambayad utang ni Itay?
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...