Kiya
Andito ako ngayon sa library ng school namin, may essay kasi na bukas ang deadline at kailangan namin maghanap ng political issue na idi-discuss sa paper. Vacant namin ngayon kaya dito na ako dumeretso. Naghanap ako ng mga libro na related sa assignment namin, palakad-lakad lang ako ng makadating ako sa huling shelf.
"Cris, ano ba huwag dito, baka makita tayo ng librarian." Cris? Hinanap 'ko ang boses ng babae at nakita 'ko ito sa may gilid na pinagigitnaan ng malalaking shelf at medyo maliit lang yung espasyo pero kasya naman yung tao.
Nakita 'ko ang likod ng isang lalaki, nakasandal naman ang babae sa pader. Lumapit pa ako upang makita kung sino ang mga ito, siningkit 'ko ang mga mata 'ko. Hala, si Cristo 'to at Sheila ah? Ano bang ginagawa nila?
"Paisa lang Sheila oh." Narinig 'ko pang sabi ni Cristo at dumukwang ito sa leeg ni Sheila. Humagikik si Sheila sa ginawa ni Cristo.
Umalis si Cristo sa leeg ni Sheila at unti-unting tinanggal ang pagkakabutones ng blouse niya. Jusko, bakit niya hinuhubaran si Sheila? Mainit ba dito sa library? Hindi naman ah, eto lang kaya yung may aircon sa skwelahang ito.
Lumaki ang mata 'ko nang nakita nang nakalantad na ang bra ni Sheila sa harapan ni Cristo.
"Cris, mamaya na nga hihi."
Hinapit ni Cristo ang baywang ni Sheila at saka niya ito hinalikan. Napalunok ako nang bumaba ang halik ni Cristo ang leeg ni Sheila. Nakapikit ang mga mata ni Sheila habang nakahawak naman ang isang kamay niya sa laylayan ng polo ni Cristo.
Ano ba 'tong ginagawa nila? Lumalalim ang paghinga 'ko, hindi 'ko naintindihan kung bakit uminit bigla ang aking paligid. Hindi 'ko maalis ang aking tingin sa kanilang dalawa.
Binaba ni Cristo at strap ng bra ni Sheila at doon lumipat ang mga halik niya. "Hmm, Cris... baka may makakita sa atin." Narinig 'ko pang sabi ni Sheila habang dinaramdam ang mga halik ni Cristo.
"Hindi 'yan huwag kang mag-alala akong bahala sa'tin." Anong wala? Hello, kanina 'ko pa kayo nahuli.
Iniwas 'ko ang panonood sa kanila at humakbang paatras, bago pa ako tuluyang makalayo ay bigla akong natapilok. Sa kasamaang palad nahulog ang mga libro na dala 'ko at may isa pang napunta sa kinaroroon ng dalawa 'kong kaklase na sina Cristo at Sheila.
Napatingin naman sila sa libro at unti-unting lumipat sa akin ang mga mata nila. Nang mapagtanto nilang nakita 'ko sila ay agad inayos ni Cristo ang buhok niya at polo, tinago niya sa likod niya si Sheila upang matakpan dahil nakabukas pa rin lahat nang butones ng blouse nito.
Agad akong tumayo at kinuha ang mga libro na nasa sahig. Nang makuha 'ko ang libro ay nagmadali akong tumakbo. Narinig ko pang tinawag pa ako ni Cristo pero hindi na ako lumingon.
Nahuli nila akong nanonood sa kanila, nakakahiya baka akalain nila eh ang chismosa 'ko. Ano ba kasi yung ginagawa nila at bakit sa library pa eh pwede naman duon nalang sa lounge, para kasing nahihirapan si Sheila base sa reaksyon niya.
Bumalik ako sa inupuan 'ko at nagsimulang binasa ang isa sa mga librong kinuha 'ko. Tiningnan 'ko ulit ang mga libro kasi parang may kulang. Nako, hindi 'ko pala nakuha yung isa. Bahala na 'yon, marami pa naman akong libro.
Maigi 'kong binasa ang libro na pinili 'ko pero hindi mawala sa isip 'ko ang nakita 'ko kanina. Pag-naaalala 'ko 'yon bigla-biglang umiinit ang palagid 'ko at para bang nanglalagkit ang panty 'ko. Pilit 'kong inalis sa isip 'ko 'yon at tinuon ang atensiyon 'ko sa libro.
"Goodbye students, see you tomorrow for your graduation practice." Niligpit 'ko ang mga gamit 'ko at pinasok 'yon sa aking backpack. Simula na ng graduation practice namin bukas, mabuti na lang at natapos 'ko yung essay kanina sa library. Last requirement na kasi 'yon sa isang subject.
Oo nga pala, dadaan muna akong faculty ngayon upang maipasa 'ko ito sa aming teacher. Tumayo na ako at lumabas ng room. Habang naglalakad ako ay kinuha 'ko ang aking telepono sa bulsa ng aking saya.
