Kiya
Isang linggo na ang nakalipas simula nung mag-usap kami nina Sir Cinco at Seis, pati ng mga kapatid 'ko. Kung kinontact nila ako ay hindi 'ko rin malalaman dahil tuluyan ang nasira ang aking telepono.
"Ija pagkatapos mong maglinis diyan ay isunod mo itong sala." Sabi ni Manang. Andito kasi ako ngayon sa bakuran, nagwawalis ng mga dahon.
"Opo Manang, malapit naman na akong matapos ho." Tinuloy 'ko ang pagwawalis at inilagay angmga dahon sa isang malking balde upang ilagay doon sa hardin nila. Ginagawa kasi itong fertilizer sa mga pananim ni Manang, isa kasing ganap na plantita ang asawa ni Mang Domeng.
Pagkatapos 'ko sa bakuran ay pumasok ako sa bahay at uminom ng tubig. Nagpahinga ako saglit at pumunta a sa sala. KInua 'ko ang isang feather duster at sinimulang paspasan ang iilang mga vase, picture frame at kung ano pang kagamitan.
Habang naglilinis ako ay bglang bumukas ang pintuan. Pumasok si Mang Domeng at ang kaniyang asawa kasama ang isang bakla. Nagtatawanan ang mga ito at umupo sa couch.
"Kiya kumuha ka nang juice doon at lagyan mo na rin ng biscuits for our visitor." Utos sa akin ni Madam.
Isinalin ko sa mahabang baso ang isang orrange juice at kumuha ng iilang biscuits doon sa kanilang pantry. Nilagay 'ko ito sa tray at dahan-dahan akong pumatungo sa sala, tahimik 'ko itong nilapag sa babasaging mesa.
Naramdaman 'kong may tumitig sa akin kay napalingon ako, nginitian ako ng bakla at bumulong ito kay Madam. Tumaas ang kilay nito at lumaki ang mata habang tumatango-tango. Linapitan nito si Mang Domeng at may ibinulong din.
Hindi na ako nang usisa pa at umalis upang hindi sila madistorbo. Doon ako tumambay sa kusina at inaayos ang iilang mga kagamitan doon. Hindi kasi ako mapakali na walang ginagawa, mas mabuti nang gumagalaw ako para kaysa magmukmok.
"Kiya..." Napalingon ako sa tumawag at nakita 'ko si Mang Domeng. Lumapit ito sa akin, agad naman akong umatras hanggang sa mahuli niya ako at hinigit papalapit.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay 'ko at tinitigan ang mukha 'ko saka ngumisi. Iniyuko 'ko ang ulo 'ko upang hindi makita ang mukha niya. Kinakabahan ako, hindi 'ko alam kung bakit ganoon nalang ako tingnan ni Mang Domeng.
Marahas niyang hinawakan ang baba 'ko at pinilit na itiaas ang mukha 'ko, "Tingnan mo ako sa mata, tandaan mo pangbayad utang ka lang."
Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi 'ko pinahalata. "Tama nga si Girly, mapapakinabangan ka naming mag-asawa. Tutal wala ka namang halaga sa Tatay mo, magagawa namin ang gusto namin sa'yo dahil pag-aari na kita."
Binitawan nito ang kamay 'ko at mas hinigpitan ang hawak sa mukha 'ko, "Yayaman ako lalo nang dahil sa mukhang 'to. Sigurado akong maraming mag-aagawan sa'yo." Napaiyak ako nang tuluyan dahil sa takot.
Binitawan nito ang mukha 'ko, "Pumunta ka sa kwarto at magbihis ng isang desenteng damit. Aalis tayo. Huwag mo subukang magtanong, sundin mo ang iniuutos 'ko sa'yo." Pagkatapos nitong sabihin 'yon ay agad itong umalis.
Umiiyak man at nanghihina, pinilit 'ko ang sarili 'kong pumatungo sa kwarto namin ni Manang. Hinalugad 'ko ang aking mga damit at nakakita ako ng isang puting dress na kita ang balikat.
Nakarinig ako nang katok sa pinto, "Ija tapos ka na bang magbihis? Pinapatawag ka na ni Sir, aalis na daw kayo." Narinig 'kong sabi ni Manang.