To: Jameson
Nakauwi na ba kayong tatlo? Huwag niyo kalimutang magluto ng hapunan.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nagreply si Jameson.
From: Jameson
Yes, Ate. We all just got home. Goodluck on your work later, be home safe.
Napangiti naman ako sa reply niya. Kahit palaging nag-eenglish itong kapatid 'ko na 'to at sobrang tipid kung sumagot ito naman ang pinakaresponsable sa tatlo. Sobra kasi nitong mature mag-isip at palaging pinapangaralan ang dalawa, lalong-lalo na si Ivan. Maloko kasi 'yong bata na 'yon, pero mabait naman.
"Kiya..." Napalingon ako sa tumawag sa pangalang at nakita 'ko si Cristo sa tabi 'ko. Akmang aalis ako ng pinigilan niya nang mahawakan niya ang kamay 'ko.
"Huwag ka munang umalis. May gusto lang akong sabihin. Ano kasi..." Kinamot nito ang ulo at hindi na muling nagsalita. Bakit ba palaging nagkakamot sa ulo itong si Cristo? Malala na ba ang mga kuto niya sa ulo?
"Sorry nga pala sa nakita mo kanina. Hindi na kami uulit, please huwag mo kaming isumbong." Binilisan pa nito ang pagkurap ng kaniyang dalawang mata.
Nagtaka naman ako sa ginawa niya, "Anong nangyayari sa mga mata mo Cristo? Napuwing ka ba?" Tumigil ito sa pagkurap at biglang tumawa. May nakakatawa ba sa tanong ko?
"Wala, kinoconvince lang kita na huwag ipagkalat yung nakita mo. Ang tawag sa ginawa 'ko kanina ay puppy eyes, yun ang ginagawa pag-humihingi ka ng pabor sa isang tao o nagpapacute ka lang sa jowa, parents o kaibigan para makuha ang gusto mo, gano'n." Pagpapaliwanag nito sa akin habang pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili upang hindi na tumawa ulit.
May ganoon palang trait ang isang tao? Magamit 'ko kaya 'yon kay Itay para payagan akong mag-aral? Tama, susubukan 'ko. Magpra-practice muna ako kasi hindi ako marunong kung paano 'yon gawin eh.
Inakbayan ako nito at sinabayan nang lakad, "Huwag mong ipagkalat Kiya ha? Magpromise ka sa akin." Tumawa naman ako at tumango, "Hindi 'ko naman ipagkakalat 'yon at isa pa ano ba kasi 'yong ginagawa niyo at bakit bawal kayong mahuli ng librarian? Doon sana kayo sa lounge ng library para makita niya."
Tumigil ito sa paglakad kaya napatigil din ako, "Hindi mo alam yung ginawa namin ni Shiela? Seryoso ka ba Kiya?"
"Oo, next time kasi gawin niyo 'yon sa lounge area o kundi magpaalam kayo sa librarian, hindi naman kasi masungit 'yon. Ang bait kaya ni Ma'am Kelly, palagi akong pinapahiram nun ng libro at pinapayagan niya pa akong huwag isauli ulit basta within the week lang yung borrowing time."
Lumaglag ang panga nito at hindi na muling nagsalita pa. Nang mahimasmasan ito ay iniling nito ang ulo, "Huwag mo nang pansinin 'yon, ginagawa lang 'yon nang magjowa."
"Hala, jowa mo si Sheila? Ang swerte mo naman." Maganda kasi si Sheila. Matalino din, nung minsan siya ang nagpresent sa klase namin nung Ms. Intrams.
"Hindi 'ko jowa si Shiela, magkaibigan lang kami." Kumunot ang noo 'ko sa sinagot noya.
"Eh ba't niyo ginagawa 'yon kung magkaibigan lang pala kayo?" Tanong 'ko. Ngumiti ito at kinurot ang ilong 'ko.
"Basta, huwag ka na maraming tanong bata ka pa eh. Malalaman mo din kung ano ang ibig 'kong sabihin sa sarili mong paraan." Nagkibit balikat nalang ako at na nagsalita pa. Pagkaraan ng ilan pang hakbang ay narating na namin ni Cristo ang faculty at ipinasa na ang aking essay paper.
Sinabayan ako ni Cristo hanggang paglabas sa gate at pinara pa ako ng tricycle, kinwento 'ko kasi sa kanya na didiretso ako sa part time job 'ko sa isang bakery shop, "Salamat Cristo ha? Mag-ingat ka pauwi."
Ngumiti ito at kumaway. Kumaway din ako pabalik hanggang sa umandar na ang tricycle at lumayo na sa school namin.
BINABASA MO ANG
Our Innocent Wife
General FictionSi Kiya Andrei Monsato, isang babaeng nangangailangan. Tinutulungan niya ang Itay niya na buhayin at pag-aralin ang tatlong lalaking kapatid. Mahirap man ang buhay ngunit pinipilit niya maging matatag para sa kaniyang pamilya. Then she met two men...