Buuntonghininga ako bago binuksan ang pinto. Tiningnan ako ni Manang at hinawakan ang aking mahabang buhok, "Ang ganda mo talagang bata Kiya, pagpalain ka sana ng Diyos. Patawarin mo ako dahil wala akong magawa." Malungkot ang mga mata nito habang sinasabi ang mga 'yon.
Sinamahan ako ni Manang papuntang sala, "Sir andito na po siya." Tawag atensiyon ni Manang, sabay naman napalingon ang tatlo.
"Perfect. Ang pretty mo girl." Pumalakpak ang bakla at linapitan ako. Inaayos nito ang buhok 'ko na nakatakip sa aking mukha at nilagay ito sa likod ng aking tainga.
"Pak! Pang beauty queen ang beauty nitong alaga ninyo Madam." Saad pa nito.
Nilingon 'ko ang mag-asawa at nakita 'kong nakatingin lang ito sa amin. Seryosong umiinom si Mang Domeng habang naka akbay ito sa asawa.
Linagay nito ang baso sa mesa at inalalayan ang asawa patayo, "Umalis na tayo baka malate pa tayo."
Tahimik lang ang byahe namin. Gusto 'ko man magtanong kung saan kami patungo ay hindi 'ko nalang tinuloy dahil baka magalit pa ang mag-asawa. Biglang huminto ang sinakyan naming kotse hudyat na nakarating na kami sa aming destinasyon.
Nang makababa ako ng kotse ay bigla akong piniringan sa mata. "Girl, kailangan mo ang mga 'yan kasi bawil makita ng iyong beautiful eyes ang place na ito."
Bigla akong nanlamig dahil sa hindi 'ko makita ang paligid 'ko at dagdag pang wala akong alam kung anong lugar itong pinuntahan namin. Naramdaman 'kong may humawak sa kamay 'ko at nagsimula kaming maglakad, "Follow ka lang sa aking steps. Huwag na huwag mo tatanggalin ang blindfold, okay?"
Tumango ako kahit hindi 'ko siya nakikita. Lakad lang kami nang lakad, paminsan-minsan ay tumitigil kami, hula 'ko ay dahil may nakita silang kakilala nila. Yung ibang narinig 'ko lang na sabi nila ay kailangan daw naming pumunta sa stage dahil magsisimula na daw.
Ilang minuto ang nakalipas ay tinanggal na ng bakla ang blindfold sa aking mata. Inilibot 'ko ang aking paningin sa paligid ngunit wala akong nakita, bakit parang ang dilim naman yata?
"Makinig ka sa akin pretty, pagtumapat sa iyo ang ilaw ay magsmile ka ng bongga okay? Para ma attract sa'yo ang mga client namin. Wait lalagyan muna kita ng konting lipstick lang. Ayan, ang ganda mo talaga. Huwag kang kabahan okay? At huwag na huwag mong subukang tumakas." Inayos nito sa huling sandali ang damit at buhok 'ko bago umalis.
Pinakiramdaman 'ko ang aking paligid ngunit wala talaga. Sobrang tahimik, kinuyom 'ko ang aking kamao. Nasaan ba ako? Ano bang gagawin 'ko at bakit ako iniwan ng mga amo 'ko?
Biglang may gumalaw na kung ano sa aking harapan. Paunti-unti itong tumataas hanggang sa tumigil ito. Bumalik ulit ang pagkatahimik sa aking paligid. Hinawakan 'ko ang buhok 'ko at pinaglaruan, kinakabahan na talaga ako, ramdam 'ko na hindi 'ko talaga magugustuhan ang mangyayari ngayon.
Biglang bumukas ang mga ilaw at nakita 'ko sa aking harapan ang sobrang daming tao. Nakadamit ang iba ng business suit habang ang mga babae naman ay pawang nakagown. May iilang tao rin na nakaupo sa gitna ng mga tao, na may hawak na isang bilog na may nakasulat na numero.
Biglang may ilaw na tumapat sa isang bahagi ng tinatayuan namin at doon nakatayo ang isang babae at lalake na ganoon din ang suot. Anong mayroon?
"Good Evening everyone. Thank you all for coming today." Pagbati ng lalaki.
"Here in our right side are the girls that will be auctioned for tonight. First is..." Hindi 'ko ma proseso ang sinasabi ng babae. Auction? Binebenta ako ng mga amo 'ko?
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...